Kabanata 5

40 9 0
                                    

Kabanata 5

After 2 days of paglilipat ng gamit, pagod na pagod ako!

Hindi na ata ako makakauwi sa pagod. Ako lang din kasi mag-isa ang nandito dahil umuwi si Rafael noong isang araw pa sa Manila para ata sa Lola niya.

Pati mga clothes ni Rafael ay naayos ko na. Wife material na talaga. Natawa ako sa aking naisip at mabilis na tinahak ang stairs papunta sa aming kwarto.

Padeliver nalang siguro ako, hindi ko na kayang kumilos for myself dahil pagod na pagod talaga ako at gutom na gutom na.

Pagbagsak ko sa kama ay kinapa ko agad ang phone ko. Saktong paghawak ko dito ay tumunog ito.

Shet. Mabilis akong napabangon hawak ang phone. There's a call from Rafael!

Nang sagutin ko ito ay katahimikan ang sumalubong sa akin, pinilit kong mag salita.

"Hi," Bati ko.

"Sa'n ka?" Aniya, very casual kaya napakunot ang noo ko.

"Si Celeste 'to." Napangiwi ako sa isinagot ko at nanlamig, malamang alam niyang ikaw 'yan omg.

"Alam ko, are you home?" Narinig ko ang buntong hininga niya. Ang lalim din talaga ng boses, sa phone ay parang malapit na maging vibration ang boses niya.

"Sa Earthfield. Bakit ka nagtatanong? Pauwi ka ba?" Naisip ko na posible ngang pauwi na siya dahil nabanggit niya sa akin na a day or 2 lang siya sa Manila.

"Oo," Aniya at bahagya kaming natahimik. "Have you eaten yet?"

Sakto gutom na talaga ako huhu. Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa hiya. "Hindi pa, are you going here? Pwede bang pasabay kung pupunta ka?"

"Hindi pa din ako kumakain, anong gusto mo?" Nablanko ang isip ko.

"Gusto ko ng pork belly eh, hanap ka nalang saan meron." Utos ko, matapang ang tono kasi bigla kong naalala na binubully niya ako dati.

"Alright, I'll be there in 15 minutes."

"Ang tagal, gutom na ako." Iritadong bulalas ko. Kusa na lamang iyon lumabas sa bibig ko kaya ngayong nabanggit ko na ay pinangatwanan ko nalang.

Narinig ko ang bahagyang paghalakhak niya.

"Alright, 10." Napaawang ang labi ko sa huling linya niya. Napairap nalang ako.

What the hell. Pag dating naman dito ay wala na ibang gagawin kundi ang manalbahe at mang asar na naman.

Mabilis akong tumungo sa banyo para maghilamos at magpunas dahil nalalagkitan ako sa aking sarili.

Pagkatapos ay humarap ako sa salamin para matingnan kung bagay ba ang pajama at tshirt kong suot.

Nag suklay ako ng aking buhok na ngayon lang nakakawala sa ipit, naglagay ako ng kaunting lipbalm dahil medyo dry ang lips ko today, lastly I sprayed my perfume at saka ako lumabas ng room namin para bumaba.

Sakto naman na nang pababa ako ay narinig ko na din ang tunog ng doorbell.

Nang palapit na ako sa pintuan ay bigla iyong bumukas. Tumambad sa akin si Rafael na nakapang formal pa. Salubong ang kilay at masama ang tingin sa akin, bitbit ang pagkain.

To Forget AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon