Hue #14

2.2K 75 12
                                    

Hue #14

Naia's POV

I'm Noreen Laia Luciana Valle. Does he really think he can weaken my spirit just by using the word please for me to stop bothering him? If he wanted me out of his life, he would have to drag me out of his life!

Araw araw ko na sisirain ang umaga niya at sisiguraduhin ko na ako rin ang huli niyang maiisip bago ako matulog.

"You really don't know when to stop, do you?"

"Stop?" Pinanlakihan ko ng mata si Treston habang nasa nurse quarter's kami.

Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa white scrubs niya. Gulo-gulo ang buhok niya tapos halata mo na bagong gising. Nakakalat din kasi ang libro niya roon sa may table tapos may mga nurse rin na natutulog doon sa may double deck sa dulo.

"Ano yon? Nakakain ba 'yon?"

"Naia..."

I grinned. Nagpa-cute ako. "Yes, my baby? What do you need?" Kumurap-kurap ang mga mata ko.

Umawang ang labi niya. Nagtangkang magsabi ng kung anuman pero sa huli ay bumuntong-hininga na lamang siya ulit siya sabay patong ng kamay niya sa may batok niya.

He looks frustrated, at the same time tired and lonely. Ramdam ko ang pagnanais niya na itaboy ako pero nandoon din ang kagustuhan na manatili ako.

I get it. Nakuha ko na kung bakit ayaw niya. And, I would make him understand that I understood it.

I guess...I am no longer assuming. I could feel it. Hay nako. Ang talino nito pero hindi siya marunong mag-express ng feelings niya. Anyway, gusto ko pa rin siya at hindi ako matitinag ng kung anuman na balak niya.

Lumuhod muna siya bago ko siya iwanan!

"Treston, please?" Ako naman ang nagmakaawa ngayon. "Just let me, huh? Wala ka namang kailangang gawin. Ngumiti lang...and pumunta sa exhibit ko."

'I don't have time, Naia." Umiling siya. "I have a lot of things to do."

"I understand." Tumango ako. "Hindi mo kailangan na ibigay sa akin ang buong oras mo. Anokaba. hindi naman quality time ang love language ko. I think...wait. Hindi ko rin pala sure..."

Kinuha ko ang phone ko tapos nag-browse sa internet para sa love language test. Habang ginagawa ko 'yon ay nakatingin pa rin sa akin si Treston.

Pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin. Aww. Ang gwapo talaga niya. Ganyang mukha ang gusto kong makita araw-araw...at gusto ko ng mini me ni Treston. Hindi ba pwedeng kasal na lang kami agad agad? Hays.

"I sent the link for love language test. Sagutan mo, okay, tapos send mo sa akin. Isesend ko rin ang results ng test ko," sabi ko sabay tago sa phone ko.

Inabot ko na siya kanya ang lunch bag. "Here. Kumain ka na muna ng breakfast, okay? Iniwan ko na kay Tita Trisha ang pagkain niya. Natutulog pa sila."

Tiningnan niya ito tapos walang sinabi. Hindi rin siya gumalaw para kunin ito.

"Treston, kahit saang lupalop ka pa ng mundo magtago ay susundan kita." Ngumisi ako. "Hindi kita basta na lang susukuan, no. Bahala ka sa buhay mo na ma-stress sa pagmumukha ko. Maganda naman ako."

Binelatan ko siya tapos nag make faces ako. I even flipped my hair, kunwari sinusungitan ko siya. Hindi man lang nagbago ang reaksyon, pero sanay naman na ako.

"Ah. Basta. See you later. I need to go sa org namin tapos kailangan ko rin na ayusin ang thesis ko for our defense. Mwaaa!" Nag-flying kiss ako tapos mabilis na tumakbo papunta sa parking lot para kunin ang motorbike ko.

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon