Kabanata 12
"Rafael, si Cyna, you haven't told me about her."
"Ah, she's my friend, like a sister." Short at brief niyang pakilala, hindi siya lumingon kaya hanggang ngayon ay pinapanuod ko siya ng nakatalikod, nakaharap sa salamin.
"Super close friend?"
"Yeah," Humarap siya sa akin matapos itowel dry ang buhok niya. "Selos ka na ba?"
"Kapal mo, assumero." Humalakhak siyang bahagya sa itinugon ko.
"She's my bestfriend," Nag iwas ako ng tingin dahil palagay ko ay sinusuri niya ang reaksyon ko mula sa salmin.
"Eh ikaw, who were you talking to?" Aniya at seryosong inaantay ang isasagot ko.
"Huh? Wala naman akong kausap." Sagot ko agad.
Inirapan niya ako. "Liar." Ano ba, was he referring to Rita, kanina?
"Ano ba? Si Rita ang kausap ko, tinatanong niya kung masarap daw ba ang honeymoon ko!" Paliwanag ko dahil ayaw kong nasasabihan akong sinungaling. Siya nga yata itong nagsisinungaling eh.
"Ikaw ang liar, hindi mo ba ex-girlfriend si Cyna?" Iritado kong tanong at nakahalukipkip na pinapanuod siyang sinisiksik ang sarili sa sofa.
"What?" Iritado siya nang tingnan ako. "I already told you, we're just friends." Kalmado siya ngunit mahahalata mo ang inis.
"Edi wow." May friend bang hahalik sa pisngi mo, o kali naman ay natutulog sa bahay niyo, I get it, maybe for sleep overs! But still!
"Anong edi wow, anong iniisip mo? Celeste are you really jealous?" Umupo siyang bigla at humarap sa akin bahagya pang nagpipigil ng kanyang ngiti.
Nanuyo ang lalamunan ko. Nagsimula akong makiliti nang makita ko ang pagtayo niya at ngayon ay papalapit na siya sa akin.
"Saka gusto mo ba ng maikkwento kay Rita about honeymoon experience?"
Kinurot ko agad ang dibdib niya. "May gago ka sa utak." Humagalpak siya. "And what did you call me earlier sa hospital, love? Ano yan tawagan niyo before?"
"Hindi naging kami, wala akong girlfriend even before this marriage happened."
Naiinis pa din ako. Ni-hindi ka nga ganiyan sa pictures natin, at iyong paggaan ng mundo niya nang nakita niya si Cyna kahapon? Iba yon..
Binagsak ko ang aking sarili sa kama niya at inamoy ito, nagsisimula na akong antukin dahil comfortable na ang lahat. Isip ko nalang ang hindi mapakali.
Binagsak ko ng sarili ko sa kama saka ako tumalikod sa pwesto niya.
"Galit ka ba?" Tumindig ang balahibo ko nang maramdamang papalapit siya, at umupo na dito sa kama.
"H-hindi." Maigsi kong sagot saka ko narinig ang pag hinga niya.
"She lived here with me, Lola Selin wanted someone na makakasabay ko sa paglaki, ulila siya and so my grandparents kept her. That's why she's a sister to me, Celeste."
Napaawang ang labi ko. Gusto ka nya!
"Hindi ko naisip na kailangan mong malaman." Of course!
Kaya pala nandito ang mga damit niya?
"She sleeps here, too?" Hindi ko na napigilang itanong at saka ako umupo para harapin siya.
Deretso ang tingin niya sa akin at nakikita kong pagod na pagod siya, kita iyon sa mga nata niya kaya nanlambot ako. I'm worried about him.
"Nakikilagay lang ng damit." Tumaas ang kilay ko sa isinagot niya. I still have a lot to say to him or to ask pero gusto ko nang makapagpahinga siya.
"Nevermind, matulog ka na nga." Sambit ko bago bumalik sa pagkakahiga.
"You won't mind if I lay here beside you, right? Sinabi mo na yan dati." Aniya, patawa iyon bahagya pero ramdam ko ang paghiga niya sa tabi ko, sa likod ko mismo. "Walang bawian."
Nanigas ako sa pwesto ko nang maramdaman ko siya sa likod ko, lalo sa paggapang ng kanyang kamay mula sa bewang hanggang sa tiyan ko.
"Rafael." Tawag ko at gusto ko sanang pigilan siya but somehow, I love what I am feeling, I love what he is doing.
"Are you...not comfortable?"
"H-huh?" Natahimik ako. "No, it's okay." Kinapa ko ang kamay niya at sinamantala nalang ang ganap, humawak ako sa likod ng kamay niya na nakayakap sa akin.
Sobrang init ng pakiramdam ko, para akong may lagnat lalo nang naramdaman ko ang mukha niya sa right side na halos ng batok ko.
"Thankyou, Love, for being with me." Humigpit ang yakap niya sa akin at lalo akong nadikit sa katawan niya. Sobrang dikit, I can even feel his chest on my back, at may iba pa.
Oh damn! What's the deal with you, Rafael?
"Why...I mean, why are you doing this." Hindi ako makahinga sa kaba.
"Because this is what we should be doing." Aniya. "And you feel like home to me, Celeste. I never had any other home other than my grandparents." Nagsisimula nang maging groggy ang boses niya, at sa kada salita ay tumatama ang hininga niya sa leeg ko.
"Ahh," Maigsing sagot ko dahil hindi na ako makahinga, sa kaba, sa halo halong emosyon at sa kiliti.
"Huwag mo na akong daldalin, gusto kong magpahinga." Sobrang rahan ng pagkakasabi niya noon. Mahina, halos pabulong at nanunuya.
"I can do more than this, cuddling. Gusto mo ba itry?" Humalakhak siya at tumatama ang hininga niya sa leeg ko. "Hindi lang ngayon, I'm really, just...tired." Natawa ako sa sinabi niya.
"I don't wanna know what else you can do or how are you gonna do it, basta matulog ka na lang." Utos ko at bahagyang kinurot ang dambuhalang braso niyang nakapalupot sa akin.
"Yes." Hindi ko alam kung tama ba ang naramdaman ko, humalik siya sa ulo ko!
Gosh, nakikiliti ang nagwawala na namang sistema ko. The fuck!
The next day, mula morning ay nag-aayos kami kaya mabilis na lumipas ang oras ko. We are now on our way back to the Hospital para makipagpalit kay Cyna sa pagbabantay sa Lola ni Rafael.
When we got there, kinuha ni Rafael sa akin ang bag ko at nanguna sa paglakad, hindi ko tuloy mapigilang huwag matawa dahil hindi bagay sa outfit niya ang bag kong pacute at pabebe lang.
Nang bigla siyang lumingon ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Inaabot niya ang kamay ko, at gustong kasabay ako sa paglakad niya.
PDA! Hindi ako mapakali kaya kinuha ko na lang ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad.
Hindi naman ako sobrang dikit sa kaniya pero hindi din sobrang layo. Andaming nangyayari at ang bilis, hindi kali nabibigla lang ako?
Gusto ko ba ang lahat ng 'to?
As we are walking towards the building, may familiar na sasakyan akong naaninag doon sa may parking.
Naisip ko agad kung kanino iyon, hindi ako tanga para makalimutan ang itsura ng sasakyan ni Riguel at ang pagpunta niya dito ay posible talaga dahil Lola niya din ang nandidito.
Halos gusto ko nang tumigil sa paglalakad at tumakbo palayo ngunit sumasakay pa din ang katawan ko sa paglakad ni Rafael.
"Rafael, wait." Mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya.
Parang alam niya ang naiisip ko. Humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay. "Huwag kang lalayo sa akin, okay?"
Tumango ako ng wala sa aking sarili. Saka niya mabilis na nailagay ang kamay niya sa bewang ko, pulling me closer to him at pakiramdam ko ay binibigyan ako ng comfort sa kung ano ang posibleng mangyari.
"I'm here, wala kang dapat katakutan. Riguel is iust a remainder."