Hue #18

5.4K 131 15
                                    

Hue #18

Naia's POV

Isa na akong dakilang tambay at palamunin sa bahay namin. Congratulations to me! Finally! Naiiyak ako sa sobrang saya kasi may diploma na ako. Pero hindi naman natatapos doon dahil sunod-sunod naman na exhibit ang kailangan namin na gawin para sa org. Mas focus na ako ngayon dahil wala pa akong trabaho. Balak ko na maging housewife na lang ako ni Treston.

"Guys, picture tayo!" sigaw ni Migo nang makapunta na kami sa harapan ng stage.

Nandito kami ngayon sa convention center kung saan ginanap ang graduation. Katatapos lang nito kaya ngayon ay kumukuha ng kami ng picture. Kasama ko ang buong pamilya ko maliban kay Treston dahil busy siya sa work niya tapos sinamahan niya ang Mama niya kasi mukhang inaatake ito.

"1...2...3! Cheese!" sigaw namin tapos sumunod naman ay jump shot. Inubos namin ang kalahating oras para kumuha ng picture at ibandera ang paghihirap namin ng apat na taon.

Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming pamilya para umuwi na.

"Are you sure? Sama ka na lang sa amin kumain?" Yaya ko kay Ellia kasi hindi pumunta ang Mama niya sa graduation kahit na siya ang Batch Valedictorian namin at Summa Cumlaude. Ang Papa naman niya ay busy rin sa trabaho.

Nakita ko si Seb na pumunta pero hindi ko talaga siya feel. Nakakainis. Sana mag break na sila.

"It's okay. Kasama ko si Seb. We're going to celebrate."

Tumango ako at niyakap siya. "Okay, see you soon."

"See you sa Royal College of Art," sabi niya pero ewan ko ba, parang hindi ko naramdaman ang saya sa mga salitang iyon.

Hindi ko alam kung sa akin o kay Ellia ba pero nagdadalawang isip pa rin talaga ako kung pupunta ba ako o hindi. Handa naman na ang lahat—-ako na lang talaga. Hays.

I don't want to think about it for now. Bahala na kung ano ang itinadhana para sa akin. Siguro naman ay kung para sa akin ay para sa akin talaga. Kung si Treston ay hindi para sa akin, ang tadhana ang maga-adjust dahil hindi ako aalis sa tabi niya.

"How about Treston?" tanong ni Dad.

Kanina niya pa nga ito hinahanap kasi gustong-gusto na raw niya makilala. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanila ni Kuya Cyx. Parang duda ako. Si Treston naman ayaw sabihin pinagusapan nila ni Kuya Cyx, o di sila na may secret. Magiging kami naman ni Treston.

"He's still at the hospital. Her mother undergone another operation," sabi ni Kuya Prix sabay tingin sa orasan niya. "And...I also have another operation so I am afraid I cannot come with you to eat."

"Then, we will go with you," sabi ni Mommy. "We can bring food for Treston and her mother so we can also meet him. Sabi ng Kuya Cyx ay manliligaw na raw sayo."

Umiling ako. "Wrong. Sinasagot ko na siya agad, Mommy. Please, tell him. Wala ng ligaw ligaw. Bakit ba pinapahirapan niya ang sarili niya?"

"Naia, that's his decision and that's how he wanted to show his love to you. Huwag mong pangunahan," Dad said.

Ngumuso ako pero hindi na rin naman ako nagreklamo. Excited lang ako makita si Treston at yakapin siya—pending pa pala ang yakap kasi hindi pa pala kami. Conservative nga pala ang lolo.

"Shall we go now?" Kuya Cyx asked, naiinip na naman. "What food should we buy?"

"Let's check some restaurants. Nagdala rin kami ng pasalubong para sa kanya," sabi ni Mommy tapos inayos niya ang buhok ko. "Ano, tara na ba? Alam ko na excited ka na ipakita kay Treston ang diploma mo."

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon