Hue #16

2.3K 86 5
                                    

Hue #16

Naia's POV

Limang paintings ang natapos ko sa isang araw. Grabe! Napakaproductive ko pero ang sakit ng batok at ng likod ko. Nakahiga na lang ako roon sa sahig tapos naliligo sa pintura. Ipinikit ko na ang mga mata para umidlip dahil naalala ko na wala pala akong karapatan na magsaya dahil sampung paintings ang kailangan ko na gawin in 24 hours.

Isa na akong alipin ng sining. But it's okay, para naman ito sa future namin ni Treston kaya kailangan ko ring magsipag dahil napakasipag niya. Hindi pwedeng tagakain lang ako ng pagkain namin sa bahay.

Nakukuha ko na ang tulog ko noon ng maramdaman ko na may tumalsik sa pisngi ko. Pagdilat ko, Ellia and Dom were playing paints.

"Holy!" Agad ako ng bumangon dahil may gamit pa silang baril tapos bago pa ako makapagsalita ulit ay binaril na nila ako tapos tumakbo sila palabas ng art room. Sumunod naman si Migo at Sasha.

"Napakadaya niyo!" Tumakbo na ako palabas tapos ayon...nagbabarilan lang naman sila ng pintura. Syempre, hindi ako papatalo kaya naghanap din ako ng baril ko. Nakalabas na roon sa gilid ang box para sa mga gamit.

May playroom itong org building namin tapos madalas ay paintball ang nilalaro namin. Nawala nga agad ang antok ko lalo ng sumugod na sila tapos nagtakbuhan na kami roon.

"Aaaaah! Migo..." sigaw ni Ellia habang umiikot. "Bakit ang daya mo? Lagi na lang ako!"

"Don't worry, Ellia. I am going to save you!" sabi ko, ala-superhero tapos itong si Dom akala mo naman ay James Bond siya. Binatukan ko nga tapos binaril naman ako.

"Sige, maglaro pa kayo..." Narinig ko na sabi ni Owen doon sa gilid habang nakapamulsa. "May dala akong pagkain—oh, damn! Naia!" sumigaw siya dahil binaril ko ng pintura ang puting-puting damit niya.

Tumakbo na agad ako para magtago kasi alam ko na gaganti siya. Hindi nga ako nagkamali. Nagtagu-taguan lang kami. Tapos kung ano anong pagtatakbo ang ginawa namin hanggang sa mapagod na kaming lahat. Nakahiga na lang kami sa lapag tapos itong si Migo naman ay kumukuha ng picture.

"Ang haggard ko na. Huwag ako..." Pinaalis ni Ellia si Migo tapos tinatakpan ang mukha niya.

"Wow, Ellia. Kung haggard ka, ano pa kami?" sabi ni Sasha. "Grabe...ang ganda mo pa rin. Anyway, tinanggap mo ba ang offer nong magazine na maging model ka nila? Mukhang maganda ang offer?"

"Ah, hindi. Ayaw ni Seb," sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "So, Seb ba ang magpopose sa magazine?"

"Hindi naman. Saka ayoko rin naman, no," sabi ni Ellia. "I am not fit for that. Ang panget ko kaya."

Inirapan ko siya. Syempre, sesermunan ko na naman siya kasi naiinis ako kapag dina-down niya ang sarili niya samantalang ang ganda ganda niya tapos ang talino niya. Panira lang talaga ang law student niyang boyfriend na akala mo ay gumawa ng batas. E, mas matalino si Kuya Cyx doon.

Pagkatapos ko awayin si Ellia ay naligo na kami tapos naghanda para sa second-round ng painting namin. Ang mga ginagawa naming artwork ay para sa Art for a Cause. Ginagawa namin ito isang beses sa isang buwan tapos ang nalikom na pera ay ibibigay namin sa mga foundation tapos ang iba ay para naman sa pondo ng org namin.

May mga sponsors kami pero syempre, hindi naman ganun tinatangkilik ang art kaya kailangan pa rin namin na gumawa ng mga programa para madagdagan ang pondo namin.

I checked my watch. It's already 6 in the evening. Uwian na ni Treston kaya tinext ko na siya. Kinilig ako pagkabasa ng pangalan niya sa contacts ko. Siya lang naman ang katext ko kasi hindi siya mahilig sa social media...maliban sa Youtube Channel niya na nilalangaw na.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon