Kabanata 3

34 9 0
                                    

Kabanata 3

7:20 na pala ng gabi, gaano katagal pa ba akong maghihintay dito? Kung hindi lang inutos ni Dad 'to ay hindi ko na 'to aantayin.

Ang ganda rin pala sa MesaFeliz, mula sa ilaw, sa music at sa mga halaman ay maganda, presko pa dahil garden ang style. Nakakairita nga lang at ang tagal ng inaantay ko, 20 minutes na akong naghihintay dito.

Mabilis kong kinutikot ang phone ko at tinawagan si Dad kaya lang ay hindi naman ito sumasagot, kaninang kanina ko pa siya tinatawagan.

Nilalamig na ako kakaintay sa tauhan ng tatay ko ngunit nag iinit na ang ulo ko sa tagal.

"I was late, sorry." Napatingala nalang ako nang marinig ang boses na iyon at walang bahid ng sineseridad ang mga mata ng nagsalita.

Matangkad na lalaki ang nasa harapan ko. Maitim ang buhok, may kilay na makapal at matangos na ilong at pinkish na labi. Kung hindi dahil sa super liit na nunal niya sa left under eye niya ay hindi ko siya makikilala.

Maging ang amoy niya ay agad na siyang ipinakilala sa akin, madalang ang lalaking vanilla ang amoy.

Andami ko agad naiisip, nanlalamig tuloy ako agad at kinabahan, gumapang ang hiya sa akin at para akong tinadyakan nito sa aking mukha.

Wala akong masabi. Walang salitang nakatakas sa labi ko sa pag aakalang si Riguel iyon, sa tangkad, sa katawan, sa buong wangis at maging sa boses ba naman ay kapareho niya, nababaliw ako sa kaba.

"B-Bakit ikaw?" Napangiwi ako dahil sa napakapangit ng lumabas sa bibig ko saka ako yumuko at pasimpleng bumaling sa paligid.

"Why, did you expect it to be Riguel?"

What the fuck. "Shut up, 'wag ka ngang maingay." Bulalas ko at bahagyang umirap sa kanya. "Sabi ko bakit ikaw pa ang naging tauhan ni Dad?"

Napatitig siya sa akin na para bang gusto niya akong tanungin kung nagtatanga-tangahan ba ako. Walang ano ano ay hindi niya nalang ako pinansin at bahagyang inayos ang tie niya bago humarap sa mga tauhan para makaorder kami.

"Anong gusto mo?" Aniya, malalim ang boses at seryoso.

"Anything," Sagot ko, napansin ko pa ang kamay niyang may magandang hugis, may mga ugat na bahagyang nakabakat at ang kuko niyang malinis. Ganda ng kamay mo pero parang ang sarap ata ng truffle pasta. "Truffle pala,"

He hissed.

"Judgemental mo naman," Utas ko at hindi na siya umimik.

Hanggang sa dumating ang pagkain na inorder niya para sa amin ay tahimik lang kami. Ano ba 'to, please lang, please lang po Lord.

"So anong pinapagawa ni Dad?" Nagpunas ako ng bibig bago magsalita. Nanunuyo na talaga ang lalamunan ko sa katahimikan dito.

Kanina ko pa siya hindi matingnan sa mukha dahil kamukhang kamukha niya si Riguel. Akala ko ba naman shameless ako, buwisit.

Bumuntong hininga ako.

"Ah, baka nalimutan ng Dad mong sabihin sa'yo." Maigsing sagot niya at ramdam ko ang paninitig niya ng matalim sa akin.

"Anyway, bakit sa company ng Dad ko pa? May company kayo ah?"

Bumaling siya ng tingin sa mga mata ko kaya naman umiwas ako at nagkunyaring susubo nang bigla siyang sumagot ulit kaya kinansela ko ang pag subo.

Haha napakaawkward at mukhang tanga ako. Lord please.

"I am not your Dad's person, Celeste. May kailangan lang akong asikasuhin between our company and yours."

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon