Kabanata 16
WARNING! SCENES HERE ARE NOT SUITABLE FOR AGES BELOW 18!It took me a while to fix myself. Bumakat lang din sa tshirt ni Rafael bra ko because it is wet.
Paglabas ko, mas madilim na outside and I also noticed na umamaambon na.
Bakit ba laging ganito ang nangyayari, akala ko hindi totoo ang mga ganito na biglang uulan o aambon o babagyo. I guess this is how the universe is making a way para sa akin at kay Rafael.
I was just waiting for him sa terrace, malakas na ang ambon, malakas na ang hangin at nagsisimula na ang kulog pero wala pa din siya.
Just when the rain started pouring, nakita kong naglalakad na siya pabalik dito sa bahay. Basang basa na naman siya.
"Bakit kasi ngayon ka lang bumalik?!" Sigaw ko from afar, he saw me and he started running.
When he got here sa terrace, I immediately handed him the towel, basa pa slight dahil pinagamit niya sa akin kanina.
"You know what, pusta ako may lagnat ka bukas!" Pumamewang ako sa harap nya habang pinapanuod siyang magpunas ng sarili.
He chuckled. "I think so too,"
Napairap ako. "Bahala ka jan." Naiinis pa din ako, iniwanan ko sya sa terrace at nag cellphone ako sa kwarto. I guess I really want to know kung parehas ba kami ng nararamdaman bago ako mag dive dito sa nararamdaman ko.
"Celeste,"
Hindi ako sumagot when he called, pumasok siyang bahagya sa kwarto at sinilip ako. Naawa ako sa itsura niya dahil basang basa siya.
"I'll make you warm coffee," sambit ko. Kumpleto naman ang gamit dito eh at may dala rin kaming instant coffee, nakita ko na may kettle. May expired pang mga panimpla ng kung ano ano.
While I was making our coffee, nakikita ko sa peripheral vision ko na pinapanuod niya ako habang nasa sofa siya't nagpupunas ng buhok niya.
"Half cup lang." He reminded.
"Alam ko." At itinago ko ang mukha ko.
"Tapos ka na ba sa susukatin at estimates mo?" I asked blandy. Gusto ko na umuwi.
Tumango lang siya at nakatingin pa din sa akin, observing me.
"Take a sip tapos umuwi na tayo." Hindi ko sya tiningnan after kong iabot ang kape niya.
"Is there something wrong?" Deretso niyang tanong.
"Wala!" Bahagyang tumaas ang tono ko, tinalikuran ko na sya at dumeretso sa kwarto.
Ilang minuto lang din, naramdaman kong pumasok siya sa kwarto at umupo sa gilid ng kama, sa tabi ko, habang nagpapanggap akong tulog.
"Celeste, I don't think makakauwi tayo, I'm sorry. I should've brought the car instead."
Kumunot ang noo ko sa inis. I don't want to spend the night here with him!
Nagagalit ako, naooffend ako at nasasaktan ako mismo. What are we, Rafael?
"Gusto kong umuwi, please."
"We can't." He insisted, at alam kong malabo nga na makauwi kami. "What's wrong? Did I do something wrong?"
I felt his hand rested on my thighs.
"Wala."
"Tell me."
"Wala nga!"
Narinig ko ang pag buntong hininva niya. "Wait." Narinig ko din ang pagkaluskos sa mga cabinet, nakita ko siyang naghahanap ng shirt.