Kabanata 11
Hours passed, andito pa din ako sa hospital with Rafael, kasama rin ang kaibigan niya na ngayon ay natutulog sa loob kaholding hands pa ang Lola ni Rafael.
"Epal," hindi ko napigilang sabihin sa hangin nang marinig kong bigla ang mahinang halakhak ng papalapit na si Rafael.
Inirapan ko siya.
"Antagal mo naman, umano ka?" Tiningala ko siya habang nasa tapat ko at kinukutkot ang binili niya nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Anong gagawin mo?" Iritado ko pang tanong nang tanggalin niya ang tsinelas ko na galing pa pala mismo sa hotel na pinag-stayan namin, agad ding napawi ang pagkainis ko at awang ang labi kong pinapanuod siyang minamasahe ang paa ko, he's massaging it with oil. Pogi.
"You don't need to do this, Rafael."
Hindi siya nagsalita ngunit saglit siyang natigilan, hindi rin ako nagsalita dahil sa nakakarelax talaga ang ginagawa niya.
Nilagyan niya pa ng socks ang paa kong namasahe na niya, napangiti nalang ako at nakangiti ko syang pinapanuod hanggang sa matapos siya sa agenda niya sa paa ko.
"Ipapahatid kita sa driver namin," Aniya, nakaluhod parin at nakatingin ng deretso sa akin.
Nababakas ko ang pagod sa kaniyang mukha. "At ikaw?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.
"I'll stay here," ng wala ako? At kasama mo ang kaibigan mo?
"Ayoko," Maigsi kong tugon.
Narinig ko ang buntong hininga niya kaya napaiwas nalang ako ng tingin. "You look restless. Magpahinga ka lang muna sa bahay. You can come back here if you want to." Humawak siya sa tuhod ko at maagap na hinuli ang tingin ko.
"I'm okay," Alam ko ang ginagawa mo Rafael, he's giving me his assurance that he's okay para pumayag akong umuwi.
"You need me here." Deretso lang ang tingin ko sa kanya.
Unti unti siyang ngumiti at kalaunan ay bahagyang humalakhak. "Yeah," gumapang ang kamay niya sa kamay ko.
Before I can even talk, hawak niya na ito ng mahigpit.
"Kaya nga magpahinga ka muna, maligo ka, maasim ka na." Humalakhak siya at humagalpak ng kurutin ko ang dibdib niya.
"Alam mo ang gago mo!"
"Huwag ka masyadong maingay! Sakit mangurot." Hinahaplos pa niya ang parteng kinurot ko. "Thankyou, Celeste. The only way I can repay you is to take good care of you. Kaya makinig ka na sa akin at huwag na makulit."
I've never heard him say so much words, or a sentence this long. Or maybe oo narinig ko pero baka wala akong paki, ngayon ay nababaliw ata ako.
Pinag-isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. I went home sa bahay nila dito sa Antipolo, I never felt like I wasn't welcome, wala rin ang mga masyadong importanteng tao sa buhay ni Rafael.
Ang Lolo niya ay pauwi palang daw dito mamaya.
Asikasong asikaso ako kaya nahiya ako lalo. In return, tinahak ko ang kwarto ni Rafael para mag-ayos ng kaniyang gamit, hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin ang buong bahay pero kitang kita ang portrait ni Rafael dito.
Pansin din agad na ang yaman nila, sa disenyo ng bahay, sa lahat lahat at ang magarbong stairs ng bahay nila.
Hinalughog ko ang closet niya at nanguha ng ilang plain shirts for him. I also got him his underwears, ayos, lahat black. Ang organized ng bahay ng lamok ni Rafael ah.
Sa gilid ng cabinet niya, nakita ko pa ang palagay ko'y sukat ng itinangkad niya bawat taon, napangiti ako dahil nakakamangha ang gap ng bawat linya. He really is a tall man.