21

2.3K 82 5
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Unedited...

[Blue POV]
"Nyeta! Bakit ba nagkaganoon ang kapatid ninyo? Ano ba ang nangyari at ginahasa siya?" Kanina pa ako palakad-lakad dito sa study room at hindi makapaniwalang nakulong ang isa sa mga anak ko.
"Kayo ni Tangerine ang nandoon e," sabi ni Red.
"Baliw na talaga ang kapatid ninyo!" sabi ko.
Nakausap ko ang abogado namin kanina at wala siyang magawang paraan kundi kausapin nang masinsinan si Grey dahil wala naman daw talagang kaso at nasa kay Grey ang problema.
"Dad? Tumawag sina Tito Sky, papunta raw sila ni Tito Black sa presinto," pagbalita ni Tangerine kaya nagulat ako.
"Kailan daw?"
"Papunta na nga raw po," ulit niya. "Dad naman, mag-relax ka nga po."
"Shit!" sambit ko. Kilala ko ang mga kapatid ko at baka manggulo pa sila. Si Black okay lang pero si Sky? Wala akong tiwala.
Nakiusap nga ako kay Mommy na bantayan muna si Dad para hindi pumunta kay Grey hanggat hindi namin naaayos ang problema.
"Nyeta! Dito lang kayo!" paalam ko saka lumabas.
"Sama ako, pa-drop na lang sa Glorietta," habol ni Tangerine. Pagbaba ko sa sala, saktong papasok si Hazel.
"Blue, nabalitaan ko ang nangyari. How is he?" nag-aalalang tanong niya. Dahil okay na sina Taliw at Hazel, kinuha namin noon na ninang si Hazel ni Grey.
"He's fine, depressed lang siya kaya pupuntahan ko," sagot ko.
"P-Puwede ba akong sumama?"
"No!" madiing sagot ni Tangerine. "This is family matter kaya saka ka na po umeksena."
"Sorry, nag-aalala lang ako kay Grey," paumanhin ni Hazel.
"Puwede kang pumunta kay Kuya Grey pero kapag hindi mo kasama si Daddy."
Napahilamos ako sa mukha. Here we go again.
"Sorry, Hazel," makahulugang paumanhin ko kaya ngumiti siya.
"It's okay, nextime ko na lang puntahan ang inaanak ko," sagot ni Hazel. Buti na lang dahil nauunawaan niya ang sitwasyon at aware siyang pinagseselosan siya ni Tangerine magmula nang mawala ang mommy nito.
"Sorry, Tita," paumanhin ni Tangerine bago naunang lumabas.
"She's cute," natatawang na sabi ni Hazel.
"Please understand her, alam mo namang ayaw nun na may kahati," ani ko.
"I do," sabi niya at sabay na kaming lumabas.
Pagpasok ko sa kotse, hindi maipinta ang mukha ni Tangerine hanggang sa makalabas na kami sa gate.
"Ayaw kong lumalapit si Tita Hazel sa 'yo!"
"And why not?"
"Because she likes you!" bulalas niya. "Manhid ka ba?"
"Come on, baby, may asawa siya at mga anak."
"And so? Uso ang agawan ngayon so please, ayaw kong maging kerido ka, Dad. Ayaw kong isa ka sa mga lalaking maging dahilan kung bakit nawawasak ang pamilya."
"Got your point," sabi ko. "But she's just a friend, Tangerine."
"But she likes you!" giit na naman niya.
"Minsan, ilagay mo nga ang selos mo sa lugar, ako ang napapahiya sa 'yo," sabi ko.
"Nagseselos ako, Makati City!" pamimilosopo niya.
"Old joke, hindi nakakatawa," sabi ko na hindi nadala sa ka-corny-han niya.
"Whatever!" she rolled her eyes.
"Apo ka nga talaga nina Ryan at Ian," napailing na sabi ko.
Idinaan ko na muna siya sa Glorietta. Mabait si Tangerine pero nagiging dragon kapag may babaeng lumalapit sa akin.
Pagdating ko sa Makati police station, nakita ko sa parking lot ang sasakyan ni Sky kaya patakbo akong pumasok. Ang opisina ng chief nila ang pansamantalang kulungan ni Grey. Actually, hindi naman siya kinukulong at malaya siyang lumabas.
"Grey!" Humahangos na tawag ko nang buksan ko ang pinto.
Napatingin silang tatlo sa akin.
"Ano ang ginagawa ninyo rito?" galit na tanong ko sa ka-triplets ko.
"Blue, may ni-rape raw siya," sumbong ni Sky.
"Ba't kayo nandito?" galit na tanong ko.
"Hala, concern lang kami sa pamangkin namin," depensa ni Sky. Si Black ay tahimik lang na naupo sa tabi ni Grey.
"Dad? P-Puwede bang hanapan mo siya ng magaling na abogado? And pakitago sa media ng mukha at identity niya? Alam kong nahihiya siya," pakiusap ng anak ko.
"Huwag mong simulan ang umaga ko ng walang kuwentang isipan mo, Grey!"
"Eh, baka naman kasi ginusto niya. Grey, hijo? Uwi na tayo," pakiusao ni Sky.
Umiling si Grey. "Hindi rin ako matatahimik hanggat hindi ko siya mababayaran. Hanggat nasa labas ako, hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko. It was my fault kaya haharapin ko ito."
"Ayaw mo talagang lumabas?" napipikong tanong ko saka sinipa ang swivel chair. "Ano? Ayaw mo?" Binalibag ko na ang silya sa pagkainia dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. "Alam mo kung ano ang problema sa 'yo, Grey? Nababaliw ka na!"
"Kalma lang, kapatid," sabat ni Sky at hinimas ang likod ko pero siniko ko siya.
"Isa pa kayo! Bakit kayo nandito?"
"Hindi po ako uuwi, I will stay here and spend the rest of my life sa rehas."
"May anak kayo," paalala ni Sky. "Magpakasal na lang kaya kayo?"
"Hindi niya ako gusto. She hates me to death," malungkot na sagot ni Grey.
"Ayaw raw niyang umuwi," sabi ni Sky. "Tayo na lang ang uuwi."
"Umuwi na kayo!"
"Naubusan ako ng gas kaya sa 'yo na kami sasabay," sagot ni Sky na ikinanganga ko.
"Mag-taxi kayo!"
"Para kang hindi kapatid," nagtatampong sabi nito.
"Huwag ka ngang umarteng parang bata! Hindi ka nakakatuwa!" naalibadbarang sabi ko.
Tumayo si Black. "Uwi na tayo," walang ganang yaya niya.
"Hala, nagsalita na ang maliit ang dila," bulong ni Sky saka humarap kay Grey. "Iwan ka muna namin, feel at home lang. Kapag gusto mo ng food, order ka lang, sagot ng daddy mo ang bayarin."
Napilitan akong sumama sa kanila dahil naha-highblood ako sa tuwing makita ko ang pagmumukha ni Grey.
"Paano kaya natin ilabas si Grey roon? Injection-an kaya natin ng pampatulog?" tanong ni Sky kaya napasulyap ako sa kaniya sa likuran. Gusto sana niyang tumabi rito sa frontseat pero si Black na ang pinaupo ko dahil mabibingi lang ako sa kadaldalan nito.
"Babalik din 'yon!" sabi ko at pinaharurot ang sasakyan.
"Ano kaya ang pinakain ng babaeng 'yon sa pamangkin ko?" napaisip na tanong ni Sky. Kung gaano kadaldal si Sky, ganoon din katahimik itong si Black.
"Kahit anong gawin ko, ayaw niyang lumabas," desperadong sabi ko.
"Ang babaeng 'yon ang rason kung bakit siya magpakulong, eh, kung ang babaeng 'yon kaya ang kausapin natin?" suhestiyon ni Sky.
"Buti naman at nakaisip ka pa ng ganyan," sabat ni Black na halatang sang-ayon kay Sky.
"Pupunta tayo sa Roxas?" tanong ni Sky. "Ayaw ko, maraming aswang doon."
"Ako lang, maiwan kayo," sabi ko.
"Nakapunta ka na nga sa Antique," paalala ni Black.
"Iisa lang ba 'yon sila?" nagtatakang tanong ni Sky.
"Magkarugtong," sagot ko.
"Ay, oo nga noh? Sige, punta tayo roon. Nakaya nga natin sa Antique," pagpayag niya at humagikhik.
"Anong nakakatawa?" naiinis na tanong ko.
"Naalala ko lang ang nangyari noon sa Antique, doon pala ninyo ginawa si Baby Red ni Taliw?" natatawang sabi ni Sky na ikinainis ko.
"Tumigil ka, Sky! Kung hindi, ibabangga ko ito!" pagbabanta ko. Sino ang makalimot e, ang lakas ng ungol nila ni Taira nang gabing iyon?
"Maiwan kayo at ako lang ang pupunta sa Roxas!"
"Kami ang nakaisip kaya sasama kami," giit ni Sky.
"Manggulo lang kayo roon!" naiinis na sabi ko. "Hahanapin ka ni Taira."
"Walang problema sa babymine ko, gusto ko rin makita ang apo ko. Isa pa, kamukha raw siya ni Taliw," giit ni Sky.
"Hindi kayo sasama!" madiing sabi ko.
"Hala, bato-bato pick na lang," suhestiyon ni Sky. Punyeta! Umaandar na naman ang pagkaisip bata nito.
"Ilang taon ka na at ganyan ka pa rin mag-isip, Sky?" bulalas ko.
"Triplets lang tayo, hindi mo alam ang edad natin?"
"Seryoso ako, Sky Villafuerte!" sigaw ko dahil mas naha-highblood ako sa kaniya kaysa kay Grey.
"Hindi naman porket nagkakaedad na tayo, kailangan seryoso na tayo palagi. Hindi naman natin kailangan magbago talaga nang dahil lang sa edad natin," nagdadamdam na sagot niya. Siya pa naman ang tao na ayaw sumeryoso sa buhay. Kahit na halos mamatay na si Avery noon sa kakaiyak, nagawa pa niyang unahin ang mga alaga niya kaysa sa maramdaman ni Taliw. "Si Black na lang ang tanungin natin, kapag ayaw niya, hindi na rin ako sasama."
"Buti pa nga," pagsang-ayon ko. Alam kong busy rin si Black at hindi siya mahilig makialam. Isa pa, mas kakampihan niya ako kaysa kay Sky. He will respect my privacy.
"Hoy, Itim? Sasama tayo o hindi?" tanong ni Sky kay Black at tinapik ang balikat nito.
"Gusto ko ring makita ang apo ko," mahinang sagot ni Black na ikinagulat ko.
--------------------
Mira POV
"Mama? Pasyal naman tayo kina John."
Napasulyap ako sa kaniya sa backseat habang kumakain ng Fudgee bar.
"Busy pa ako," sagot ko. "Nextweek na lang."
"Yehey!" masayang sabi niya na ikinangiti ko.
Magmula nang umalis si Grey, hindi na siya bumalik pa. Ne hindi ko na nga naabutan siya sa kuwarto, basta sabi ni Marie, nakasalubong daw niya ang sasakyan ni Grey nang mabalik na ito sa amin.
Masaya kami ni Maymay at hindi ko na siya pinapagalitan pa at tahimik na kami ngayon.
Tumunog ang cellphone ko kaya pinabagalan ko ang pagpatakbo saka sinagot si Gina.
"Have you heard the news?" bungad niya.
"Ano--"
"Nagpakulong si Grey," agarang pagbalita niya.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"Nagpakulong daw siya kahapon pero hindi naman sinabi kung bakit."
"Bakit daw?"
"Hindi rin alam pero kusa raw siyang sumuko sa NBI at ngayon ay nasa Makati police station siya."
"Wala na akong pakialam sa kaniya," sagot ko. Buti nga sa kaniya at nakulong siya.
"Mira naman, hindi ba ikaw ang rason?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi ko siya sinampahan ng kaso at ayaw kong ma-involve sa ganiyan kaya tigilan mo ako," sabi ko at napasulyap kay Maymay na binubuksan ang isang tinapay.
"Pero seryoso, mukhang ikaw nga ang rason kung bakit nagpapakulong siya."
"Impossibleng makulong siya," sabi ko.
"Mira--"
"Huwag na natin siyang pag-usapan!" Tinapos ko ang tawag at pinatay ang cellphone. Pagod na ako sa kakarinig sa kanila. Kung nagpakulong siya, labas na ako roon. Napabuntonghininga ako, may part sa akin na gusto kong malaman kung bakit? Ako kaya ang dahilan? Did he do that para tuparin ang ipinangako niya sa akin? Pero papalabasin pa rin siya dahil hindi ako magrereklamo. I just wanna have a peaceful life with our daughter.
Napasulyap ako sa wristwatch ko, alas singko na ng hapon kaya may mga kabataang naglalaro ng patentiro sa kalsada. Ganito sa probinsya, madalang ang sasakyan kaya ginagawang laruan ng mga bata ang sementadong kalsada pero tumatabi naman kapag may paparating na sasakyan.
Pagdating sa bahay, agad akong sinalubong ni Marie.
"Kaninong taxi 'to?" tanong ko kay Marie sabay turo sa taxi na nasa tapat ng bahay namin.
"May bisita ka po, Ate Mira," sabi niya at kinuha ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan.
"Sino?" nagtatakang tanong ko. "Hindi naman si Grey, 'di ba?"
"Hindi po. Basta kausapin mo na lang sila," sabi niya kaya pinababa ko na si Maymay at sabay kaming pumasok. Pagkapasok ko, sabay na tumayo ang tatlong lalaking bisita.
Kinabahan ako nang mamukhaan ang isa sa kanila, si Blue Villafuerte na ama ni Grey.
"G-Good afternoon po," magalang na bati ko. Napatingin sila kay Maymay kaya mahigpit ang pagkakahawak ko sa anak ko. Kukunin ba nila ang anak ko?
"Hi," bati ni Blue sa anak ko.
"Hello po," bati ni Maymay.
"You look like my wife," malungkot na sabi ni Blue.
"Agree ako, kapatid," pagsang-ayon ng guwapong kasama nito. Wait, siya ba si Sky? Sila ang triplets ng Villafuerte?
"B-Bakit po kayo naparito?" tanong ko. "Baby? Pasok ka muna sa room, laro la roon," pakiusap ko. Tumalima ang anak ko patungo sa silid namin.
"Maupo po kayo," alok ko saka naupo sa sofang nasa tapat nila. Kahit kinakabahan, sinikap kong makitungo nang maayos sa kanila.
"Alam mo namang nagpakulong ang anak ko, 'di ba?" panimula ni Sir Blue. "Hindi siya kinukulong ng mga pulis, siya lang ang nagpupumilit na makulong siya nang dahil sa 'yo."
Ang lakas ng pagtibok ng puso ko, sobra. Naiilang ako sa kanilang tatlo.
"W-Wala ho akong kasalanan at hindi ako m-magsasampa ng kaso," sagot ko.
"Good," sabi ni Sir Blue. "Pero ayaw pa rin lumabas ng anak ko." Gusto ko sanang sagutin na wala na ako roon pero mas pinili kong manahimik.
"Miss? May anak naman kayo, baka puwedeng magpakasal na lang kayo? Wala ka pa naman yatang boyfriend at wala ring girfriend ang pamangkin namin," sabat ni Sir Sky. Mas pogi pala ito sa personal.
"Oo nga, baka puwedeng magsama na lang kayo ng anak ko?" segunda ni Sir Blue.
"H-Hindi ko po kasi mahal si Grey at wala naman po akong balak na magreklamo, gusto ko lang po ng tahimik na pamumuhay." Kahit na natatakot, sinubukan ko pa ring sumagot nang mahinahon sa kanila.
"Hindi mo ba talaga siya mahal?" sabat ng pinakaseryoso sa kanila. "Sinubukan mo na ba?"
To be honest, nainsulto ako. "Sorry miss, I know na karapatan mo iyon bilang biktima pero alang-alang sa anak ninyo, bakit hindi mo subukan? Malay mo, baka mag-workout naman."
Mas lalo lang akong naiinis dahil sa pamimilit nila.
"Or kung ayaw mo talaga, bigyan mo na lang ng chance na maging ama si Grey sa apo ko. Isa pa, gusto rin naming mahiram ang bata dahil isa siyang Villafuerte kahit na bunga siya ng pang-aabuso sa 'yo ng kaniyang ama."
"Pero--"
"Miss, pumarito kami para makiusap na kumbinsihin mo ang pamangkin namin na lumabas na muna dahil hanggat hindi ikaw ang nakikiusap sa kaniya, wala kaming magagawa," pakiusap ng seryosong mama. Naalala ko na, Black ang pangalan nito at tama nga sila, siya ang pinakaseryoso sa kanilang triplets.
"Pero ayaw ko pong--"
"Walang makikialam na media," agarang sabat ni Sir Blue. "Promise ko sa iyo 'yan. Bilang ama, ako na ang humihingi ng kapatawaran ng anak ko at nakikiusap ako, tulungan mo kaming palabasin si Grey sa kulungan," pakiusap niya. Nasa mga mata niya ang pagkadesperado kaya nagkaroon ako nang kaunting awa pero ayaw ko pa ring madamay sa nangyayari.
"Pasensiya na po," paumanhin ko saka tumayo. Narinig ko ang helicopter na parang nasa tapat lang ng bahay namin.
"Wala na kaming magagawa," malungkot na sabi ni Blue. "Pero sana huwag mong ipagkait ang bata sa amin dahil kinikilala namin siya bilang pamilya namin."
Tumayo silang tatlo saka lumapit sa pintuan kaya sinamahan ko sila palabas.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa amin?" hirit ni Sir Sky nang makalabas na kami.
"S-Sory," nahihiyang paumanhin ko.
Napatingin kami sa chopper na lumapag sa malawak na loteng nasa tapat ng bahay ko.
Agad na bumaba ang dalawang kaedad ko at humahangos na tumatakbo palapit sa amin.
"D-Daddy Sky!" tawag ni Clouds habang palapit sa amin.
"Oh, Clouds, Moon? Ano ang ginagawa ninyo rito?" nagtatakang tanong ni Sir Sky. Nagsimula na ring nagsilabasan ang mga kapitbahay namin para umusisa. Minsan lang kasi sila makakita ng helicopter lalo na ang mga bata.
"S-Si Grey, T-Tito Blue," umiiyak na sabi ni Clouds.
"Anong nangyari kay Grey?" tanong ni Sir Sky.
"Waaah! S-Si Grey, patay na siya!" luhaang sabi nitong si Moon pero agad na binatukan ni Clouds.
"Buhay pa!" pagtatama nito saka humarap sa amin tapos malakas na umiyak. "S-Si Grey, nang-agaw ng baril sa p-pulis t-tapos binaril ang ulo."
Nagulat ako sa narinig.
"W-What?" bulalas ni Sir Blue. "N-Nagbibiro lang kayo, 'di ba?"
Sabay na umiling ang dalawa kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"N-Nasa M-Makati Med po siya, i-isinugod namin sa hospital p-pero sabi ng doctor, b-baka mamatay na siya," sabay na umiyak ang magkapatid. Inalalayan naman nina Sir Black at Sky si Sir Blue na muntik nang matumba. Namumutla ito kaya hindi ko alam ang gagawin.
"S-Sabi ni Grey bago siya nagbaril, nakikiusap siyang makita ang anak niya p-para humingi ng tawad," sabi ni Clouds saka pinahidan ang mga luha. "S-Sabi ng doctor, b-baka hindi na raw namin maabutang buhay ang p-pinsan namin."
Nadurog ang puso ko nang patakbong lumapit si Sir Blue sa helicopter habang tumutulo ang mga luha.
"D-Dalhin ninyo ako sa anak ko!" makiusap niya.
"M-Mama?" tawag ni Maymay na palapit sa amin.
"I-Ikaw ang anak ni Grey?" umiiyak na tanong ni Clouds. "P-Puwede ba naming madala si Maymay kahit isang minuto lang para makita niya si G-Grey? K-Kahit sa huling sandali lang?"
Nalilito na ako.
"O-One second lang," sabi ni Moon at walang pasabing binuhat ang anak ko.
"T-Teka sandali--"
"S-Sama ka na lang, Miss, ihahatid ka namin pabalik, k-kahit na matupad namin ang k-kahilingan ng pinsan namin," pakiusap ni Clouds.
Hindi na ako nakapag-isip pa nang hilain niya ako palapit sa helicopter at pinasakay. Katabi ko si Sir Blue na binibigyan ng tubig ni Sir Black.
Lumipad na ang helicopter hanggang sa tila mga langgam na lang ang nakikita namin sa baba.
"S-Si Grey, a-ang anak ko," umiiyak na sabi ni Sir Blue.
"Ano na naman 'to, Cloud? Moon?" galit na tanong ni Sir Black na para bang ihuhulog niya ang mga pamangkin sa helicopter.
"Ghad! Ang hapdi ng eyedrops," reklamo ni Clouds.
"Ang hard mo, akala ko ba okay na tayo na sa chest lang siya nagbaril bakit sa ulo ang sabi mo?" naiinis na tanong ni Moon.
"Sana ikaw na lang ang nagsabi ng linyang 'yon! Alam mo namang sa ulo ang gusto ko," giit ni Clouds.
"Haist! Akala ko papalpak na naman kayong dalawa," sabi ni Sir Sky na tila nabunutan ng tinik kaya nagsimula nang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Shit! Para akong pinaliguan ng yelo sa narinig ko.
"Basta ang napag-usapan natin, Dad, ha. Panggatas din namin ni Pango 'yon," naniniguradong sabi ni Clouds.
"Punyeta kayong mag-ama! Nasaan ang anak ko?" galit na tanong ni Sir Blue. Uminit na ang tainga ko sa mga naririnig ko.
"Nasa Makati police station pa rin po, ayaw pa rin niyang lumabas, kaya relax ka lang, Tito Blue," sagot ni Clouds kaya tila binagsakan ako ng langit.
"Ibalik ninyo ako!" galit na sabat ko.
"E di tumalon ka pababa, basta huwag mo lang isama ang pamangkin namin," nakangising suhestiyon ni Moon kaya wala akong magawa kundi ang umiyak na lang dahil sa inis at galit.

A/n:
Kung may maling spelling o grammar, kayo na ang bahalang umintindi. Hindi ako kasing sipag ng ibang nagsusulat pagdating sa editing. Thanks. Marami ang stories ko na puwede ninyong mabasa, pero unlike sa iba, hindi siya edited at hindi one shot.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon