Hue #20

2.4K 62 1
                                    

Hue #20

Naia's POV

I spent the New Year in London sleeping on canvas, covering myself with paint, and trying to find inspiration   in everything I see.

It's the first time I didn't spent it at home with my family. Hindi rin nila ako pinilit na umuwi dahil gusto ni Daddy na mag reflect daw ako sa mga ginawa ko buong taon—specifically how rude I was to Treston and how I didn't respect his decisions kung para naman daw ito sa ikabubuti ko.

Mabuti nga raw ay may lalaking katulad ni Treston, na hindi raw selfish. Kaya nga! I argued to Dad na isa lang si Treston so I didn't want to let him go.

Syempre, natalo ako. Ano bang laban ko kay Daddy? Mamaya hindi niya ako bilhan ng motorbike rito sa London. Gusto ko pa naman na lumabas labas at gumala para hindi ko masyadong maisip si Treston.

"Hays." I deeply sighed.

Nakahiga pa rin ako sa lapag dito sa loob ng art room ko. Naliligo sa pintura. Tapos ko na ang mga paintings ko para sa presentation bukas. Ginagawa ko na lang ang sculpture ko at kailangan ko na nga talaga itong tapusin.

Bumangon na ako. It was a wrong move. Unang nakita ko ang painting ko ng mukha ni Treston at ng Mama niya. It was supposed to be my birthday gift to him last year, December 8, but it didn't happen.

I didn't greet him, either. I guess...that's how it is.

Paglabas ko, Migo was already cooking food in the kitchen habang si Sasha naman ay nagssketch sa notebook niya.

"Naia. Maligo ka na muna. Don't touch the food with your dirty hand," saway niya dahil kumukuha na ako sa fries na niluluto niya.

"Eh, ako lang din naman kakain. Okay lang yan," sabi ko tapos kumuha ako ng juice sa ref.

"Nga pala, about sa heart donor na sinabi mo. May patient daw sa ospital kung saan nag wowork ang pinsan ko. He signed up DNR at mukhang malapit na raw magexpire. Tinatanong ng pinsan ko kung willing ba ang pamilya nila na nag donate ng puso. They also need large amount of money."

I raised my brow. "Isn't that illegal?"

"I don't know," Sasha shrugged. "Ask your lawyer brother."

Agad ko naman na minessage si Kuya Cyx tungkol sa organ donation. Ang bilis mag reply pero nakakainis talaga siya. Hindi nga niya ako binatukan dahil sa mga desisyon ko pero inaaway niya ako.

"Great. He sent me the full text of RA 7170. Ang galing. Babasahin ko pa," umismid ako tapos tumawa si Sasha.

"I hate him. Kaya nga siya nag-aral ng abogasya para tulungan ako!"

"He's punishing you. Ikaw ba naman kasi...namuro ka na kay Treston," sabi ni Sasha.

I pouted. "Oo na. Alam ko naman. Hindi ko na nga kinukulit."

"If ever, papayag ba si Treston? Pwede namang palabasin na dinonate ang organ kung sakali tapos bayaran na lang," Migo responded. "Treston is a future doctor. Selling or buying internal organ is illegal. The patient didn't sign up for an organ donation tapos may money involve pa."

I sighed. "For sure, hindi nga papayag si Treston."

"Then, he needs to wait for a heart donor that would match his mother."

Nanalangin na lang ako na sana may heart donor na para kay Tita Trisha. Alam ko na sobrang nahihirapan na si Treston. Sabi ni Kuya Prix ay palala ng palala ang Mama niya tapos parang hindi na kinakaya ng gamot.

I might not be there but I still want to help in any ways I could...kahit na hindi na malaman ni Treston. Pambawi ko sa stress na binigay ko sa kanya.

For now, I would just continue with my art. After all, it's what I really wanted before meeting Treston.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon