13

19 4 0
                                    

Aviella Thena





"ano?! bakit ako!" sigaw ko dito kay Jacob na kaharap ko ngayon.

nandito kami ni Jacob sa labas ng room dahil hinila nya ako kanina kumakain ako eh.

"eh kasi ikaw nga daw gusto nya" sabi nito habang sumisipsip ng milk tea.

"pota bakit kasi ako eh!" reklamo ko ulit habang kumakain ng shawarma.

"napaalam ko na yon kay Calista, wag mo naman sayangin yung kaba ko habang pinapaalam kita kay Calista" pangongonsensya nito sakin.

"kasi naman eh!" reklamo ko ulit habang nag papadyak ng paa.

"Sige na please, mamatay na si Percy eh" sabi nito sabay kagat sa shawarma... ko?!

sinamaan ko sya ng tingin kasi kinagatan nya shawarma ko.

"ang OA mo lagnat lang naman yon!"

"kahit na sige na please, marami namang pagkain sa baha-" Hindi ko sya pinatapos dahil kinilig ako sa sinabi nyang maraming pag kain kila Percy.

"send address marami palang pag kain doon eh, dali send address bagal nito oh!" sabay tayo ko at nag papagpag ng palda.

"Sige message ko nalang sayo address ng bahay non"

tumango lang ako at bumaba na.

potangina anong trip ni Percy bakit ako gusto nyang alagaan sya aba pota, kapalit ba ito ng binigay nyang libro aba!

dala dala ko yung paper bag ihahampas ko sakanya nakaka inis, ginawa pa akong taga alaga nya kupal na yon.

"Ito ba talaga bahay ng kupal na iyon? ang laki nito ah, sya lang mag isa?"   tanong ko sa sarili ko.  Naka tayo ako sa sobrang laking bahay ni Percy, Hindi! Hindi ito bahay! mansion ito! pota napaka laki!

nag doorbell ako at agad may nag salita sa parang speaker nagulat pa ako.

"sino yan?" narinig kong nag salita pero paos ito.

"ahm... si kamatayan"

"T-thena?" nagulat ako sa boses ni Percy na paos.

"Hindi ah! ako si kamatayan!"

"fuck, come in" sabay bukas ng gate nilang malaki.

ay wow nice hightech naman bahay nito, nag kakatoon kaya ito ng paa tapos lilipat ng pwesto???

"ayoko nga"

"Damn it! pumasok ka na"

"kiss muna". wala sa sarili kong nasabi agad kong natakpan ang bibig ko potangina ano pinag sasabi ko?

"hehe, joke lang ito na papasok na" habang papasok sa Bahay nila hindi ko mapigilan ma mangha ang ganda nito at may nakita pa akong mga kotseng naka park kanina.

tumunog ang phone ko at nakitang nag chat si Percy.

Percy: 2nd floor, sa pinaka dulo ng Hallway ang kwarto ko, I'll kiss you later 😉

tang ina mo joke lang yon!

hindi na sumagot si kumag sineen lang ako! at subukan lang nya gawin yon, sasapakin ko talaga sya tang ina non.

sinunod ko naman agad yung chinat nya. nakarating ako sa isang pintuan na kulay itim kumatok ako dito at natinig kong sinabi ni Percy na pumasok ako kaya pinihit ko ng dahan dahan ang doorknob at dahan dahang sumilip sa kwarto nya.

namangha ako sa kwarto nya.

kahit na medjo madilim ito at naka sarado ang mga bintana ay mahahalata mong napaka ganda nito.

pag lipat ko ng paningin agad na tumambad sakin ang topless na katawan ni Percy naka upo ito sa kama nyang napaka laki.

kitang kita ko ang biceps at ang ganda nyang dib dib, may abs rin sya na sa palagay ko ay anim bakat na bakat ito at may konting pawis pa ang buong katawan nya.

"enjoying the view?" nahimasmasan ako sa biglang pag salita nya habang naka tingin at naka ngisi ng nakakaloko sakin.

"Hindi kaya"

"hmm... Okay?, I'm hungry"

"anong pake ko kung nagugutom ka?"

"ipagluto mo ko"

"aba kapal mo naman ano ako yaya mo?"

"nope, you're my future wife"

"tang ina mo"

"Stop Cursing! and I don't know how to cook, and besides im sick, hindi ka ba naaawa sakin?"

"Hindi"

Nag pout naman itong timang na ito, lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo nya, noong una nagulat pa sya sa pag lapit at sa pag hawak ko ng noo nya, tama mainit nga sya nilalagnat si tanga.

"sige na nga pag luluto na kita, baka mamatay ka pa"

ngumiti ito sakin pero inirapan ko lang sya.

"hoy tukmol naligo ka na ba?"

naka kunot ang noo nitong tumingin sakin.

"not yet" 

"ano pang hinihintay mo? maligo ka na tapos mag bihis ng Panjama at baba na ako ipagluluto kita"

"okay, wife" sabi nito at nala ngisi pa.

"Wife mo muka mo tanginamo" sigaw ko sakanya.

tumawa ito na parang baliw at napapa iling habang papuntang Cr nya.

bumaba naman ako, at muntikan nang di mahanap kusina nya a sobrang laki ng Bahay nya na ito.

tanginang lalaki ito nababaliw na nilalagnat lang kung ano ano pinag sasabi.


"oh ayan kainin mo na" sabay lapag ko ng lugaw na niluto ko.

"hindi mo ba ako susubuan?" nag papa cute pa si kumag.

"ano ka baby?" pag tataray ko dito

"pft, sungit" narinig kong bulong nya.

"narinig ko yon!"

nanetong lalaki ito nandito ako nakau po sa study table nya dahil hinahanap ko yung Cool fever at gamot nya sa lagnat.

"ayan inumin mo yan pag tapos mo kumain" sabay bigay ng gamot nya.

"thankyou, btw what's on the Paper bag?" nginuso nya yung paper bag na malapit sa bag ko.

"oh ayan, pamalit doon sa libro" binato ko yon sakanya

"ouch! you hurt me again! why you always hurting me"

"pinag sasabi mo?"

"tsk, wala"

"bilisan mo kumain, iinom ka pa gamot, uuwi na rin ako, ginawa mo pa akong yaya"


"yung bilin ko wag kakalimutan, wag tanga okay? Salamat sa chocolates sa uulitin hihi"  pag papasalamat ko sa impaktong ito habang chinecheck yung eco bag na puno ng chocolate.

"always welcome, mi amor"

napataas ang kilay ko at tumingin sakanya.

"ha? minumura mo ba ako??"

"o-ofcourse not, U-umuwi ka na, ingat"

sabay sarado nito ng gate aba! kung di lang puno ng chocolate bag ko nako, mabigat pero kakayanin para sa chocolate hehe.




ewan, walang kwentang chapter itey lutang ako hays 😔👍🏻

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon