Kabanata 4

34 9 0
                                    

Kabanata 4

"I just can't believe!" Ani Rita. "Seryoso talaga?"

Kita ko ang frustration sa expressions ni Rita through video call. Si Aki naman ay hindi makasalita ng kahit isang word matapos kong sabihin sa kanila ang nalaman ko kagabi.

That the man I'm going to marry is none other that Riguel's twin brother, Rafael. That thought kept me awake all night.

"I know right." Pumikit nalang ako. "Imagine, gusto ni Dad mapabuti ako pero mapapasama pa ata ako."

"Sana naman sa amin nalang nagtanong si Tito! Para naman si Riguel ang maipakasal sa'yo!" Rita and her frustration. "Girl baka naman pwede pa?!"

Napaisip ako. Dad and our company won't benefit kung si Riguel. Nalaman kong si Rafael ang nag take over their company.

Even before I knew about this, I promised myself na kung sino man ang dadating, I'll take it, and I'll do this for our company. Ano't nagdadalawang isip ako?

What if mag work ang sa amin ni Riguel if ipilit ko?

But ayoko din na maitali si Riguel. I know how much he hates business, ang company nila.

Sa sobrang pag-iisip ay nagulat pa ako sa pag tunog ng phone ko at nakitang tumatawag si Rafael.

Ilang segundo ko itong tinitigan bago sagutin at ihold ang tawag nila Aki at Rita dahil hindi rin agad na nag sink-in sa akin ang nangyari.

"H-hello, si-sino 'to? Hehe." Fuck. Hindi siya nagsasalita dahil sa katangahan ko. What in the world did I just say? Alam kong si Rafael iyon pero sa kaba ko ay nagkaleche leche na.

"Hello, si Rafael ba 'to?" Pag ulit ko, nagkukunyari pa.

"You didn't save my number?" Pareho kaming natahimik. Isinave ko naman kaso ninerbyos ako ang aga kasi.

"Anyway, I'm going to fetch you," Kalmado at medyo groggy niyang sinabi.

"Ha?" Naunahan ako agad ng kaba ngunit nang maalalang si Rafael naman ito ay medyo humupa din. Hindi 'to si Riguel, relax. "I mean bakit, anong meron?"

"I was told to show you the house that I bought somewhere in Earthfield, fourlanes."

"What house?"

"What do you mean what house, edi bahay natin," Sungit talaga ni hamog eh.

Napatingin ako sa oras nang mapansin na 7:30 Am palang, ni-hindi pa ako nag uumagahan!

"Tayong dalawa lang naman, kahit huwag ka na mag-ayos." Aniya.

"Oh, okay." Maigsing sagot ko habang nag hahanap na ng maaaring maisuot.

Nag t-shirt na lamang ako at short, hinayaan ko nalang na nakaladlad ang buhok kong shoulder length lang naman at hinintay na makarating siya.

When I got into his car, it reeks of vanilla. Finally, may kagaya na akong mahilig sa vanilla, someone who appreciates vanilla like me.

"Morning," Awkward na bati ko right after I sat sa passenger's seat. Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya.

Magulo pa ng bahagya ang buhok niya at nakashirt and short lang din siya.

Nahuli pa niya akong nakatingin sa kaniya kaya naman nahiya ako.

"Seatbelt mo," Aniya, madiin niyang sinabi.

"Ah yeah, oo nga. Thanks."

"Have you had your breakfast?"

How is that possible na hindi ako naggwapuhan sa kanya dati kahit kamukha niya lang naman si Riguel?

"Not yet," Maigsi kong tanong at nagpapanggap pa na komportable ako at hindi naaawkwardan.

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon