04

24 3 0
                                    

Aviella Thena




"ibuhos nyo na" sabi nitong impaktang ito.

nakikita kong papalapit yung dalawang canvas sa gawi ko pero mahigpit parin ang hawak ng mga lalaking ito.

parang slow motion yung pag lalakad nila. hindi ko maiwas yung tingin ko sa kanila kahit gusto ko yumuko. pero ayaw talaga. nakaka inis. pinapanood ko silang unti-unting papalapit saakin  gusto kong pumikit pero hindi ko magawa.

nagulat nalang ako sa lakas ng kalabog na na mula sa timbang nahulog at natapunan si Xandria, sya halos sumalo ng pinturang kulay Asul. kitang kita ko kung sino ang sumipa nito.

"A-ali"  tanging lumabas sa bunganga ko.

nakita ko syang naka pamulsa sa palda nya habang yung tatlo nasa likuran nya na walang reaction ang mga muka.

tinitigan ko yung tatlo, Yung palaging naka ngiting muka ni Amie at Aeris ay ngayon na wala nang ekspresyon. lumipat ang tingin ko kay Quin, ganon parin naman ekspresyon nya di naman bago ganyan naman tala ekspresyon nya simula kaning umaga. pero nakita kong naka kuyom ang kanyang mga kamo. lahat sila naka tingin sa mga canvas.

kitang kita ko mga reaction ng tatlong canvas at ng mga estudyanteng nanonood.

"nawala lang ako saglit kung ano ano na ginagawa mo Xandria" sabi ni ali habang papalapit sakin.

"let her go" sabi ni Ali sa dalawang lalaking naka hawak sa mga braso ko.

nag tinginan pa yung dalawa na halata sa mga mata nila ang takot.

"huwag nyo syang susundin" sigaw naman nitong Xandria.

sobrang sakit na ng mga braso ko sa higpit ng pag kakahawak nila.

"Don't" biglang lingon ni ali kay Xandria.

"Make" tuloy nito habang unting unting nag lalakad papalapit kay Xandria.

"Me" patuloy na lakad nito, konting lakad nalang magkalapit na sila.

"Mad, Xandria" at tuluyang mag kaharap sila habang naka pamulsa parin si Ali

grabe ang titig ni Ali kay Xandria at  nakita ko ang mga takot sa mga mata ni Xandria at nanginginig na rin sya. yung dalawang canvas naman nasa malayo na.

"f-fine! let her go!" sabi ni Xandria na halatang napipilitan

buti nalang binitawan nila ako pero napaupo naman ako sa sobrang nginig ng mga tuhod ko akala ko maliligo na ako sa pintura. hirap tanggalin non sa uniform kaloka.

"okay ka lang Thena?" nag aalalang tanong ni Amie sakin habang naka tayo sa harap ko, kasama nya si Aeris.

"Come on Ali, bumalik na tayo sa room.  don't waste your time on this nonsense"  sabi ni Quin habang inaawat si Ali kasi konti nalang parang mananapak na si ali kasi naka kuyom yung kamao nya.

unting unting lumayo si ali kay Xandria pero masama parin ang titig nito.

"Halika ka na Thena, May next subject pa"  sabi ni Aeris habang inaalalayan akong tumayo na tinutulungan rin ako ni amie.

tahimik lang kaming naka upo habang nag didiscuss ang subject teacher Samantalang ako ito iniisip na baka may mag sumbong kay kuya caleb dahil sa nangyari. alam kong hindi mag susumbong si ali syempre kakampi ko yan eh. lablab nya kaya ako.



"Lalim ng iniisip mo" tumingala ako at nakita ko si Ali na naka tayo sa harapan ko na naka ngiti. natulala nalang ako dahil di ko alam ano sasabihin ko. iba sya sa Ali na nakita ko kanina.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon