Kabanata 18"Raf," I called. Ala una ng madaling araw, kamumulat lang ng mata ko at kabubukas ng lamp, gumising ako to check on him, nilalagnat pa din kasi.
"Rafael, you have to take your medicine." Halos pabulong ang salita ko, ayaw ko kasi talaga siyang gisingin, hirap kaya matulog ng may lagnat.
Sinalat ko ang noo niya para makasigurado.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinawakan itong mahigpit. "You're still burning up."
Napabuntong hininga nalang ako. "Mag-aayos akong towel and cold water."
Hinayaan nya lang ako kaya mabilis kong nagawa ang kailangan kong gawin.
Habang pinupunasan ko ng bahagya ang pisngi niya, hindi ko talaga mapigil na 'wag tumitig sa kanya. Pogi talaga nitong kumag na 'to.
"I can feel your stares." Bulong niya, bahagya pang nakangiti.
"Kalokohan mo." Inis kong tugon at hinawi ang lahat ng buhok na nakaharang sa noo nya. Mas lalo ko lamang tuloy napansin ang features ng mukha niya.
Sa dami ng nakita kong maganda sa facial features nya, paborito ko padin ang nunal sa undereye niya. I love it, it's perfect.
"Sungit mo naman." Aniya, nakapikit pa din. Talaga. "I'm sorry you have to go through this."
"And you're not sorry na Cyna was here? Na hindi ko alam? Na wala akong alam kung anong nangyari sa'yo?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong mag salita. Naguilty rin ako agad, hindi ko dapat ngayon inopen 'to kasi hindi naman maganda ang pakiramdam niya.
"Nevermind, saka na natin pag-usapan 'yan. Once you're well enough para madefend mo sarili mo."
Narinig ko lang ang pagtawa niya. "Considerate naman pala si Miss Ma'am."
Nabwisit ako kaya pinitik ko ang noo niya. "'Di ka safe ah, mag papaliwanag ka pa sa'kin."
"Okay boss." Aniya lang. I want to kiss him, ngayon mismo. Gosh. "Hindi pa ba tapos?"
"Patapos na. Bangon ka saglit. You have to take this." Mapungay ang mga mata niya nang tumingin sa akin.
"Yes, Ma'am." Dahan dahan niyang iniangat ang sarili sa pagkakahiga. Natake n'ya na 'yong gamot and after that, humiga na rin agad s'ya.
Pinatay ko na ang lamp 'nong all set na s'ya saka ako humiga sa tabi n'ya. Sana lang ay hindi ako mahawa.
Mabilis s'yang pumulupot sa akin sa ilalim ng makapal na kumot naming dalawa.
Nag-init tuloy agad ang pakiramdam ko, idagdag pang mainit ang temperature niya.
Naramdaman kong marahan niyang idinampi ang labi niya sa batok ko. Favorite n'yng ginagawa 'yon eh, hindi ko tuloy maiwasang huwag kilabutan sa kilig at sa pakiramdam ng ginawa niya.
"Thankyou Celeste." He whispered. "Kapag nahawa ka, I'll take care of you too." Humalakhak pa siya.
"Awa nalang, 'wag mo naman ako hawahin." Pabiro kong tugon.
"Hindi ka naman nakakaawa, dragon."
Nakatulog kaming dalawa sa mahaba haba pa naming asaran. Nakalimutan ko agad ang galit ko sa kanya right after that night.
Ngayon nag rready na ako dahil nagyaya ang parents nila Rafael for dinner.
Nagtipa ako ng mensahe for Rafael at saka ko napansing iba na naman ang pangalan niya sa contacts ko.
