Kabanata 2

42 9 0
                                    


Kabanata 2

"Anong oras ba?" Rita.

"Aalis na din ako, inaayos ko lang laylayan ng hair ko, kaunting curl pa." Sagot ko.

"Pag ayaw mo sa kanya, dump agad ha, please lang don't marry a man na unang meet palang ay ayaw mo na. Dump the marriage, tutal next week pa naman." Nakita ko pang napairap siya sa sinabi, mula sa phone ko.

"Pwede bang istill mo ang phone mo Rita? Nahihilo na nga ako sa video mo tapos irap ka pa nang irap jaan," Reklamo ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya at itinapat sa tainga niya ang phone. "What? Hindi kita madinig! Hindi kita maintindihan!"

"Kadiri ka! I'll call you later, the moment I finish preparing tatawagan kita," Halakhak ko.

"Oh, ok ok," Sa tainga pa din niya nakatapat ang phone. "Bye!"

"Para kang Generation na mas late pa sa millennials," Utas ko at pinatayan na siya.

Sure naman ako sa pinapasok ko. Hindi man ako super kilala ni Dad, and hindi ko rin siya sobrang kilala, mabuting tao ang Dad ko and I know, hindi siya maeengage sa mga taong masama, lalo at itatali n'ya ang pamilya namin.

Nagpaayos ako kay Dad ng date today with the man that I'm supposed to marry. Para naman makita ko kung anong klaseng tao ba ang pagtatalian ko ng sarili ko.

Dito padin sa Bataan because he lives here and by coincidence eh umuwi din siya dito mula Manila for a visit, siguro eh namimigay din ng invitations.

"Hello, Dad, napatawag po kayo?" Sagot ko sa phone.

"Are you already on your way?" Ani Dad sa kabilang linya.

Kunot ang noo kong sinagot ang tanong ni Dad. Ang hunch ko, hindi na tuloy. "Yes, Dad. Is there any problem? Hindi ba siya makakapunta?"

"Actually anak I'm sorry, ako mismo ang nag cancel sa appointment niyo. I need him here in my office for some matter na kailangan naming isettle together."

I knew it, tuloy pa din ang pagmamaneho ko. "It's okay Dad, I still have other plans for today."

Pagkatapos ng usapan na iyon, deretso ang tingin ko sa highway nang mapansin ang mga students sa dating school na pinapasukan ko, back when I was still in highschool.

May hawak na mga dragon at nakacostume. I immediately parked my car inside the school, hanggang ngayon pala ay may Festival of Talents dito?

Mabilis kong naimessage sila Aki at Rita about this and hindi nagtagal ay nakadating din agad sila to watch the program.

Nagkalat ang mga estudyante, mga nakacostume at naghahanda sa performance nila. Each year, palaging dinaraos ang program na 'to for SPFL students under Mandarin Language, may sayaw, may quizbee, painting, paper cutting, may pagttie ng knot, singing at iba pa.

"I can still remember the dragon we made before, itinapon ba 'yon?" Sabay sipsip sa chuckie na palagi niyang binibili dito dati. Nag aadik sa chuckie dati si Rita dito eh.

"Itinapon ata, ampangit daw eh," Ani Aki kay Rita habang tuloy ang pakikinig sa music niya.

Bahagya akong natawa, nasabihan pang mukhang uod iyon ng teacher namin.

"Ikaw Celeste at si Riguel ang gumawa ng ulo non 'di ba?" Natahimik ako sa sinabi ni Rita.

"Bakit kailangang imention? Grow up naman," Pagbibiro ko.

"You two were once the closest before, and inseparable niyo."

"Close talaga sila, imagine, si Celeste lang ang palaging sinasamahan ni Riguel. Laging inaaya, mukha silang may relationship talaga." Talaga naman Rita.

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon