Hue #8
Naia's POV
I had told my family about Treston's mother and me joining organ donor organizations. They were very supportive and also signed up. Si Kuya Cyx naman ay tinawagan ang mga kilala niya sa States kung sakali tapos syempre si Kuya Prix ang tumitingin sa future mother-in-law ko. Sabi naman nina Mommy at Daddy ay willing sila na tumulong kung sakali.
I didn't tell Treston about it. Ayoko rin na baka isipin niya na ginagamit ko ang Mama niya tapos pinapangunahan ko siya Saka, wala pa namang heart donor kaya wala rin.
"Nandito ka na naman," bungad ni Ate Ceej, hindi tumingin sa akin pero alam na niya siguro dahil sa amoy ng pagkain.
Isang linggo na rin ako na dumadalaw tuwing alas-singko ng umaga tapos alas-otso ng gabi kasi 'yon lang naman ang free time ko. Sasakalin ako ng mga Kuya ko kapag nalaman nila na puro landi na lang ako—ang dami ko pang project na kailangang tapusin.
"Nasa operating room si Tres. Siya na nag-scrub in." Hindi siya tumingin sa akin kasi busy siya sa mga papel doon.
I think hindi siya masyadong toxic kasi puro papel ang trabaho nila. Minsan daw ay nags-scrub in sila tapos minsan ay sa emergency. Buti nga, e, kasi isusumbong ko talaga kay Tito ang nagpapahirap sa baby ko.
"It's okay. Iiwanan ko lang naman itong pagkain tapos pwede pakibigay na rin ito sa future mother-in-law ko?" sabi ko.
Umangat saglit ang tingin ni Ate Ceej saka nagsulat ulit. "Bakit uutusan mo pa ako? Mas matanda ako sayo."
"E, sige na. Ayoko magbigay kasi baka magalit si Treston. Syempre, hindi pa niya pinapakilala ang Mama niya sa akin. Sige na...dinalhan kita ng maraming peanut butter."
"Talaga? Bakit hindi mo naman sinabi agad?" Agad niyang kinuha ang peanut butter na nilabas ko. "Sige, sasabihin ko."
"Kinakain ba ni Tres ang niluluto ko?"
"Oo."
"Talaga? Oh, my gosh! Hala! Kinikilig ako! Send me a picture! I will follow you in IG. Accept me!" excited na sabi ko sa kanya kasi akala ko hindi kinakain ni Tres.
"Huwag ka nga lang assuming kasi kinakain niya naman lahat ng pagkain na binibigay sa kanya. Ayaw niya kasi na nasasayang ang pagkain, okay? So, hangga't wala siyang sinasabi—huwag aasa."
Ngumuso ako. "Panira ka naman ng moment. Bagay talaga kayo na maging magkaibigan LANG kasi kami ang bagay sa isa't-isa. Pwede ka naman na magkunwari para kiligin ako."
"Bakit ko gagawin 'yon?" Umismid siya habang kinakain ang peanut butter. "Anyway, salamat dito. Maglakad-lakad ka na lang dyan malay mo makasalubong mo si Tres."
Gagawin ko na sana kaso paglingon ko ay paparating na si Treston. Lumawak ang ngiti ko tapos inayos ko ang sarili ko.
Hala, ang baho ko yata dahil sa usok. Nag motorbike na naman kasi ako, ayoko talaga ng traffic.
"Good morning, baby." Masiglang bati ko sa kanya. "Kumain ka na ba? Tara, pwede mo na akong kainin—I mean, ang dala ko." I created a witch laugh.
Dedma. Ugh! Naiinis ako. Gusto ko na lang sabunutan si Treston pero kaya ko ito. Walang bagay na worth it ang hindi pinaghihirapan. I can do this!
"Ah, by the way..." Nilabas ko mula sa maliit na bag ko ang lahat ng upcoming exhibit namin.
Mga 20 exhibits din 'yon sa loob ng tatlong buwan. Sobrang dami. Nakakaiyak! Parang gusto ko na lang maging pusa tapos si Treston ang mag-aalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
RomanceHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...