Kabanata 17

15 7 0
                                    

Kabanata 17

"Morning," Rafael greeted right before he kissed my forehead kaya tuluyan akong nagising. Mahigpit pang nakadantay ang braso sa bewang ko, at ang binti niya sa binti ko, kung kaya naman ay magkadikit talaga ang katawan naming dalawa

Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakangisi pa siya.

"What?" Utas ko.

"Sungit," Humalakhak siya. "Let's go home, late na." Aniya, naramdaman ko pang nailalaro niya ang buhok ko, then I realized, ang braso niya ang pillow ko.

"Why, anong oras na?"

"It's almost 10Am," Napakunot ang noo ko.

Mygosh. "Bakit 'di mo nalang ako ginising, may gagawin ka ba dapat ng 10Am onwards?"

"I have to go sa office ng 12, 'di kita ginising kasi baka pagod ka," Humahalakhak pa siyang bahagya.

Narealize ko ang itinatawa tawa niya. "Bwisit ka, nahihiya ako please," Mariin akong pumikit.

"I love you," Aniya, in between his chuckles.

"Ewan ko sa'yo. Tabi ka nga, naiihi na ako." Inirapan ko siya.

"Bakit sinusumpong ka?" Imbis na tumabi nga siya ay hinigit pa niya ako lalo sa katawan niya, amoy na amoy ko siya ngayon, super bango ng natural scent niya.

"Wala, nahihiya lang ako. First time ko," Pag-amin ko. "I mean, I'm not shy because it's my first time ha, but you know, everything...anoooo, more like, worried ako if nagustuhan mo ba ako." Napayuko ako.

"How many times do I have to tell you, napakaganda mo, and I love you." Firm niyang sinabi.

I wonder, kailan nag start ang ganitong nararamdaman niya for me?

"Hindi ka ba naniniwala?"

Well, naniniwala naman ako. Nararamdaman ko din. "Naniniwala ako 'no, but you have to understand, it's a 'me' problem." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ngayon lang naman 'to, first time kasi, 'wag ka na makulit naiihi na ako." Mabilis kong idinampi ang labi ko sa labi niya at nagtangka nang tumayo.

Marahan na halakhak lang niya ang narinig ko bago niya ako pinakawalan.

Parang pakiramdam ko, hindi ko mapigilan ang ihi ko. Medyo sore pa ang pakiramdam ko, parang balisawsaw! Nakakainis pa naman ang ganito.

"Does it hurt? Are you okay?" Umiihi na ako nang marinig ko si Rafael, nasa labas mismo ng CR!

Natawa ako. "Balisawsaw feels," Sambit ko. "Don't worry, I'm okay." I assured him, kagabi pa siya nag-aalala sa  palagay ko, kasi nakakita siya ng dugo.

Kagaya ko, kinabahan din ako but I feel fine naman na.

Nang nakapag-ayos na kami pareho, bumyahe na kami pauwi, and when we got home, nag-ayos agad siya at ilang saglit lang din ay umalis na siya.

Nag-ayos ako at nagpplanong umalis din for grocery. Dala ko ang sarili kong sasakyan papuntang SM.

Nagmessage ako kay Rafael na magggrocery ako ngayon, pero ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa din siya nagrereply.

Busy siguro at hindi mahawakan ang phone niya.

Nangunguha na ako ng mga kailangan ko sa shelf nang mapansin ko ang isa sa mga candies na lagi naming binibili ni Riguel, whenever we got the chance to.

I was reminded of how kind he was to me, how I was so inlove with him for how he is to me, how we were before.

"Last piece?" Napabulong ako sa sarili ko, nagtangka akong kunin ito but then someone else grabbed it too, at namg makita ko kung sino iyon ay napahinga ako nang malalim.

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon