18

2.2K 69 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

Unedited...

[Mira POV]
"No!"
Napabangon ako at napahawak sa dibdib nang sa pakiramdam ko ay may nakadagan sa buong katawan ko.
"T-Tama na, Lord, ayaw ko na," naiiyak na pakiusap ko sa Panginoon. Alam kong walang makakaintindi sa akin dahil wala namang nakakaalam ng hirap at sakit na pinagdaanan ko.
Gumalaw sa tabi ko si Mila kaya bumalik ako sa paghiga at niyakap siya.
"I'm sorry," paumanhin ko saka hinalikan siya sa noo.
Bumangon ako at binuksan ang lampshade para magkaroon nang kaunting ilaw.
Maaga kaming nakatulog kanina. Ganito naman ang buhay sa probinsya, pagdating ng alas sais o basta madilim na, wala nang tao sa labas ng bahay.
Bumalik ako sa kama at hinayaan ang sariling tumitig sa puting kisame.
"M-Mama," usal ni Maymay at niyakap ako.
"I'm here, tulog ka pa," pabulong na sabi ko habang minamasdan siya.
Kaninang umaga, pumunta si Grey at nakipaglaro kay Maymay at ne hindi man lang inalintana ang pasaring at masakit na pagtitig ko sa kaniya.
Hindi ko kayang makita siya araw-araw dahil nananariwa ang mga nangyari noon. Kahit anong paliwanag niya, nasasaktan pa rin talaga ako. I've been hurt, physically and emotionally.
Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog pero nagising na lang ako sa tawa ni Maymay kaya bumangon ako at tumungo sa bathroom para maghilamos at toothbrush.
"Marie?" tawag ko nang makalabas sa sala.
"Morning," bati niya.
"Si Maymay?"
"Sa labas," sagot niya habang naghahanda ng pagkaing babaunin namin mamaya.
"Huh? Saan pumunta? Naku, uso ang mga nangunguha ng bata," bulalas ko.
"Manliligaw mo ang kasama niya," nakangiting sabi nito. "Ang pogi talaga ni Grey, Ate Mira."
"Looks can be deceiving," mahinang sabi ko kaya tumawa siya.
"Pero mabait si Kuya Grey, gusto pa nga niya si Maymay e."
"Tapusin mo na 'yan para makaalis na tayo," sabi ko saka iniwan siya. Alas sais 'y media pa lang ng umaga kaya foggy pa sa labas.
"Papa! Takbo pa, kyaaah!" tili ni Maymay kaya lumapit ako sa kanila na nasa ilalim ng punong mangga habang nakasakay sa balikat ni Grey.
"Ginagawa mo rito? Ibaba mo ang anak ko!" tanong ko.
"Good morning," nakangiting bati niya saka binaba si Maymay.
"Gusto ko pa po, Papa," nakalabing sabi ni Maymay.
"Hindi mo siya papa!" naiinis na sabi ko.
"Anak ko siya," sabat ni Grey.
"Hindi ko pinangarap na maging ama ka ng anak ko!"
"At sino ang gusto mo? Si Lemuel?"
"Oo!" sagot ko.
Nanahimik siya saka hinawakan ang kamay ni Maymay.
"Pumasok ka na sa loob, Maymay."
"G-Gusto ko pa pong makipaglaro kay Papa," naluluhang sabi niya.
"Kapag sinabi kong--"
"Pumasok ka muna, baby, mag-uusap lang kami ng mama mo," pakiusap ni Grey. Tumingala si Maymay.
"Huwag kang aalis, Papa," pakiusap ni Maymay.
"Hindi ako aalis," sabi ni Grey. "Pasok ka muna."
"Promise?" puno ng pag-asang tanong ni Maymay.
"Pumasok ka na, Maymay!" Muling utos ko.
"Promise," pangako ng hayop na 'to kaya tumakbo na ang bata papasok sa bahay.
"Sorry kung kakasimula pa lang ng umaga mo, sinisira ko na," paumanhin niya.
"Buhay ko ang sinisira mo mula pa noon," pagtatama ko.
Narinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na hininga saka namulsa.
"I'm sorry," malungkot niyang sabi. Dumudugo na ang tainga ko sa pagso-sorry niya. "Mira, sirang-sira na rin ang buhay ko."
"Wala akong pakialam. Bumalik ka na sa Maynila at ipagpatuloy ang buhay mo--"
"Hindi ako babalik hanggat hindi ko kayo kasama."
"Ayaw nga namin sa 'yo!"
"Ikaw lang pero si Maymay, alam kong gusto niya ako."
"Dahil hindi niya alam ang kasamaan mo."
"Bigyan mo naman ako ng chance na maging ama para sa kaniya," pakiusap nito saka lumuhod sa harapan ko. "K-Kung hindi mo ako mapatawad dahil sa nagawa ko, s-sana bigyan mo ako ng chance p-para magpakaama sa kaniya," pakiusap niya habang nakatingala sa akin.
"Bumalik ka na sa Maynila at huwag nang makipagkita pa sa amin, para patas na tayo at hindi na kita kamuhian pa."
"H-Hindi ko iyon magagawa, mahal ko si Maymay," naiiyak na sabi niya.
"Tumayo ka na." Tumalikod na ako para bumalik sa bahay.
"S-Sorry," aniya pero hindi ko na siya nilingon pa.
"Si Papa?"
"Huwag kang lumabas!" sabi ko at inilock ang pinto.
"P-Pero--"
"Subukan mong lumabas at mapapalo kita!"
Pumasok ako sa kuwarto at inayos ang mga damit namin na dadalhin ko.
"Ate? Okay na ang pagkain, alis na tayo?" tanong niya.
"Sige," ani ko at binitbit ang malaking backpack. Paglabas ko, nasa bintana si Maymay at sinisilip ang tao sa labas.
"Aalis na tayo," sabi ko kaya umalis na siya sa bintana at tumakbo palabas ng bahay.
"Pumasok ka sa kotse!" hiyaw ko pero patakbo pa rin siyang lumapit kay Grey na nakaupo sa malaking ugat sa ilalim ng punong mangga.
"Maymay! Sabing aalis na tayo," tawag ko at nilapitan siya.
"Papa? Sama ka sa amin? Swimming tayo," yaya ni Maymay. Napasulyap si Grey sa akin.
"S-Sige..." alanganing pagpayag ni Grey.
"Kami lang ang aalis at hindi ka sasama," sabi ko.
"Sama natin siya, mama please," pakiusap ni Maymay na nagpa-puppy eyes.
"Halika na," sabi ko at tumalikod patungo sa lumang kotse ko na minana ko pa kay Papa.
Patakbong sumunod si Maymay sa akin at pumasok sa kotse.
Habang nasa biyahe, daldal siya nang daldal. Napasulyap ako sa side mirror, nakabuntot sa amin si Grey kaya nagsimula na namang kumulo ang dugo ko.
Pagdating sa Suhot Spring, nagbayad ako ng entrance fee at kumuha na rin ng cottage. Sikat na Spring ito dahil sa kuweba at malamig na tubig.
Kaunti lang ang turista kaya malinaw ang tubig.
"Wow!" tili ni Maymay at palundag-lundag pa. "Gusto ko mag-swimming."
"Later," sabi ko.
Narinig ko ang bulungan sa kabilang cottage at pagtili ng tatlong dalagita pero hindi na ako lumingon dahil isang tao lang naman ang nakakagawa ng ganoon.
"Papa!" masiglang sabi ni Maymay.
"Maliligo ka, baby?" tanong ni Grey at pumasok sa cottage namin saka naupo at kinalong ang bata.
"Sabay tayo?" tanong ni Maymay.
Napakamot si Grey sa ulo.
"S-Sige," pagpayag nito kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Puwede bang umalis ka sa cottage namin?" pagtataboy ko.
"Ayaw mo ng isyu, right?" tanong niya.
"What do you mean?"
"Nagpapahalata ka bang may tampuhan tayo? Gusto mo bang kumalat sa social media ang mukha mo na pinagtabuyan ako?" mahinang sagot niya. Gets ko na kaya namewang ako pero bago pa ako makapagsalita, binuhat na niya si Maymay at dinala sa baba para maligo sa spring.
"The more you hate, the more you love," nakangiting biro ni Marie.
Minsan, sinisilip ko sila. Ayun, ang daming nag-swimming at mga babaeng nagpapapansin kay Grey.
"Hindi ka ba maliligo?" tanong ni Marie.
"Mauna ka na," sabi ko.
"Okay," excited na sabi niya saka lumusong kaya inayos ko na lang ang table.
"Uy, kamusta ka na, Mira?" bati ng matabang babaeng palapit sa cottage ko.
"Josie, hi," bati ko at nginitian siya. High school classmate namin ni Gina at isa sa mga nam-bully sa akin dahil anak ng teacher. Ang taba na niya ngayon a.
"Kumusta ka na? Balita ko, ikakasal na ex mo ah," sabi niya.
"Ah," ani ko.
"Balita ko rin, may anak ka na?"
Chismosa talaga nito. Lumapit pa ang lima niyang kasama. Dalawa sa mga ito ang dati rin naming kaklase.
"Oh? Saan na ang baby mo?" maarteng tanong ni Raiza na teacher na ngayon at nakapag-asawa ng seaman kaya dumagdag ang kayabangan.
"Naliligo," sagot ko.
"Okay lang 'yan, kaya mo 'yan. Dami namang singel mom na kinakaya. Ikaw kasi, nasa kama ka na pero bumaba ka pa sa banig," maarteng sabi ni Josie. Ang sama pa ng tingin ng mga kasama niya sa akin. Iyong tipong bully talaga sa klase. Palibhasa nakapag-asawa rin ng pulis itong si Josie at nurse pa under sa DOH kaya taas ng tingin sa sarili.
"True," pagsang-ayon ni Raiza.
"G-Guys? Gosh, totoo pala na nandito si Grey," halos himatayin na sabi ng isa nilang kasama nang makitang palapit si Grey sa amin.
"Palapit siya sa atin," hindi mawari na sabi ni Josie.
"Baka makipagkilala," sabi ng kasama nilang naka-two piece ng dark blue kaya parang nakalutang ang swimsuit, negrang-negra pa naman nito.
"Mira? Iniwan ko ang anak natin kay Marie," sabi ni Grey nang nasa harapan ko na. "Kung gusto mo, balikan ko para umahon na."
"Anak?" ulit ni Raiza kaya napaharap si Grey sa kanila.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Grey.
"Maliligo na ako," paalam ko sa kanilang anim.
"Anak? May anak ka na?" narinig kong tanong ni Josie.
"Anak namin ni Mira," walang gatong na sagot niya. Patay siya. Tsismosa pa naman ng mga iyon. Bahala siya.
Paglusong ko sa tubig, parang gusto kong umahon na dahil sa sobrang lamig.
"Kyaah. Pa-picture tayo kay Grey," tili ng babaeng paahon kaya ayun, nagsiahon sila.
"Mama!" tawag ni Maymay na nakaupo sa batong nasa bukana ng maliit na kuweba.
"Baby," sabi ko at lumapit sa kanila.
"Mama? Gutom na ako," nakalabing sabi niya habang yumayakap kay Marie.
"Ahon lang kami," sabi ni Marie.
"Pakainin mo siya," sabi ko kaya umahon sila habang ako, naligo na.
Iilan na lang kami ang nasa tubig dahil pinagkaguluhan nila si Grey sa itaas.
Masarap maligo lalo na't sobrang lamig ng tubig at mainit ang panahon.
"Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Grey na papalapit sa akin.
Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang paglangoy.
"Mira," sabi niya nang sumulpot sa harapan ko.
"Dumistansiya ka, Grey, marami ang nakatingin sa atin!" mahinang saway ko.
"And so?" tanong niya saka hinawakan ako sa bewang.
"Kamay mo!" saway ko pero ngumiti lang siya.
"Saan ko ba dapat ilagay, Mira?" pabulong na tanong niya saka nginitian pa ako.
"Are you trying to seduce me, Mister Villafuerte?" pabulong na tanong ko pero pikon na pikon na ako.
Nagulat siya at napatitig sa mukha ko.
"Am I?" inosenteng tanong niya.
"Ide-deny mo?"
"Iyon ba ang tingin mo sa ginagawa ko? Woah! Hindi ako aware," sabi niya saka mas hinapit pa ako sa bewang para magkalapit ang mga katawan namin. "Sorry for my unintentional action," paumanhin niya.
"Huwag mo akong lapitan!" gigil na sabi ko at tinanggal ang kamay niya saka lumayo sa kaniya.
Umakyat ako sa hagdan.
Napatingin ako sa pumasok na sasakyan.
"Lemuel," usal ko nang bumaba siya.
"Mira? Dito ka rin pala," sabi niya at nilapitan ako.
"Hi."
"Umalis ka na raw sa hotel sabi ni Gina."
"Oo, mas gusto kong i-manage ang flowershop ko kaysa hotel niya," sagot ko. Alam kong busy rin siya dahil malapit na ang kasal nila ni Joyce.
"Would you mind if mag-coffee muna tayo?" tanong niya saka sumenyas sa dalawang bodyguards na mauna na muna.
"Lemuel, ayaw ko ng isyu lalo na ngayong ikakasal ka na," sabi ko.
"Friendly coffee lang naman, na-miss kita," pahinang sagot niya.
"S-Sorry," paumanhin ko.
"Please, Mira."
"Kapag ayaw niya, huwag mo nang pilitin."
Napalingon kami kay Grey na buhat si Maymay.
"Papa? Swimming na tayo," yaya ni Maymay.
"Papa?" tanong ni Lemuel.
"Bakit? May masama bang tawagin akong papa ng sarili kong anak?" pabalik na tanong ni Grey.
"A-Anak?" Grey.
"Oo, anak namin ni Mira."
Walang nagsalita sa aming tatlo, gusto kong lumayo sa kanilang dalawa pero wala akong lakas para ihakbang ang aking mga paa.
"S-So, ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Mira? Kaya pala," mahinang sabi ni Lemuel pero sa akin ang kaniyang mga mata; nanunumbat.
"Ako nga ba? Kung mahal mo siya, sana hindi mo siya ini--"
"Lemuel!" tili ko nang sinuntok niya si Grey sa kanang pisngi. Napasinghap din ang mga tao sa paligid.
"Gago ka! Ang tagal kong iniisip kung sino ang putang inang sumira sa amin ni Mira, ikaw lang pala?" gigil na sabi ni Lemuel.
"Yes, ako nga," sarcastic na wika ni Grey. "Bakit? May magagawa ka ba?"
"Hayop--"
"Kyah!" tili ko nang matumba si Lemuel matapos siyang malakas na sinuntok ni Grey sa kaliwang pisngi.
"T-Tama na," naiiyak na pakiusap ko.
"Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo! Layuan mo ang mag-ina ko kung ayaw mong durugin kita!" pagbabanta ni Grey habang nagbabaga ang mga mata kaya napaatras ako. Takot ako sa kaniya. Pakiramdam ko, anumang oras ay sasaktan niya ako.
"L-Lumayo ka kayong d-dalawa sa buhay ko," umiiyak na pakiusap ko saka tumakbo palayo sa kanilang dalawa.
Alam kong marami ang nakasaksi at may mga nagvi-video pa, pero bahala sila. Sa bundok naman kami naninirahan kaya walang makakasira sa amin ni Maymay.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon