Hue #1

9.6K 133 39
                                    

Hue #1

Naia's POV

"Pupunta ba ang Kuya Nic mo sa exhibit?"

I heard that countless times today and certainly not the first time. I was used to it pero minsan nakakarindi na rin pakinggan lalo na at halata mo na ang ibang 'artsy kuno' ay gusto lang naman makita ang Kuya ko kaya bumibili sila ng ticket para sa art exhibit namin.

May advantage naman na maging kapatid ni Kuya Cyx—Nic to those not family members. Mataas lagi ang sale namin at nakakapag-fundraising kami dahil sa maraming bumibili ng ticket, basta sabihin ko lang na pupunta si Kuya Cyx kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.

"Yes, pupunta siya!" It was a lie.

Paano ko mapapunta si Kuya Cyx sa exhibit ko kung kulang na lang ay kainin niya ang libro niya? Saka nasa Dumaguete siya ngayon, sa hometown namin, doon niya kasi tinuloy ang law school. Ewan ko ba, pasok naman siya sa Harvard Law School pero mas pinili pa rin niya sa probinsya namin.

"Weh? Talaga ba?" sabi nitong bumibili ng ticket.

Hindi pa niya binabayaran dahil sinisiguro niya na pupunta si Kuya Cyx. Ilang beses na kasi silang na-scam. Highschool pa lang ay sinasabi ko na pupunta siya pero hindi naman—at the end ang daming galit sa akin na mga babae pero ewan ko ba kung bakit bumibili pa rin sila ng ticket kahit na alam nilang nagsisinungaling lang ako.

"Oo, promise! Pupunta 'yon kasi graduation ko na rin naman!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang pangako. Mapupunta talaga ako sa impyerno dahil sa kasinungalingan ko.

"Okay, fine." Humalukipkip itong maarteng babae. Hibla pa lang ng buhok nito ay alam ko na hindi na siya magugustuhan ni Kuya Cyx kaya huwag siyang entitled—pero oo nga pala customer siya. "Kapag hindi pumunta si Nic ay ibabalik mo ang bayad. We need to make a deal."

I pursed my lips. Wala naman sigurong mawawala kung mag-oo ako? Pwede naman akong magdahilan na may malalang sakit si Kuya Cyx kaya hindi siya makakapunta?

"Sure..." Mabilis na sabi ko. "Huwag kang mag-alala. Pipilitin ko na talaga si Kuya na magpunta. Alam mo naman na masyado siyang busy."

"Hmm..." Tumango siya. "Kapag hindi siya pumunta, ireto mo na lang ako sa kanya."

"Huh?" Napataas agad ako ng kilay. "Reto agad?"

Napakamot ako sa ulo ko. Shit talaga! Mapapatay ako ni Kuya Cyx, baka nakagat na niya ang dila niya dahil kanina pa namin siya pinag-uusapan.

"You know, I am famous, right?" She grinned. "I'm Wilhemina Eustaquio."

Hindi ko trip ang first name niya pero sige—doon tayo sa last name dahil powerful, kamag-anak ba naman ng presidente ng bansa. Anong laban ko?

"Yes, oo naman!" Tumango-tango ako, medyo hindi ko talaga bagay na maging plastik na tao. Kung hindi ko lang talaga kailangan na makabenta ng maraming ticket ay hindi ko ito gagawin.

"Good. I will help you sell your tickets para ma-sold out. In return, dapat pumunta ang Kuya Nic mo. If not—then..." She flipped her hair. "You'll arrange a blind date for us. The rest ako na ang bahala. Rest assured, I'll be your sister-in-law soon." Maarteng kinuha niya sa akin ang ticket saka umalis na.

"Eww....gross...sister-in-law?" Napaubo ako at hindi ko talaga siya kinaya. Pakiramdam ko ay susuka ako nang wala sa oras.

Over my dead body! Kahit kamag-anak pa niya ang presidente ng bansang ito—no way! Saka, hindi siya papasa kay Kuya. I mean, maganda naman siya—pero hello? Sa taas ng standard ng Kuya Cyx ko? Kahit nga presidente ng Pilipinas hindi pasok sa standard niya tapos magiging jowa pa niya 'yon? Hindi naman matalino!

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon