Hue #19

5.1K 121 23
                                    

Hue #19

Naia's POV

"Treston. Just answer me, please..." pagmamakaawa ko sa kanya.

He didn't look at me. Tuloy pa rin siya sa pagbabasa sa libro niya habang nandito kami sa refreshment area. Hindi ko nga alam kung nagpapanggap lang siya o advance reading yan dahil bakasyon naman nila.

"Naia, I already gave you my answer," sabi niya sa mababang tono.

"Not the truth," pamimilit ko pa rin sa kanya. Hindi ako aalis hangga’t hindi niya sinasabi ang totoo.

"What do you want me to say?" He looks frustrated as he looked at me. "Naia, tigilan na natin ito. I told you that we're not going to be together. Wala ka ng mapapala sa akin."

"So...pinaasa mo lang ako?" I hissed. "Grabe ka naman, Treston! Just because I didn't want to go to RCA for you biglang ayaw mo na?"

I wiped the tears that immediately left my eyes while looking at him. Nakatingin siya sa akin. And I couldn't explain what's in his eyes pero ramdam ko na nasasaktan din siya.

"Hindi ba dapat maging masaya ka kasi pinili kita?" Naiinis na sabi ko. "Why can't you see that I am here for you, Treston? Mahal na mahal kita! I am willing to sacrifice everything for you."

"I don't love you, Naia."

My jaw dropped. Tuloy-tuloy lang ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ni hindi man lang siya kumurap. Hindi ko inakala na sasabihin niya talaga sa akin yan.

Ang sakit din pala marinig kahit na alam ko naman na sinasabi niya lang, pinagtatabuyan niya lang ako para piliin ko ang pangarap ko kaysa sa kanya.

"Ang sakit mo naman magsalita." Nanlalabo na ang paningin ko at naninikip na rin ang dibdib ko.

"P-pwede mo naman sabihin na, uy Naia sorry ha, dreams before love na muna. Saka na tayo maglandian!" sigaw ko.

I was thankful no one was around to see me breaking down. Ang ingay ingay ko na talaga roon tapos nakakainis si Treston kasi hindi man lang niya pinupunasan ang luha ko.

"Go home, Naia," utos niya habang nililigpit ang mga gamit niya. "I have work to do."

"Hindi mo ba talaga ako mahal?"

"Yeah." Tumango-tango lang siya. "Pinaasa lang kita."

I laughed a little. "Pinaasa? You're not a very good liar, Treston."

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pagtayo. I knew he was lying the moment I felt his hands shaking. Agad niyang kinuha ito sa akin at dinampot ang mga gamit niya.

"I hate you!" I said, "I hate you, Treston Nazareno!"

"Go on. Continue hating me, Naia."

Tumayo ako at hinampas hampas ko siya sa dibdib dahil hindi ko na alam kung paano ilalabas ang sakit na nararamdaman ko.

Hinayaan lang niya ako na gawin yon hanggang sa mapagod na ako at tumigil. Sinandal ko ang noo ko sa dibdib niya habang mahinang umiiyak.

He didn't move nor touch me. I don't know how long we were standing there with dramatic atmosphere na kulang na lang ay ipalabas ang storya namin sa pelikula.

I continued telling him how much I hate him—but it was a lie. I love him that is why I hate myself. Hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya kahit na pinagtatabuyan na niya ako.

Isn't he lucky enough to have me by his side? Hindi ba niya maintindihan na sa kanya ako masaya? Bakit hindi na lang niya sabihin ang nararamdaman niya?

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon