Hue #11
Naia's POV
Exactly a month had passed since I started courting Treston—not exactly courting since I just bothered him.
Pareho pa rin naman ang mga ginagawa ko. Pinagluluto ko siya ng breakfast tapos dinner, pati na rin ang Mama niya. Kapag may extra time ako ay pupunta ako sa university nila para dalhan siya ng lunch, minsan sinasama ako ni Ate Ceej sa kinakainan nila na tapsihan tapos kami na lang dalawa ang mag-uusap. Ang sarap nga ng bacsilog malapit sa university nila, bukod kay Treston ay binabalik ko 'yon.
Niyaya ko pa rin siya sa mga exhibit pero narealize ko na masyado nga siyang busy. Tuwing weekends kasi ay may part-time job siya sa small clinic. Bukod sa mag-aral, ang hobby niya lang ay magpakain ng pusa sa kung saan-saan. Tama nga si Ate Ceej dahil puro cat food ang laman ng bag niya.
Wala rin siyang bagong upload sa Youtube Channel kaya mukhang busy siya. Sana gumawa na siya—I think he's also getting something from Youtube, malaking tulong din sa Mama niya.
Treston didn't say a thing about what I was doing but I think it's already implied that he was allowing me to bother him. If not, bakit hahayaan niya ako na umupo sa tabi niya habang nag-aaral siya? Or was he being nice?
Sumipsip ako sa straw ng cold coffee latte ng Starbucks. It's Treston's favorite coffee. Gusto kong malaman kung bakit gustong-gusto niya ito kahit na pakiramdam ko ay mas masarap ako.
For me, 7/10. Syempre, bias ako kasi gusto ko ang kape ni Ate Asha sa Brewed Yesterday, support local! Dadalhan ko nga si Treston no'n.
"Don't you have something to do?"
"Ay!" Napakislot ako sa boses niya, muntik ko pa maibuga ang nasa loob ng bibig ko.
Kanina pa kami nandito pero ngayon lang siya nagsalita kaya bigla akong nagpanic. Napaubo pa ako ng wala sa oras.
"A-ah, wala. Huwag mo na ako pansinin. Sige na...mag-aral ka na!" Winagayway ko kamay ko tapos sumenyas na ibalik niya ang tingin sa libro. "Kunwari non-existent ako."
Tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay. "It's already 12 midnight. Hindi ka ba matutulog?"
Alam ko naman na ganyan ang tono ng boses niya sa lahat pero kinikilig pa rin ako kasi concern siya sa akin. Sana sa susunod ay as girlfriend na. I cannot wait for it to happen!
"Hmm. Ikaw ba, hindi ka matutulog? May klase ka pa mamayang umaga, 'di ba?"
Mas concern ako sa kanya dahil lagi na lang siyang puyat. Gusto ko sana siyang tulungan sa Mama niya kasi ayon naman ang dahilan kung bakit kailangan niya ng extra work, willing naman ang Daddy ko na magbigay pero syempre—alam ko na wala ako sa posisyon para gawin ang bagay na 'yon.
"No. I have to finish this." Pinakita niya sa akin ang makapal na notes niya.
May mga natapos na rin naman siya kanina, buti nga at walang emergency kaya nakakapag-aral sila.
I pulled some strings, though. Sinabi ko kay Tito na payagan lahat ng mga volunteer nurses especially mga medical students na mag-aral basta walang emergency at nagagawa naman nila ang trabaho nila.
"Uwi ka na. Baka makita ka ni Doc. Cyp at pagalitan ka." Binalik na ulit niya ang tingin niya sa libro tapos nagsulat. Ang ganda at linis nito kumpara sa ibang sulat ng doktor lalo na kay Kuya Prix.
Napansin ko ulit ang crochet bracelet niya pati na rin ang crochet pen case. May mga ilang gamit pa siya na crochet at mukhang paborito niya ang gray at white kasi ganoon ang shade ng gamit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/334731957-288-k16137.jpg)
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
RomanceHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...