Aviella Thena
"maam thena bumaba ka na daw po sabi ng tita nyo"
rinig kong tawag sakin ng maid nila tita. napa dilat ako ng di oras at napabangon.
"sige po, salamat" sagot ko para alam nya na gising na ako
napaka gulo ng buhok ko na akala mo nest ng ibon
takteng yan ibon nalang kulang
napatingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko at nagulat ako takte
paanong gulat?
5:30 na. well 7:30 pasok namin pero kailangan maaga dahil sasabay ako sa pinsan kong scary kaya tumakbo ako papuntang banyo para maligo
muntik pa ako madulas, shunga ampota
pero mas nauna yung pag tulala ko at nakipag titigan pa sa tiles. may sarili kasing CR ang kwarto ko kaya di ko na kailangan bumaba para mag CR. pwede na ako mag concert dito walang makaka tinig sakin hihi.
after 100 years natapos din ako at nag bihis agad ng school uniform namin medjo mahaba naman yung palda pwede ako bumukaka nito. color black palda namin tapos blouse na puti tapos necktie na itim na may apat na stripes na kulay puti ang ibig sabihin daw non gr 10 kaya apat stripes.
bumaba ako at nakita ko si tita Sam at isa nilang maid na busy mag luto. at ayon ang pinsan kong may ginagawa sa laptop nya. gagi ang layo ko palang sakanya ang bigat na agad ng aura nya.
dahan dahan akong lumapit sa lamesa at umupo habang hinihintay ko matapos sila tita biglang nag salita si kuya Caleb
"don't you dare make any troubles again Thena" sabi nito habang nag pipindot sa laptop nya with inom inom ng kape
"o-opo kuya" walang ganang sagot ko dito
tumingin sya sakin at siningkitan ako ng mata na para bang nag sasabi ng 'siguraduhin mo lang at malilintikan ka sakin' gagi yung mga tingin nya parang binubura na nya ako sa mundo katakot mga tinginan ni kuya
sundutin ko yan, charot
"You're lucky because I know the principal and will be your teacher; they agreed to let you in even if it's second Quarter." dagdag nito sabay balik sa ginagawa nya
"Caleb, stop that. ang aga aga, Thena ito kumain ka ng madami para may energy ka sa school" naka ngiting sabi ni tita sam sakin habang nag lalagay ng Fried rice sa plato ko
"energy sa school? tsk baka sa pakikipag away kamo" dagdag naman ni kuya Caleb
naknangputcha di talaga sya titigil oh tita Paluin mo nga kulit eh
"CALEB!" sabi ni tita na may halong pag babanta
yan buti nga tama tita pagalitan mo yan
"buti naman nagising ka na at naka bihis ka na Calista" sabi ni tita sa pinsan ko. kapatid ni kuya Caleb
ngumiti sya sakin "good morning Thena!" masiglang bati nya sakin sabay subo ng hotdog
"morning din" sabay ngiti ko sakanya
"morning lang? walang good?" sabi nya natawa nalang sakanya si tita
at tinuloy na namin ang oagkain ng umagahan.
ahihi kaya ako lumipat dito sa manila kasi ang dami ko nang kaso sa probinsya. sa dati kong school. hindi na ako kaya ni mama kaya ayon kinuha na ako ni tita at dinala dito naniniwala si tita na magiging maayos ako sa pudar nya lalo nang nandito si kuya caleb.
Ganda ni Tita Sam di mo aakalaing may anak dahil muka syang bata. ganda ng hubog ng katawan parehas sila ni mama. daming nag sasabi na parang kapatid ko lang nanay ko. minsan din sabi nila mas muka pa daw akong nanay kesa kay mama. ediwow kaya lagi akong nakikipag sagutan sa mga marites sa probinsya eh sarap nila idikit sa mga bahay nila
si kuya Caleb naman Pogi sya, matangkad, maputi, maganda din katawan halatang alagang gym at mabango masungit nga lang. sya din nag aasikaso ng company nila ano ba tawag doon? hmm... yung CEO! CEO sya sa company nila i think nasa 20 something na sya.
si Calista parehas kami ng school na papasukan. parehas kaming 17 at mabait sya, maganda, matalino at maputi din pero kinulayan nya buhok nya ng dark green buti nalang di sya kinalbo ni kuya caleb pero ang ganda naman sakanya wag lang sya mag susuot ng damit na color yellow at buti nalang di sya tulad ng kuya nya at buti nalang din classmate ko rin sya kaya kahit wala akong makasundong classmate nanjaan naman si Ali kaya okay na yan, kaya Ali tawag ko kay Calista Kasi yin ang gustong itawag sakanya bakit ba ha ano ano ha ano! cute naman eh.
tapos nag chika si tita sakin na yung school na pag aaralan ko doon daw nag school si kuya kaya pala kilala nya yung principal eh.
siguro alagang gauidance si kuya kasi sabi ni tita lagi daw napapa away yang si kuya noong highschool sya
oh kita mo na ikaw din pala eh
habang nandito ako sa pudar nila tita kailangan ko mag Tino. bawal ako manapak hays patay ako kay kuya baka mawalan ako ng kilay
ayoko mawalan ng kilay mag mumuka akong kalbo!!!
agad kaming natapos kumain at nag paalam na kay tita Sam. Agad kaming sumakay sa kotse ni kuya, nasa backseat kami parehas ni ali at nag dadaldalan madaldal kasi itong si Ali
sumakay na din si kuya Caleb at pinaandar ang kotse. habang umaanadar kami di ko maiwasang kabahan. bagong muka bagong kaaway charot.
![](https://img.wattpad.com/cover/334726000-288-k121945.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
Teen FictionAviella Thena is an ordinary woman who lives with her aunt who has a son Caleb Andrew and Amelia Calista, Thena has never known her father and her mother suddenly leaves and they don't know it, Thena's life is quiet but Percy Suárez suddenly arrives...