29

1.8K 36 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28

Unedited...

[Mira POV]

"Okay lang ba?" tanong niya.
"Oo," sagot ko at pinapasok siya. As if may choice ako.
"Baka kasi hindi ka kumportable."
"Okay nga lang sabi e," ani ko. Tulog na si Maymay at kanina ko pa siya hinihintay dahil dito na raw siya matutulog magmula ngayon. Nahiya naman akong tumanggi dahil si Tita Erika ang nag-suggest kanina habang nagdi-dinner kami. Maaga pa raw dadating sina Tita Mandy.
"Sa couch na lang ako," sabi niya. Napasulyap ako sa couch, mahaba naman ito pero babaluktot talaga siya. Malaking bulas pa naman ito.
"Malaki naman ang kama at sa gitna naman natin si Maymay," sabi ko.
"Pero--"
"Huwag ka na ngang maarte! Inaantok na ako," sabi ko at inirapan siya. Nahiga ako sa tabi ni Maymay at nagtalukbong ng kumot patalikod sa kaniya. Pinatay niya ang ilaw kaya ang tanging liwanag ng buwang lumulusot sa bintana na lang ang nagsisilbing ilaw rito sa silid na.
Naramdaman ko ang pag-uga ng kama tanda na nahiga na rin siya. Naninikip ang dibdib ko dahil pinipigilan ko ang paghinga. Pinakiramdaman ko siya, hindi na rin gumagalaw. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako hinihila ng antok.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas o oras na? Pero hanggang ngayon, bilang na lang talaga ang aking paghinga. Iyong tipong mauubusan na ako ng hangin saka na ako hihinga.
Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang paggalaw niya saka napabuntonghininga. Pigil na pigil din akong gumalaw dahil alam kong nakikiramdam din ang mokong.
Gumalaw ang kama kaya pasimpleng sinilip ko siya na nasa paanan na ng kama. Dahan-dahang naglakad patungo sa couch bitbit ang kumot.
Pabaluktot na nahiga siya sa couch. Niyakap ko ang unan saka pumikit. Anong oras na kaya?
Inaagaw na ang diwa ko ng kaantukan nang marinig ko ang lagabog.
"Damn it!" mahinang pagmumura niya. Sinilip ko siya, nasa sahig na siya kasama ang unan. Tumayo siya saka inayos na naman ang sarili sa couch.
Napakagat ako sa ibabang labi saka napangiti. Nahulog siya.
Gumalaw ako paharap kay Maymay saka niyakap ang anak ko at ipinikit ang mga mata hanggang sa idinuyan na ako ng aking diwa patungo sa ibayong mundo.
------------
Yakap ko si Maymay nang magising ako. Ang himbing pa rin ng tulog niya kaya maingat na bumangon ako sa kama at nag-unat ng mga kamay saka inaantok na pumasok sa bathroom para maghilamos.
Paghawi ko ng shower curtain, para akong binuhusan ng napakamalamig na tubig para magising.
Si Grey naman ay tila napako sa kinatatayuan habang mulagat ang mga matang nakatitig sa akin. May sabon pa ang hubad niyang katawan.
"W-Wala akong nakita," sabi ko sabay talikod. Liar! I saw him, holding his manhood. Just holding. Kung ano man ang gagawin niya, hindi ko na alam. Nanlamig ako na hindi ko mawari ang nararamdaman. Hindi pa ako nakakita ng hubad na lalaki. I mean, same with my age. Bata, oo. Noong may nangyari sa amin, hindi ko rin naman natingnan. Siyempre, sino ba ang nire-rape na magbigay pa ng oras para silipin ang ano niya.
"S-Sorry, hindi ko yata na-lock ang pinto," natarantang paumanhin niya nang matauhan.
"Pasensiya na, hindi ako kumatok," nahihiyang paumanhin ko saka lumabas. Kasalanan ko naman talaga e. Nakalimutan kong nasa iisang kuwarto lang pala kami.
Palakad-lakad ako sa loob ng silid at napapakagat sa daliri ko. Paano na kapag lumabas siya? Ano ang gagawin ko? Hindi ko ba siya papansinin? O hihingi ako ng paumanhin? O siguro dedma lang at mag-pretend na wala akong nakita?
Bumukas ang pinto at lumabas siyang naka-bathrobe habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok.
Nagkasalubong ang mga mata namin. Namula ang magkabilang pisngi niya saka iniwas ang mga mata.
"T-Tapos na akong maligo," sabi niya.
Dali-dali akong naglakad ako patungo sa bathroom.
"Mira?"
Napatigil ako sa baritono niyang boses. Ghad, ayaw ko siyang makausap.
"Ano 'yon?" tanong ko na hindi humaharap sa kaniya.
"W-Wala ka ba talagang nakita?" tanong niya. Punyeta! Nagtanong pa talaga siya?
Galit na humarap ako.
"Wala! Bakit? Gusto ko bang may makita ako?"
"No, h-hindi gano'n," sagot niya.
"Nextime marunong kang mag-lock ng pinto!" sabi ko saka inirapan siya at tumuloy na sa banyo. Ang aga pa niya, huh!

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon