25

2.3K 67 2
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...

[Mira POV]
"Baba mo na 'ko!" sabi ko.
"Okay," aniya saka maingat na ibinaba ako sa malambot na kama.
"Mag-take ka ng painkiller para maibsan ang kirot," sabi niya.
"Aalis ka?"
"Oo, kailangan kong mamili ng pagkain natin," sagot niya. May nakita akong dalawang kotse at tatlong motorsiklo pababa.
"Magtatagal ba tayo rito?"
"Depende," sagot niya.
"Anong depende?"
"Makipag-usap ako kina Daddy na hayaan ka nang umuwi sa Roxas."
"Sana pumayag sila," puno ng pag-asang sabi ko.
"Sana nga," aniya. "Dito ka lang, dadalhin ko si Maymay para hindi ka niya maistorbo."
Napaisip ako. Masakit ang paa ko tapos aalis siya kasama si Maymay, hindi kaya iiwan na nila ako rito at aalis sila patungo sa ibang bansa? Itatakbo ba niya ang anak ko?
"Huwag kang mag-isip nang masama, babalik ako, Mira. Hindi kita kayang saktan at mas lalong hindi kita iiwan," sabi niya na para bang nabasa ang nilalaman ng aking isipan.
"Wala naman akong sinabi," tanggi ko.
"Gusto ko lang na maging kampante ka."
"Bahala ka."
"I hurt you once at sisikapin kong hindi na iyon mauulit," seryosong sabi niya.
"It's up to you, Grey. Afterall, puwede mo naman akong hayaan at kaya mong gawin ang lahat kahit ba kunin sa akin si Maymay," malungkot na sabi ko. Ako ang laban ko sa kanila? Para akong uod na babangga sa pader.
"Pero hindi ko ginawa," wika niya kaya napatingala ako sa kaniya. "Mas pinili ko pa ring damayan ka at sinisikap na bumawi sa inyong mag-ina."
Okay, may point siya.
"Umalis na kayo, baka tanghaliin kayo," pagtataboy ko.
"May gusto ka bang ipabili?"
"Wala!"
"Napkin?"
Tumaas ang kilay ko kaya namutla siya.
"K-Kuwan, nasanay lang ako kina Mommy noon at Tangerine," paumanhin niya.
"Umalis na kayo."
"Sige, inumin mo na ang gamot, dito ko lang ilagay sa bedside table para maabot mo," aniya saka lumabas. Kakatapos lang ng menstruation ko last week kaya wala na akong alalahanin pa this month maliban sa kung paano kami makauwi sa Roxas.
Hindi naman ako makatayo at lakad kaya nahiga na lang ako. Medyo nawala na ang kirot pero masakit pa rin kapag igalaw ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko saka sinubukang timbangin ang mga bagay-bagay pero sa sobrang gulo ng utak ko, wala akong maisip na matino hanggang sa hinila na ako ng antok.
"Mama?"
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tawag ni Maymay.
"Mama oh? May barbie ako," nakatunghay na sabi niya saka ipinakita sa akin ang malaking barbie doll. "Binili ako ni Papa."
"Wow, maganda," puri ko saka naupo at inayos ang sarili. Tatayo sana ako pero agad namang napaupo nang makaramdam ng kirot sa paa ko. Napasulyap ako sa table clock, alas onse 'y media na pala ng umaga.
"Mama? Binili ka rin po ni Papa ng damit," sabi niya. "Nasa paperbag niya nilagay."
Lumapit siya sa sofa saka kinuha ang malaking paperbag. "Heto po ah."
Inabot ko at tiningnan ang mga pinamili niya, beach dress at isang pares ng tsinelas at sandal.
"Nasaan na siya?" tanong ko.
"Nasa baba po, magluluto raw."
Itinabi ko ang damit saka napasulyap sa namamagang paa. Ang hirap naman nito dahil hindi ako makalakad o makatayo man lang.
"Punta lang ako kay Papa," paalam niya at tumakbo palabas.
Inabot ko ang suklay at nagsuklay. Sana man lang may tungkod ako.
Tiningnan ko ang text messages sa cellphone ko, puro kay Gina at Marie. Sila lang naman ang nakakaalam ng number ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.
"Nagugutom ka na ba?"
"Si Maymay?"
"Nasa sala, naglalaro. Malapit nang maluto ang sinigang na hipon."
Lumapit siya at hinila ang isang silya saka naupo. Yumuko siya at hinawakan ang kanang paa ko.
"Aw! What are you doing?" tanong ko nang iangat niya saka ipinatong sa kandungan niya.
"Mukhang may naipit na ugat, nainom mo na ba ang gamot mo? Mamayang hapon pa pupunta ang PT para matingnan ka," sabi niya.
"Ang inaalala ko lang, ay ang pagpunta ko sa CR para tumae o umihi!" naiinis na sagot ko.
"Bubuhatin kita."
"Huwag na!" tanggi ko.
"Sabihin mo lang kung need mo nang magbanyo."
"Huwag na sabi! Hanapan mo na lang ako ng crutches."
"Nakalimutan kong bumili," sabi niya.
"Huwag na lang," tanggi ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Wait lang, ilalagay ko lang ang kangkong at dito na tayo kakain," paalam niya at tumalima na.
Pagkatapos ng 15 minutes, pumasok sila ni Maymay na may dalang tray. Inilapit niya ang maliit na mesa sa harap ko saka inayos ang pagkain namin.
"Kumain ka nang marami para lumakas ka," sabi niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Maymay.
"Hindi naman ako sakitin, paa ko lang ang may problema," paalala ko.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon