Hue #10

2.3K 66 2
                                    

Hue #10

Naia's POV

I think I'm going to die—well, not literally. But I am going to die of exhaustion and stress. Or I think it's just the same. Pero hindi naman siguro ako agad agad mamamatay, maybe I'll pass out and wake up with Treston taking care of me.

How nice would it be? Grabe siguro ang kilig ko...only that nakahiga ako sa lapag ngayon katabi ang mga art materials. Naliligo sa mga pintura at ayon—ngalay na ngalay na ang kamay ko.

Paano kung magpanggap na lang ako na nahimatay? Pero dapat sa harapan ni Treston para mayakap ko siya. Kaso paano ko naman gagawin 'yon? I'm stuck with my org mates!

"Naia, we have to paint the other side of the wall," tawag sa akin ni Migo. "15 minutes break is already done."

"Ayoko na..." sabi ko pero bumangon pa rin ako.

Tiningnan ko ang orasan ko. Alas-onse na ng gabi pero wala pa kami sa kalahati ng dapat na matapos. Alas-syete pa naman ng umaga ang presentation namin nitong art gallery slash art exhibit sa mga investors na pabago-bago ang desisyon sa buhay.

Ang unang sabi ay next month ang presentation namin tapos biglang bukas na. Sinabi lang nila kahapon kaya eto kami buong araw na tinatapos ang mga dapat sana ay pang isang buwan na plano.

Nakakastress! Imbes na nilalandi ko si Treston ngayon. De bale, magpapamiss muna ako sa kanya ng ilang araw.

"I am so tired!"

Nagrereklamo na ako roon pero gagawin ko pa rin naman. Gusto ko lang talaga magreklamo at i-bash ang mga desisyon nitong org namin at ng investors but we have to win them.

"Naia, tinatamad ka na naman." Si Ellia na maganda pa rin kahit na sobrang haggard na samantalang mukha na akong basahan.

May dala siyang coffee tapos inabot niya sa akin at kay Migo. May hawak na rin na kape ang mga kasama namin sa org kaya baka dinala ni Seb. May kwenta naman si Seb minsan, pero madalas ay gago siya.

"Hindi ka pa ba pagod?" tanong ko sa kanya. I want her to open up in her will kaso kinikimkim niya talaga ang lahat.

"Pagod na," sagot niya. Ngumiti siya. "But we need to finish this. Dali na! Tara na. Hindi mo pa tapos ang nude painting mo, right?"

"Ah, right!" Naalala ko na naman 'yon. "Manonood na lang yata ako ng porn para matapos ko."

Tumawa si Ellia pero hindi abot sa mata. "Sira. Ubusin mo na ang kape kasi magagalit na naman yan si Owen. Sige ka, hindi mo makikita si Treston."

I pouted. "Thanks for reminding me. Miss ko na siya. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita."

"Guys, sobra na sa 15 minutes. Tara na!" Dom said, clapping his hands. Tinulungan niya tumayo ang mga nakahiga na.

"Wait, wait. I'll call Treston," paalam ko tapos kinuha ko ang phone ko. Tinawag pa ako ni Ellia pero tumakbo na ako sa labas ng building.

Natuyo na ang pintura sa katawan ko kaya hindi na ito dumikit sa phone. Hala, nakita ko na naman ang picture ni Treston kaya nawala na ang stress ko.

I dialled his number. Sakto, ganitong oras siya nasa refreshment area para mag-aral.

Ilang ring na pero wala pa rin, hindi pa rin niya sinasagot. Hindi naman nakakapagtaka dahil hindi naman niya talaga sinasagot ang tawag ko, kahit ang text ko.

But I was hoping he would...gusto ko lang talaga na marinig ang boses niya o di kaya ay makinig siya sa rant ko. Just that, wala naman siyang kailangan na gawin.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon