Aviella Thena
habang umaandar ang kotse napatingin ako kay kuya dahil may sinasabi sya "Thena, I have trust in you but the people around you don't, please stay out of trouble also you Calista, i know you"
"opo kuya" sabi ko dito habang naka yuko at pinag lalaruan ang daliri ko.
"kuya, naman eh, hindi ako ang lumalapit sa gulo, yung gulo lumalapit sakin " Sabi ni Ali.
"Yeah I know, so that's why I keep reminding you and thena to stay away to any fvcking trouble, you always get into trouble Calista, one wrong fvcking move kukunin ko black card mo at siguraduhin kong hinding hindi mo na makukuha yon sakin, maliwanag?"
"hmp" singhal ni ali sa kuya nya sabay tingin sa bintana ng kotse.
natawa nalang ako dito sa katabi ko bumusangot banaman pero maganda parin. abay sana all.
bumusangot rin naman ako pero di ganyan kaganda aba may favoritsm ba si lord?
loh lord anak mo rin naman ako ah.
napatingin ako sa bintana at dami naming dinaanang mga Buildings. kinakabisado ko na bawat dinadaanan namin. kasi bukas kaming dalawa ni ali pupuntang school gamit bike bibili daw kami ng bike sabi ni thena sakin mamayang uwian, 2:00 uwian namin kaya pwede na at Hindi naman gaano ka layo pag nag bike ka. pero pag nag lakad ka aabutin ka talaga ng syam syam.
nakikita ko na yung school dahil ang laki. ang laki din ng gate takte school pa ba ito? grabe naman kayaman mga nag aaral dito. gagi ang lalaki ng mga building dito. private school talaga. kasi iba yung sa probinsya eh. sabagay manila ito probinsya yon.
di ko namalayang nandito na kami at bumaba kami ni Ali sa kotse akmang mag lalakad na kami papasok sa malaking gate nang biglang binaba ni kuya yung salamin ng kotse at pinalapit kami.
mukang manenermon nanaman si kuya ah.
"just like what i said, be careful and stay out of any trouble" sabi nito sabay taas ng salamin at mabilis na pinaandar ang kotse
naknangputcha bastos to ah pigilan nyo ko pigilan nyo ko!
"Rude" sabi ni Ali at napairap habang naka tingin sa kotse ng kuya nya na paalis.
"oo nga pala tara na sa room ipapakilala kita sa mga friends ko" sabi nito sabay hawak sa kamay ko at nag lakad kami papuntang Hagdan dahil sabi nya sa 4th floor daw room namin.
"ahm a-ali" kabadong tawag ko sakanya habang umaakyat kami sa hagdan
"yes? why?" takang tanong nya habang sa hagdan parin nakatuon ang atensyon nya
"kinakabahan ako" nahihiyang sabi ko dito
huminto sya sa pag akyat at tinignan ako
kaya pati ako napahinto na din."That's okay, it's your first time and there's nothing wrong with being nervous" sabi nya habang naka ngiti sakin at nag patuloy sa pag lalakad.
"t-thankyou" at akmang iiyak na dahil sa mga dinanas ko. hindi ko naisip na may mabuting tao tulad ni Ali at tita wag na idamay si kuya Caleb kontrabida yon e, charot napansin agad ni ali yon kaya hinarap nya ko sakanya.
"ano ka ba ito naman. As long as I'm here, no one can hurt you" sabay Yakap nya sakin. ginantihan ko din sya ng yakap at nag patuloy kami sa pag akyat.
madami din kaming naka sabay na students at lahat sila binabati si Ali at pinapakilala naman ako ni ali sa kanila di lang maiwasan minsan yung mga tinginan ng mga canvas, kakapal kasi ng make up eh.

BINABASA MO ANG
Midnight Rain
Teen FictionAviella Thena is an ordinary woman who lives with her aunt who has a son Caleb Andrew and Amelia Calista, Thena has never known her father and her mother suddenly leaves and they don't know it, Thena's life is quiet but Percy Suárez suddenly arrives...