30

25 2 0
                                    




Aviella Thena








"Thena, Bumaba ka, may Bisita ka"

"Wala akong gana makipag usap"

"You need to talk to her, my sasabihin sya"

"Sino ba kasi yan"

Tinitigan lang ako ni Ali at Umalis. Tangina nag tatanong ako tapos lalayasan ako.

lumabas ako ng kwarto na naka Panjamang kulay Brown.

habang pababa ako ng hagdan nakita ko ang isang pigura ng babaeng presenteng naka upo sa sofa at umiinom ng Juice.

habang papalapit ako nakikilala ko na ang Bisita ko, or BWISITA.


"anong kailangan mo Xandria?" naka taas na kilay kong tanong.

"Yan lang suot mo?"

"Anong gusto mo mag panty at Bra ako"

"so sungit, fine okay na yan, halika na"


"huh? saan tayo pupunta?"


"basta, lahat ng tanong mo Masasagot lahat doon bilisan mo"


sabay hila nito sakin "Bye Po" sabi nito kay Tita Sam kumaway naman si Tita.


kidnap ba ito?


pinasakay nya ako sa Kotse nya.


tahimik kami sa buong byahe ng makarating kami sa isang pamilyan na bahay.


bahay ni Percy. . .


pinatay nito ang makita akmang lalabas na ngunit tinignan naman ako nito.


"Ginagawa mo? labas" sabi nito.


lumabas ako ng kotse at pinag masdan ang bahay, wala parin pinag bago.

may kung anong pinag pipindot si Xandria upang mabuksan ang Gate.


pumasok kami sa loob nito, binuksan nya ang mismong pintuan at agad na bumungad sakin ang mga kagamitan na naka balot ng puting tela.

Pinipigilan kong umiyak dahil dito.

umakyat kami sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Percy.


bago nya buksan ang Pintuan humarap ito sakin. "Huminga ka ng malalim, Kumalma ka okay?" sabi nito. di ko naman gets pinag sasabi nya kaya tumango lang ako.


pagka bukas nya ng pintuan agad kong nakita ang mga tuyot na bulaklak, nasa bouquet pa ito sa sobrang dami akala mo flower shop na napabayaan dahil sa dami, maraming Mga Garapon na may mga sulat sa loob nito.

dahan dahan akong Lumapit sa mga garapon.

"Walang araw na di nag susulat si Percy at nilalagay sa mga garapon na iyan, lahat yan para sayo" sabi ni Xandria.

agad kong binuksan ang garapon at kumuha ng isang papel upang basahin.

feb 2, 2015

sinubukan Kong ayusin pero mas pinili mong tapusin.


agad akong napa iyak ng makita ko ang sulat na iyon. di ko namalayan na kumuha pa ako at pinag babasa iyon.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon