Kabanata 8

32 9 0
                                    




Kabanata 8

"Kuya, can I ask what island is this?" Tanong ko dahil hindi na talaga ako mapakali.

"Ah Balicasag Island po ito Ma'am, dito po kayo magsnorkel."

"Huh? Rafael, what?" Kinurot ko ang braso ni Rafael habang inaalalayan niya ako pababa ng bangka.

Hindi ko alam na magssnorkel kami!

He chuckled. "Don't tell me, takot ka?" He's seriously mocking me. Shet.

Lalo tuloy akong hindi mapakali. Rafael is now talking to other guides for our snorkeling gears. Ayokong humindi, I want to try it but I'm also afraid to try.

"Rafael," Tawag ko sa kanya nang makapagdecide akong hindi ako magtatry.

Nilingon niya ako agad kahit kausap ang guide.

"Huwag mo na ako ikuha, ayoko." Yumuko ako at pinanuod ang paa kong nilalamon na ng buhangin.

"Wala na, nakuha ko na." Asar niyang tugon.

"Edi wow, hindi ko naman isusuot." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Akala ko ba minsan lang ang ganito sa'yo, why not try?" Aniya at nilagpasan ako matapos makuha ang gears naming dalawa.

"Gutom ka na ba?" Dagdag niya.

"Hindi. Huy, huwag na kasi," Pigil ko sa kanya habang nakasunod lang ako sa likod niya.

"Just try. I included this in the plan because I thought you were gonna love snorkeling." Ito na ata ang pinakamahabang sinabi niya sa akin.

"Mukha ba akong adventurous?" Nakapamaywang kong tanong. Excuse me, hindi naman ako adventurous na tao, I barely want to try new things.

"Nope, but you're curious." Hinarap niya ako kaya halos tingalain ko ang mukha niya. "Andito naman ako, try."

Inilagay niya sa kamay ko ang gears saka mabilis niyang ni-pat ang head ko. What the...parang bahagyang bumaliktad ang sikmura ko sa ginawa niya.

"Nakakakilabot ka." Utas ko at bahagya siyang binangga, inunahan ko siya pabalik sa bangka. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko, nainis ako sa kaniya.

After naming makapag ayos, nagproceed agad kami nila Rafael palayo sa shore. Papunta sa maraming isda to snorkel.

My gosh, gagawin ko talaga 'to?

When we got there, nauna nang buana si Rafael to wet himself and to see different fish.

"Rafael wait!" Tawag ko sa kanya. Hindi pa naman din siya lumalayo, he's waiting for me but then natataranta kasi talaga ako.

I want to see what's under the water but then I'm overthinking m, what if may ahas or whatsoever! Or weird things, tangina.

"Ma'am pagbaba niyo ho, picturan ko kayo ni Sir."

Hindi na ako nakasagot, bahala ka na kuya.

Rafael then held my hand gently, ang paglubog ng katawan ko sa tubig ay ang dahilan nang pagbalik ko sa aking ulitat.

"Oh my gosh Rafael, ang lamig!"

"I can't hear you clearly." Aniya, nasa tubig na kami pareho but he didn't let go of my hand. "You good?"

Tumango lang ako.

"Marunong ka bang lumubog?" Tatawa tawa niyang tanong.

"Tangina mo," Piniga ko ang kamay niya at bahagya din akong natawa. "Of course!" Marunong ako, sa pool.

"Okay then," He let go of my hand already.

"Huwag mo 'kong panuorin, mind your business!" Sita ko at bahagyang lumayo sa kanya, he started doing his own business, he fed the fish underwater and watched them have a feast. Hindi ko padin magawang lumubog.

He does have a nice built body, kitang kita iyon dahil sa suot niya. I really love their shoulder, sila ni Riguel. It's broad, lakas makamanly.

Whatever!

Hindi ako mapakali 'till I decided to do it dahil basa na ang biscuits na nasa kamay ko, I was supposed to feed this to the fish!

First few seconds I opened my eyes, nabusog agad ako sa nakita ko.

There's a group of fish under the water and it's dancing around me. Oh my God.

I've never seen them this close! I mean, I've been to some ocean parks but this is different, I'm in the same water as them.

Pinanuod ko silang maglaro at sumayaw sa paligid ko, pinanuod ko maging ang mga corals na sunasayaw din kasabay nila as I scattered the biscuit na kanina ko pa hawak.

It's stunning!

Iniangat ko ang sarili, I was curious about Rafael's errands, at nang iniangat ko ang ulo ko ay malapit lang siya at nakatingin din sa akin.

Nakunot ang noo ko when I saw him waving his hands to me, he's calling me.

"What now!" Sigaw kong bahagya, enough for him to hear and understand.

"I'll show you something!" He shouted as well. Lumapit ako at halos mabigla nang parang naging mas malalim ang parteng pinupuntahan ko.

Buti nalang he's there, sinalubong ako.

I'm kind of scared and so I held his wrist. Hindi naman siya nagreact, hinayaan niya lang ako.

"I Just saw a turtle there."

Turtle?

"Right here?" I asked.

"A bit further," Aniya kaya napahigpit ang kapit ko sa kaniya. Ang lapit lapit niya sa akin right now, hindi ko lang maramdaman ang katawan niya dahil sa vest but I know, napakalapit niya that I am starting to feel his legs, it's rubbing with mine.

"No. Ang lalim!" I exclaimed.

"But you want to see?" Of course.

"Syempre but I won't risk my life 'no!"

I heard him chuckled for a bit. "Anong risk, hindi ka mamamatay."

Inalis niya ang hawak ko sa palapulsuan niya, instead, he held my hand with his. Kanina pa bumabaliktad ang sikmura ko sa mga ginagawa mo!

"Here," We peeked together under water, there, I saw his other hand pointing the turtle he just saw!

Halos hindi ko na iyon napansin dahil kasize lang nito ang palad ko. Napakacute!

Malaki pa ang ibang isda kaysa sa kanya eh.

Right after that experience, we're now here at Virgin Island.

Sabi ng ilang guide namin, we're lucky dahil hindi gaanong kataasan ang tubig, we're able to witness the beauty of sandbars.

I just noticed, based from my observation, Rafael loves beach. He's fond of the little things here, kanina ko pa siya napapansing interested. Marami siyang alam at akala mo kabisado ang galaw ng dagat.

Marami ding vendors as of now kaya I got to see different sea foods.

Abalone, alupihang dagat, of course crabs, sea urchins as well and others.

"Have you tried sea urchins?" Tanong ko kay Rafael.

Tumango lang siya. "Does it taste nice? Many says yes, bet mo?" Tanong ko ulit.

"If you're curious, just try."

Awit. Kainis naman kausap 'to.

Either way I still tried sea urchins.

Iyon palang naman ang hindi ko nattry sa nandoon. I don't want to make myself full, gusto ko ng kanin later for lunch.

After taking a few shots with Rafael, at ilang shots din alone ay solved na ako. The guides were amazing at taking photos, madami akong magandang pictures.

Buti nalang nandiyan sila Kuya dahil hindi ko kayang tingnan ang mga kuha ni Rafael dahil walang maganda kahit isa.

I enjoyed the things we did and tried there, mula Balicasag hanggang dito.

I guess today's adventure is over. We're heading back to our hotel, for lunch and rest.

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon