Hue #9
Naia's POV
"Gago talaga ni Seb! Nakakainis!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto ko na magwala habang nasa ospital kami. Kung wala siguro si Dom at Owen ay baka nasapak ko na si Seb sa sobrang inis ko. Lagi na lang talaga. Kung ayaw na niya kay Ellia ay hiwalayan na niya, hindi iyong wala siyang pakialam.
"Calm down, Naia," pigil ni Owen sa akin dahil papasukin ko na talaga si Seb sa loob ng kwarto ni Ellia. "Wala rin namang magagawa kung susugurin mo siya."
Nandito kami sa labas. Medyo hysterical na ako kaya nakatingin na ang mga tao sa akin, pero bakit ba? Hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko at ni Ellia.
"No. Ellia is my friend and she was trying to kill herself again! Kung hindi pa namin nakita ni Dom ay baka wala na siya!"
I was crying at the same panicking. Sobrang alala na ako kay Ellia. Hindi ko na alam kung sisihin ko ba ang nanay niya o si Seb. Basta lahat sila. Kung pwede lang na ampunin ng magulang ko si Ellia ay matagal na nilang ginawa.
"Dom, please. Azenia is her best friend. Sabihin mo naman sa kanya na magpatherapy na si Ellia. Baka makinig sa kanya kasi ayaw niyang makinig sa atin."
"I'll try my best pero alam mo naman na ayaw ni Ellia. Ang tagal na natin siyang pinipilit."
I closed my fist. Nanggigigil talaga ako ng wala sa oras. Parang gusto kong manapak na ewan. Umalis na nga ako sa labas ng kwarto ni Ellia dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Pumunta ako sa may refreshment area. Padabog na umupo.
"Naia, drink water. Kakausapin ko na lang si Seb baka mapilit niya na magpatherapy si Ellia." Inabot sa akin ni Owen ang tubig. "Dito ka na muna. Pupuntahan lang namin siya ni Dom."
Hindi ako sumagot. Ininom ko na lang ang tubig baka sakaling kumalma ako. Sa sobrang hindi ko alam kung saan ibubuhos ang galit ko ay diniin ko na lang ang kuko ko sa palad ko hanggang sa maramdaman ko na ang hapdi.
Naiinis pa rin ako. Alam ko overreacting pero kaibigan ko si Ellia at ilang beses ko na siyang nakita na nagtangkang patayin ang sarili niya. Hays.
Ayaw pa rin mawala ng inis ko kaya pinagdiskitahan ko ang halaman doon sa gilid hanggang sa mapagtanto ko na kawawa naman siya.
"Hays, sorry. De bale, didiligan na kita simula bukas." Mukhang tanga na sabi ko roon.
Naiinis pa rin talaga ako kaya kinuha ko na ang phone ko tapos tinawagan si Daddy. Sumagot naman siya agad. Medyo mahangin pa sa background kaya baka nasa plantation siya.
"Daddy!" bungad ko.
"Yes, love? Do you need something? Gusto mo na ba makita ang private island na binili namin para sayo?" Malambing na tono ni Daddy.
"Wow, really, Daddy?" Hindi na ako masyadong nainis nang malaman 'yon lalo na at matagal ko nang sinasabi sa kanila na gusto ko ng private island.
"It's our advance graduation gift. Kelan ka ba uuwi at ang Kuya Prix mo? We will prepare for the both of you."
"Aww, Dad. Sorry, baka hindi ako makauwi because of Ellia." I started mentioning to him what happened to Ellia.
Madalas kapag gusto ko na mag-rant ay tatawagan ko lang siya o hindi kaya si Mommy. Minsan si Kuya Cyx pero makikinig lang naman siya tapos babarahin ako. Si Kuya Prix naman ay halos alam niya lahat dahil pareho naman kaming nandito sa Manila.
"It's okay. Alagaan mo na muna si Ellia. Kapag may kailangan kayo ay magsabi ka lang."
"Dad, I want a car!" Naalala na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
Lãng mạnHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...