Hue #6

5.7K 125 18
                                    

Hue #6

Naia's POV

More than three months ang sinabi ko kay Treston para ligawan siya. Sana pala dinagdagan ko kasi kung busy ako ay mas busy siya. Syempre, paano na kami maglalandian? Although, ako lang naman ang lalandi sa kanya.

Sakto rin naman sa graduation day ko ang 100th day tapos ayon kay Kuya Prix ay mags-second year medical student na si Treston. Baka tumigil na rin siya sa volunteer work niya sa ospital dahil mas mahirap na ang mga subjects.

"Really, Kuya? He's number one in his class?" I wowed. "Grabe, ang sarap magpalahi kasi sigurado na ang talino ng—ack! Kuya Cyx, bakit ba nambabatok ka? Kausap ka ba? Si Kuya Prix kausap ko!"

Hinawakan ko ang parte ng ulo ko na binatukan ni Kuya Cyx. Ramdam ko ang inis niya kasi medyo mabigat ngayon ang batok niya kumpara sa dati.

"Daddy! Si Kuya Cyx, inaaway ako." Nag-iinarte na sabi ko tapos lumapit ako kay Daddy, nagsusumbong habang nagluluto siya ng tanghalian namin.

Si Kuya Prix naman ay naghihiwa ng ingredients tapos si Kuya Cyx ang gumagawa ng desert namin. Ako ay panggulo kasi tinatamad ako na magluto—ang isipin lang si Treston ako masipag.

Sabado ngayon kaya umuwi ako sa Dumaguete. Hindi naman madalas ang pag-uwi ko, kapag nagtatampo lang sila Mommy at Daddy kasi hindi namin sila dinadalaw ni Kuya Prix.

"Napaka-pasaway mo naman kasi, Naia. Sinumbong ka ng Kuya mo sa akin. Bakit ikaw ang nanliligaw ha? Hindi ba dapat ang prinsesa namin ang hard-to-get?" Hindi nakakatakot ang tono ni Dad, para ngang nang-aasar pa siya sa mga desisyon ko sa buhay.

Ganon din si Kuya Prix, may kasamang tawa.  "Paano, Dad, hindi naman siya gusto kaya siya nanliligaw."

"Kawawa ka naman, Naia." Seryoso si Kuya Cyx. Ewan ko kung maiinis ako o hindi.

Tumawa si Dad. "Nakahanap ka na ngayon ng katapat mo."

"Dad!" I pouted and crossed my arms. "Wala na akong kakampi rito. Aalis na ako!" Nagda-drama na sabi ko tapos sakto dumating si Mommy.

"What's happening in here? Ano ang naririnig ko na may nililigawan ka, Naia?" Nilagay ni Mommy ang beret niya sa hanging wood at nilugay ang hanggang bewang na buhok niya.

"Mommy!" Niyakap ko siya paglapit ko. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I miss you!"

"I miss you, too, Naia. Mukhang marami kang dapat na i-kwento sa amin."

"Hmm...hindi pa naman kami, Mom. Ayaw niya nga sa akin pero wait—ipaparinig ko na lang sa inyo ang mga violin covers niya, for sure magugustuhan niyo siya."

Tumakbo ako pabalik sa mesa kung saan nandoon si Kuya Cyx. Hala! Nalagyan na ng harina ang phone ko dahil doon siya nagba-bake ng cookies.

"Baka mas magaling pa kami ni Cyx," hirit ni Kuya Prix.

Halos lahat kasi ng instruments ay alam nila na tugtugin. Ganon din naman ako pero pinakagusto ko ang piano.

"Si Mommy ang magsasabi. Walang kayong say!" Inirapan ko sila tapos pinarinig ko na kay Mommy at hinintay ang comment niya.

My mother is a world renowned violinist while my father was into theater acting but he didn't pursue it because he's the heir to our sugarcane plantation.

Nagkakilala sila sa isang Art school sa Milan. Ang kwento nila ay hinintay daw talaga ni Daddy itong si Mommy ng ilang taon dahil nga sa binubuo ni Mommy ang career niya. Kaso hindi rin siya natiis ni Mommy kaya umuwi na siya sa Pinas.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon