Hue #25

4.8K 108 8
                                    

Hue #25

Naia's POV

"Naia, why are you holding a cat?"

Treston started panicking upon seeing the cat in my arms. Lumapit siya at agad na kinuha ito. Nagising tuloy si Steth, ang pangalan ng puting pusa na ireregalo ko kay Treston pero mapupunta lang din naman sa akin.

"Are you crazy? Okay ka lang ba?" Lumayo siya sa akin tapos pinipigilan ako na lumapit. Hinihintay niya siguro ang magiging reaksyon sa akin.

Nothing happened after one minute. Lumapit kayo kay Treston, niyakap siya habang nasa gitna ang pusa. Steth immediately jumped, resting on Treston's back kaya mas nayakap ko ng mabuti si Treston.

"Good boy, Steth," sabi ko sa kanya.

Nag-aalala pa rin si Treston. "Hey, are you okay, baby?"

I giggled while inside his arms. Hinihimas niya ang mahabang buhok ko saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Yes, I am okay. I did immunotherapy for my allergy. Actually, matagal na ako nagsimula. I kept it a secret tapos naging okay na ngayon. Minsan inaatake ako pero sabi ni Kuya Prix ay okay na," mahabang paliwanag ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"Isang taon na sa akin si Steth. So far, buhay pa naman ako saka hindi mo naman ako hahayaan na mamatay, right?"

"Of course, baby..." Malambing na sabi niya, giving me a smack. "What are you doing here in Cleveland, huh? Uuwi sana ako sa Pilipinas next week. Inunahan mo naman ako."

"Kapag umuwi ka next week, wala ka ng uuwian sa Pilipinas."

"What?" Nagtataka na tumingin siya sa akin tapos kinuha ang kamay ko. Nakita ko ang panic na agad ding nawala dahil suot ko pa rin ang singsing na binigay niya.

"Naia, ayusin mo nga ang mga salita mo." Lumukot ang ilong niya. "Akala ko biglang ayaw mo na sa akin dahil mas wala na akong time sayo dahil nandito ako sa Ohio."

"Duh. Mangyayari ba yon?" Umirap ako sa kanya, kunwari masungit. "Mahal na mahal kaya kita. Ayan, taran!" I presented myself by putting the red ribbon I was hiding in my pocket tapos pinagdikit ako ang kamay ko sa baba ko.

"Ako ang may birthday next week pero ikaw ang may surprise because I am going to live here na!"

"Wait...wait, what?" Pinatigil niya ako. "How about London?"

"Alam ko na unang itatanong mo yan. Natanggap na ako as a curator sa Cleveland Museum of Art tapos may part time-job din ako sa Cleaveland College as an art teacher."

"Naia..." He was speechless, staring at my eyes. "Are you sure about that?"

"Oo naman, Treston. Ayaw mo ba na kasama ako? Pumayag na ang parents ko na sa apartment mo na lang tumira kasama ka pero depende raw sayo..." Pinagdaop ko ang palad ko. "Hindi naman kita nanakawan ng halik kapag tulog ka. Huwag ka na lolo mode. Nasa 21st century na tayo," sumang-ayon si Steth na naghihikab ngayon tapos natulog na ulit sa balikat ni Treston.

Hays. Basta talaga pusa mahal na mahal si Treston kahit yong nasa kalye pa. Kaya, tama! Dati akong pusa sa last life ko.

"My mother would definitely kill me in my sleep if we won't get married before living together. Sorry, probinsyano ako." He laughed a little "So, how about this? Let's get married thrice."

"Thrice?" Gulat na sabi ko. "Akala ko ba ay dapat na magtipid tayo?"

"Hmm...not really, para sayo naman."

"Let me hear the idea first," kunwari ay hindi excited na sabi ko.

"Let's register our marriage in the embassy tomorrow morning." Tumingin siya sa orasan niya saka sa akin. "Sarado na ngayon, e. Then, you have a whole month to plan our church wedding so we can proceed to it next month. For that, can we just have your family? Sorry, mahiyain talaga ako...and—"

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon