14

22 4 0
                                    

Aviella Thena


Friday na, ang bilis ng Araw parang kahapon lang ay lunes pa lang tapos ngayon Friday na.

dalawang araw naka lipas pag pag katapos kong alagaan ang kumag na Percy pero back to Normal na kami, nag susungit na kasi sya. sure akong magaling na ang kumag na iyon dahil panay taas ng kilay sakin nito at biglang tatalim yung tingin nya sakin lalo na kapag kasama ko itong isang kumag na ito na si Jacob.

Mag iisang buwan na kaming Mag kakasama dito sa section D at lahat sila kabisado na ang mga ugali at madali lang talaga silang ka vibes, actually hindi ito ang inaasahan ko sa Section D . akala ko mag papatayan kaming lahat dito pero hindi lahat kami nag haharutan, kahit na si Quin na dating napaka tahimik at bugnutin ay ngayon nakikipag bardagulan na kila Aidan, June at Damian.

lalo nang nag kakaroon ng katarantaduhan dito sa section namin kapag mag kakasama sila  Jacob, June, Damian, Aidan, at si Ali.  Oo,  kasama ang pinsan kong bipolar kasi sya lagi pasimuno ng katarantaduhan, pa iba-iba mood nitong pinsan ko, madalas rin na umabsent kapag nag tatanong naman ako rito sasabihin nya masama pakiramdam, pag kay tita or kay kuya Caleb ako nag tatanong ganon din sinasabi.

nababahala na ako baka may sakit na pala ang pinsan ko at malala ito baka ayaw nya ipaalam sakin, baka magulat nalang ako pag uwi ko dito sa bahay naka ratay na pala sa kabaong ang pinsan ko. ayoko! ayokong makita syang naka ratay sa kabaong, mahal ko ang pinsan ko sya ang naging Ate ko noong mga bata kami lagi syang to the rescue sakin. napapangiti nalang ako kapag naalala ko yon, kaya ayoko syang mawala.

katulad ngayon, friday na friday absent sya nag aalala tuloy ako, 50 / 50 tuloy ang nararamdaman ko ngayon, 50% na gusto nang umuwi dahil gusto kong malaman kung okay lang pinsan ko. 50% na ayokong umuwi, kasi baka mamaya pag uwi ko kabaong nalang nya ang sumalubong sakin, huhu ayoko non!

Pati tuloy sila Quin, Amie, at Aeris ay Absent rin, nag chat sila sa gc na hindi sila makakapasok dahil may emergency daw, hindi rin sana ako papasok pero si kuya Caleb ang kulit pinapasok ako, pero okay lang nandito naman itong mga kumag na ito lagi akong natayawa sa katangahan nila.

lalo ko silang nakikilala dahil nag chi-chismisan kaming lahat tapos nag k-kwento sila sakin kaya lagi akong nalilibang, pero kahit ganon nag aalala pa rin ako sa apat, nakaka ilang absent na sila at napapansin ko kung aabsent yung isa sakanila pati yung tatlo aabsent rin, nakaka tampo na ha konti nalang iisipin kong ayaw nila sakin.


Mag isa nanaman akong papauwi, maaga panaman kaya okay lang naman pero mas maganda pag si Ali ang kasabay ko. pero masama pakiramdam nya bawal ko sya pilitin, bawal akong maging makasarili, sana gumaling agad sya, miss ko na ang pinsan ko.

Hindi pa ako nakakalayo sa school ng may naaninag akong mga kalalakihan na may binubugbog sa isang madilim at makipot ma eskinita, mabilis akong nag pidal papalapit roon dahil nakita ko kung sino ang binubugbog ng mga lalaki.

"MIGUEL!" sigaw ko para matuon ang atensyon nila saakin.

limang lalaking nang bubogbog kay Miguel at wala itong kalaban laban dahil mas malalaki ang mga lalaking ito kesa sakanya, anong laban ng isang bata sa kanila.

"Tigilan nyo sya! ako ang Harapin nyo!"
pag hahamon ko sa limang lalaking mukang  tae ng kalabaw

tumawa lang sila ng napaka lakas na akala mo may joke sa sinabi ko, muka ba akong clown para pagtawanan nila??

"T-thena u-umalis k-kana S-saktan k-ka n-nil-"

"manahimik ka Jan Miguel, Dami mong hanash wala ka namang palag" pag puputol ko sa sinabi ni Miguel.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon