Kabanata 13

21 9 0
                                    

Kabanata 13

"It's because of my brother. Si Rafael, na irresponsable at puro kalokohan kaya sa akin ang burden ng lahat ng business ng pamilya namin."

Napakunot ang noo ko habang minamasdan ang portrait ni Rafael at Riguel sa bahay nila.

Nakahilig ako sa sofa na kasalukuyang inuupuan ni Riguel.

"Hindi ba kasalanan ng parents niyo?" Saka ko siya nilingon, I just heard a deep sigh from him.

Kasi, as it seems to me, Rafael and Riguel are literally just in the same situation. "It wasn't your fault that you don't want to carry this burden as it goes the same for Rafael."

"I mean, Riguel, gets mo ba?" Gusto kong ipaintindi sa kanya na kagaya niya, ayaw din ni Rafael ang burden ng business nila o ayaw niyang magmanage nito, the only difference they have is that Rafael is much more free spirited compared to him, hindi takot sa consequences at gagawin talaga ang gusto.

"Ikaw nga mismo kayang kaya mo ding gawin ang mga ginagawa ni Rafael eh, para lang makita ng parents niyo na pati ikaw, hindi capable."

Nakita kong kumuyom ang kamao niya. "I'm not him, Celeste. I can't just throw this away."

There, you're the reason of your despair, what's the point of pointing fingers to Rafael? Iyan ang huling mga salitang gusto kong sabihin kay Riguel that time ngunit hindi ko itinuloy, sa susunod na lang.

I wanted him to know that I understand where he is coming from, ngayong galit na galit siya sa kapatid.

At ngayong nandito na ulit siya, sa harapan ko, iyong galit pa din na iyon ang nakikita ko.

Nanlalambot akong bumaling sa ibang bagay para lamang hindi magtama ang aming mga mata.

Kaming tatlo lang ngayon ang nandito sa room ng Lola niya, hindi ko maiwasang hindi mapalagay.

"So it's true?" Aniya, nabasag ang nagyeyelong mga mata ko at natuon ngayon kay Riguel, masama ang tingin sa akin at sa kapatid.

Ibang iba ang tindig niya ngayong ramdam talaga ang galit sa kanya.

"Rafael, really? You've come this far dahil sa kagaguhan mo?"

Anong sinasabi niya? Humigpit ang hawak ni Rafael sa mga kamay ko.

"Nice, Rafael." Huling salitang itinuran niya bago umalis sa silid.

Naramdaman ko ang pahigpit ng hawak ni Rafael sa kamay ko, bago niya ako tuluyang harapin. "Are you okay?" Aniya, bakas ang pag-aalala.

"Am I making things worse? Between you and Riguel?" Deretso kong tanong.

Umiling siya agad. "No, this isn't about you. Celeste, it's okay. This is between Riguel and I."

Umupo siya sa mini sofa doon, hinila niya ako at tiningala, hinuhuli ang aking mga mata.

"Celeste," He called again.

I let out a sigh right before I gazed at him. His eyes looked like it was hoping na okay lang ako.

But with what I saw upon Riguel's gazes, sa akin at sa kapatid niyang kay Rafael, ay hindi ako mapalagay. Dagdag pang kumakabog at lumilindol ang mundo ko nang makita ko siya.

"I heard you," Maigsing sagot ko. "Thankyou, Rafael."

"Good." Aniya.

Yumakap siya sa akin. Hindi ako mapakali kahit pa nakadikit ang mukha niya sa tyan ko, hindi niya kita ang mukha ko.

Humalakhak siya. "Gutom?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko, nang marealize ko ang tunog ng sikmura ko ay bahagya ko siyang sinabunutan.

"Fuck you. Oo gutom ako," Pagbibiro ko.

Kumalas siya sa yakap niya sa akin at tiningala akong muli na parang bata. "What can I get you, then?"

"Kape, hmm."

"What else? Gusto mo ba rice?"

Hindi ako makapag-isip. "Please just get me anything na may sabaw nalang,"

"Alright. Wait for me here, kaya mo?" Aniya saka tumayo para mapantayan ako.

Tumatango ko siyang tiningnan. "I guess, yes?" Wala naman akong choice.

Hindi na nga ako makahinga eh, but I don't want to become a burden to him.

"Kapag bumalik si Riguel, just don't talk to him." Seryoso niyang sinabi bago ako tinalikuran.

Will that make him feel na I am Riguel's person parin? And what if, there's a part of me that still wants Riguel?

Hamog:
Don't talk to him, please.

Napayuko at napatitig lang ako sa message niya. Nag text pa talaga.

Nagtipa agad ako ng reply.

Celeste:
Yes. Hindi ko din naman kaya.

Gusto kong sabihin na hindi naman na siya dapat mag-alala pero napipigilan ako.

Hamog:
Kahit kaya mo, don't do it. Let's talk about this the other time.

Kumunot ang noo ko. Bakit? May need pag-usapan?

Bumuntong hininga ako, andami kong naiisip! I decided to wash my face para kahit papaano ay marefresh ako.

Kasalukuyan akong nag pupunas ng aking mukha sa C.R nang mapansin kong may relo at wallet doon.

Mabilis ko iyong dinampot. My gosh Rafael, paano ka makakabili.

Nagmamadali tuloy akong lumabas ng banyo, at nang makalabas ako, nanlambot ako kaagad.

Riguel was standing right outside.

"Why are you holding that?" Malamig at walang emosyon niyang tinuran.

Itong wallet? "I-ito?" Sambit ko, pinapakita sa kanya ang wallet at relong hawak ko. Parang natuyo ang lalamunan ko. "Naiwanan ni Rafael." Napayuko ako.

"That's mine."

"Ha?"

"Akin yan." Pag-ulit nya. Oh my gosh.

Mabilis kong chineck ang wallet at nakita ang I.D niya. "Oh. Sorry." Mabilis kong inabot sa kanya.

"Hindi ko naman yan ginalaw."

"Not asking." Aniya, saka kinuha ang wallet sa akin at umamba nang aalis pero tumigil siya.

"Why did you agree to that wedding?" May diin niyang sinabi dahilan para mapayuko ako. "Hindi ka nag-iisip?"

"Can we not talk about this?" Dahil sayo lahat 'to Riguel, tang ina.

"You know him damn well. He's probably doing this because he thought, we were a thing. Tandaan mo yan, at mag-isip ka."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya, gusto ko siyang tawagin ulit pero mabilis siyang nakalayo. I tried to follow him outside pero wala na akong lakas.

Pinapanuod ko ang likod niya ngayon, papalayo sa akin.

Rafael agreed to this, he's being kind to me, gaining my trust, just because he wanted Riguel to see, na nasa kanya ako? Na he can get whatever Riguel wants or has? Is that it?

Eh putang ina pala.

I'm already starting to drown myself with butterflies whenever I am with him, tapos ganito? Am I really just a trophy to you Rafael? Kaya ba ayaw mong kausapin ko ulit si Riguel? Am I just your trophy?

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon