Hue #3

5K 95 15
                                    

Hue #3

Naia's POV

"Kuya Prix! May subject na ako for my nude painting but I need your help! Oh, by the way-surprise!"

Masiglang sabi ko sa kanya pagpasok ko ng resident's quarter. Wala namang ibang doktor kaya malaya ako na makakapag-ingay.

Minsan ko lang kasi siya na dalawin sa ospital pero ngayon ay mukhang mapapadalas na ang pagdalaw ko dahil sa bagong crush ko.

"Cool. Congratulations sana kung hindi mo kailangan ng tulong ko," sabi niya habang nakaupo sa couch.

Sinabi niya na walang feelings, iyon yata ang pareho sila ni Kuya Cyx pero mas nasobrahan si Kuya Cyx. Naalala ko na may nagbigay ng love letter sa kanya noon tapos binalik niya with red marks dahil mali raw grammar.

As for Kuya, Prix, marami siyang fuck buddy like me.

"What is it?"

Nakapikit ang mata niya habang sumusubo ng chips. Buti na lang talaga hindi ako nag doktor o di kaya lawyer kundi haggard siguro ako everyday, sayang naman ganda ko.

"Madali lang naman 'to, Kuya Prix. Nakita ko ang gwapong nurse intern niyo. Gusto ko sana gawin siyang subject ng nude painting ko. Ayaw niya kaso baka kapag ikaw ang nagsabi ay pumayag siya kasi superior ka niya," tuloy-tuloy na sabi ko kay Kuya Prix, inaabot ko na ang hininga ko sa sobrang excited ko.

Ngayon na lang kasi ulit ako nagka-crush. Huling crush ko pa ay si River kaso wala-nagsasawa na ako sa pagmumukha niya.

"Kapag hindi pumayag, pahirapan mo. Sige na..." Pinagdaop ko ang palad ko kahit hindi ako nakikita ni Kuya Prix.

"Nurse Intern?" Dinilat ni Kuya Prix ang isang mata niya, nagtataka. "Wala naman kaming nurse intern sa ngayon."

"Huh? Wala? E, sino 'yong Nazareno na naka-nurse uniform tapos Del Forje? Hindi ba sila intern?"

"Si Tres saka si Ceej? Hindi. Nurse na talaga sila tapos nasa med school na," paliwanag ni Kuya Prix. "Volunteer work lang nila 'yon kapag may free time sila sa klase."

"Oh, ang sipag naman ng crush ko," bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala naman, Kuya Prix. Sa nude painting ko pa rin, baka close kayo ni Tres tapos mapapayag mo siya, please..." Tumabi ako sa kanya tapos hinila-hila ang laylayan ng scrub niya. "Kuya Prix, sige na...please. I really need it for my nude painting."

"Nude painting lang o gagawin mo pang fuck buddy?" usisa ni Kuya Prix, inaalis ang kamay ko. "Huwag mo akong guluhin. 48 hours na akong gising. Gusto ko matulog!"

"Eeeeh!" Nag-ingay ako na parang bata. "Kuya Prix!"

Hindi ako papayag. Magdadabog talaga ako kapag hindi niya ako tinulungan. Para saan ba na mataas ang posisyon niya dito sa ospital kung hindi niya ako tutulungan?

"Kuya Prix!"

"Ay, Naia!" Nagbabanta ang boses niya pero hindi ako takot sa kanya. Akala ba niya! "Anong nude? Hindi kita matutulungan dahil kahit paluhurin ko sa monggo si Tres ay hindi siya papayag para sa nude painting mo!"

Ngumuso ako. "Sige, jowa na lang. Single ba siya?"

"Single, who?"

Shit. Napatingin ako sa bumukas na pintuan dahil baka namamalikmata ako. Pero hindi-Kuya Cyx is here! Hala naman!

"Naia, ano na naman?" Inis na sabi niya.

Tumawa si Kuya Prix. "Pagalitan mo. Gustong gawing nude painting inspiration yong nurse namin."

Hue in my Palette (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon