20

2.4K 74 1
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

Unedited...

[Blue POV]
"Natawagan mo na ba ang manager niya?" tanong ko kay Red.
"Nasa bakasyon si Jeff sabi ng secretary niya," sagot ni Red at naupo sa harapan ko saka nag-de-kuwatro. Nasa sala ako habang nanonood ng TV nang dumating siya. "Baliw talaga si Grey. Ne hindi nga dumalo sa premier night ng movie nila."
"Nandoon 'yon sa Roxas, nanliligaw," napailing na sabi ko. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya pero bilang ama, nag-aalala rin ako para sa kaniya.
"Dad? Narinig mo na ba ang balita?" tanong niya.
"Balita ko?"
"Well, chismis lang naman. Blind item pero malakas ang kutob kong si Grey iyon. Sikat na celebrity na nakipagsuntukan sa papatakbong mayor sa province," sagot niya.
"Ba't naman makipagsuntukan si Grey?"tanong ko.
"Ahm? May anak daw ang celebrity na 'yon na matagal nang tinatago."
"What?" tanong ko. "Hindi si Grey iyon, walang anak si Grey." Kilala ko ang anak ko at hindi siya maglilihim sa amin.
"Pero mukhang siya nga," ani Red.
"Saan na ba kasi siya?" naiinis na tanong ko. Hindi namin siya makontak at kahit ang manager, hindi rin matawagan.
"He's here," sabi ni Red habang nakatingin sa pintuan.
Papasok si Grey na matamlay ang mukha.
Tumayo ako para salubungin siya.
"Saan ka galing, Grey?"
"Roxas," tipid na sagot niya. Pansin ko ang pagbagsak ng katawan nito at ne hindi na nga nakapag-ahit. Dagdagan pa ng medyo mahaba na nitong buhok na tumatakip sa mga mata niya.
"May problema ka ba, Grey?"
"Wala," tipid na sagot niya.
"Tapatin mo nga kami, may anak ka na ba sa taga Roxas na iyon?" sabat ni Red na palapit sa amin.
Blangko ang mukhang humarap siya sa akin.
"Ano na?" tanong ko.
"Oo," tipid na sagot niya na ikinagulat ko.
"N-Nagbibiro ka lang, 'di ba?" tanong ko at mahinang tumawa.
"No," tugon niya. "I-I'm sorry, dad, pero may anak na ako kay Mira."
"Put--" Hanggat sa makakaya, pinigilan ko ang sarili. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Grey!"
"May anak kami ni Mira and I'm sorry for not telling you--"
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kaliwang pisngi niya kaya natumba siya. Si Red naman ay nakatitig lang sa kapatid.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Tarantado, hindi ako nakipagbiruan dito!" Uminit bigla ang ulo ko.
Hindi siya tumayo. Nakayuko lang siya habang nakatitig sa tumutulong dugo mula sa ilong niya.
"S-Sorry," mahinang paumanhin niya na tila hinugot pa niya sa pinakailalim ng lupa. Tumayo siya at mapait na ngumiti sa akin.  "S-Sorry if hindi ako kasing bait ninyo. I-I'm sorry if I am not that responsible father to your granddaughter. I-I'm sorry if I can't be like you."
Tinimbang ko ang pinagsasabi niya, fuck! Hindi siya nagbibiro kaya mas lalong uminit ang ulo ko.
"Tarantado ka!" bulyaw ko saka sunod-sunod na sinuntok sa pisngi.
"Dad, tama na," saway ni Red na pinigilan ako sa kanang braso.
"Ilang beses ko kayong pinagsabihang huwag ninyong talikuran--"
"Oo na," ani Grey. "A-Ako na ang masamang ama, ako na ang pinakamasamang lalaki sa mundo and believe me, pinagsisisihan ko iyon ngayon."
"Saan ako nagkulang, Grey?" malungkot na tanong ko. "I did everything para lang mabigyan kayo ng magandang buhay pero bakit? Bakit nagawa mong talikuran ang anak mo?"
"S-Sorry," mahinang paumanhin niya. "Mahal ko ang mag-ina ko."
"Mahal? Pero pinabayaan mo?" bulyaw ko saka sinugod na naman siya nang lumuwag ang pagkakahawak ni Red sa braso ko.
Hindi siya umiilag o lumalaban, sinasalo niya ang lahat ng suntok ko.
"Dad, tama na!" sigaw ni Tangerine na palapit sa amin at agad na inalalayan si Grey. "A-Ano ba ang nangyayari? Kuya?"
"Suntukin mo pa ako, Dad," sabi ni Grey. "Pagtulungan ninyo ako ni Kuya, okay lang."
"What the fuck, Grey?" hindi nakapaniwalang sabi ni Red.
"If you could kill me, just kill me," pabulong na sabi niya.
"Kuya, tara na," yaya ni Tangerine at hinila si Grey palayo sa amin.
"Dalhin mo na nga 'yan sa taas at lagyan ng yelo ang pisngi." Utos ni Red sa kapatid.
"May alam ka ba rito?" tanong ko kay Red.
"I have no idea," sagot niya kaya napabuntonghininga ako. "Come on, Dad, hayaan muna natin siya. Tomorrow, pakinggan naman natin ang side niya. For now, magpa-checkup ka muna dahil baka na-highblood ka na."
"Okay lang ako, magpapahinga lang ako," sabi ko at umakyat sa kuwarto.
Pabagsak na nahiga ako at napasulyap sa portrait namin ni Avery noong ikinasal kami.
"I miss you, Taliw ko," bulong ko na para bang nasa tabi ko lang siya. "I wish you were here."
Nabalot ng kalungkutan ang buong silid kaya niyakap ko ang unan sa tabi ko. God, I miss her so much. Hindi ko alam kung makakaya ko pa but I promised her na aalagaan ko ang mga anak namin habang hindi pa kami nagkikita.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon