“Psttt, Bossing!” Salubong ang kilay na lumingon si Payton nang marinig ang tawag ng babaeng boses.
“Me?” Salubong ang kanyang kilay na tanong sa babae nang makitang sa kanya ito nakatingin. Tumango ang babae sa kanya at dali–daling lumapit. Pinasadahan niya ito ng tingin. Maliit ito at hula niya ay nasa mga 4'5 lang ang tangkad. Maganda, but not his type.
Inismiran ni Payton ang sarili. Not his type really? Umiling-iling siya at tinaasan ng kilay ang babae.
“Oo bosing ikaw. “ Malawak ang ngiting sagot ng babae sa kanya pagkalapit. Ang mukha nito'y parang nanalo ng loto pagkalapit sa kanya.
“Bossing? What am i Vic Sotto? ” sarkastiko niyang tanong.
Natatawang hinampas siya nito sa braso na parang close silang dalawa. Nalukot ang kanyang mukha at naiinip itong tiningnan.
“Ikaw naman, ‘wag mo ngang ikompara ang sarili mo kay bossing Vic dahil mas guwapo ka doon. Lamang ka ng sampong paligo. ” pambobola nito at matamis siyang nginitian. “At siyaka, braso palang ulam na. ”
Naiiritang sinamaan niya ito ng tingin ngunit hindi nagpapatinag sa kanya ang babae dahil mas nilawakan pa nito ang pagkangiti at nag puppy eyes na bahagya niyang ikinangiwi.
Alright, she's cute but... Looks like crazy.
“What do you want? “ Malamig niyang tanong sa dalaga at mukhang ‘yon naman ang naging hudyat nito para ilabas ang kung ano ang dala na nasa shoulder bag. Bahagyang umawang ang labi ni Payton nang makita ang pamilyar na bagay na hinugot nito sa loob ng bag.
“What was that? “ parang tanga niyang tanong. Alam niya kung ano ito pero hindi niya parin maiwasang tanungin ang babae.
“Lubricant. Alam mo ba na maganda itong gamitin kapag nagse-sex kayo ng iyong asawa or jowa dahil less risky ito? Hindi magkakasugat ang kanyang pempem kapag sinagad mo ng husto ang iyong tenten at para maiwasan rin ang pag lock ng inyong mga...” huminto ito at bumaba ang tingin sa kanyang gitna. Mabilis niya itong tinabunan at sinamaan ng tingin ang babae. “Private parts... at hindi lang ‘yun, dahil malamig at madulas ito, mabango pa. kaya saan kapa? Dito ka na. ” Malakas na napamura si Payton dahil sa ka-bastosang lumalabas sa bibig ng babae. Problemado niyang hinilamos ang kanyang mga palad sa mukha. Namumula ang kanyang tenga ng nilibot ang tingin sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang taong nakarinig sa mga pinagsasabi nito.
Hindi siya makapaniwalang ganyan ka blunt mag salita ang dalaga dahil napaka-amo ng mukha nito. Mukha itong hindi makabasag pinggan at kung titigan mo’y parang walang alam sa ganoong bagay. Naniniwala na tuloy siya sa kasabihang “Don’t judge the book by its cover. ” Dahil kung gaano kaamo ang mukha nito ay siyang kabaliktaran naman ng lumalabas sa bibig.
“Bili kana bossing! ” Pangungulit ng dalaga kay Payton.
“Not Interested! ” Walang gana niyang sagot at bagot na tumingin sa kanyang relong pambisig. Nang makitang late na siya ay mabilis siyang tumalikod at nag lakad papasok sa matayog na kompanya.
***
NAALERTO si Serenity ng magsimulang maglakad papasok ang lalaki sa loob ng matayog na kompanya na pinagmamay–arian ng mga DAWSON.
Putangina! hindi ko nadali. Mahinang mura niya sa kanyang isipan.
Dali-dali niya itong sinundan at agad itong pinigilan sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakapit sa braso ng lalaki. Nagmamakaawa niya itong tiningnan.
“Bossing, parang awa mo na. Bumili kana, kailangan na kailangan ko talaga ng perang pambayad sa upa k—”
Inis itong lumingon sa kanya at marahas na tinanggal ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso nito.
“I told you i'm not interesad. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan? fvck i’m late. “ Nagtitimpi ang boses nitong saad at mahinang nag-mura bago dali-daling pumasok sa loob.
Bumagsak ang balikat ni Serenity nang mawala na sa kanyang paningin ang likod ng lalaki. Malungkot at malalim siyang humugot ng hininga bago nag lakad paalis.
NAKASIMANGOT na naglakad sa kahabaan ng Edsa si Serenity habang tumutunog ang tiyan sa gutom. Idagdag pa ang sobrang init ng panahon tapos wala pa siyang dalang payong at wala rin siyang perang pambili ng pagkain. Kulang nalang ay mamalimos siya sa mga taong dumadaan.
Nakakainis kasi ang lalaking yun e‚ Sana man lang kahit isa sa mga paninda kong lubricant ay bumili siya para may pandagdag pamasahe ako pauwi ng batanggas at pambayad ng upa. Tangina talaga! ang layo-layo pa ng lalakarin ko. Maktol ni Serenity sa kanyang isipan.
Busangot ang mukhang umupo si Serenity sa gilid ng kalsada sa bahaging hindi mainit. Naiiyak siyang napahimas sa kumukulong tiyan.
Wala na talagang maawain na tao sa panahon ngayon.
__________
“Meeting Adjourned! ”
Agad nagtayuan ang lahat nang matapos ang meeting. Nagkamayan muna ang mga ito bago lumabas sa meeting room.
Nanatiling nakaupo si Payton sa kanyang swivel chair at nakatulala sa kawalan habang lumilipad ang isip sa imahe ng kaninang babae. Sa sobrang lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya napansin ang presensiya ng kaibigan.
Napataas ang kilay ni Aiden habang nakatitig sa kaibigang si Payton na ngayon ay malalim ang iniisip. Kanina niya pa ito napansin na mukhang wala sa sarili.
Tumayo siya at pumunta sa likod ni Payton. Yumuko si Aiden kaya ang bibig nito ay nasa kabilang tenga na ni Payton.
“What happened to you?”
Gulat na napatalon si Payton ng may bumulong sa kanyang tenga. Nang makita ang mukha ng kaibigan ay malutong niya itong minura.
“Fuck you! Ginulat mo ako. ” Nagtagis ang panga niyang saas na ikinatawa lamang ng huli.
“Tsk, your spacing out. Kanina pa kita napapansin‚ What happened?” taas kilay na tanong ni Aiden. He’s curious kung ano ang iniisip nito dahil ngayon niya lamang ito nakitang nagkakaganon.
Does he have a problem? Tanong ni Aiden sa utak.
“Tsk, Nothing. ” Mas lalong tumaas ang kilay ni Aiden at hindi naniniwala sa sinasabi nitong ‘Nothing'. Payton took a deep breath bago kinuwento ang nangyari.
Malakas na bumuhanglit ng tawa si Aiden ng marinig ang buong kwento. Ngunit agad rin itong napamura ng malakas niya itong batuhin ng hawak niyang ball pen.
“Damn!" Mura nito at napahaplos sa natamaang parte ng mukha.
Kanina pa siya nito pinagtatawanan. Keso dapat raw na binili nalang niya ‘yong lubricant pati narin ang nagtitinda para mapatunayang hindi nga ito risky.
Tsk! Napaka bastos naman kasi nito na animo'y hindi babae. Siya na nga itong nahiya para sa babae.
Ganoon ba talaga ito mag alok ng paninda? Dahil kung ganun nga'y paniguradong marami ang bibili at baka mabastos pa ito.
Payton's jaw tightened at the thought that she had another man to sell to, He should be the only one. He hope he bought it—
Wait‚ what is he thinking? She's not even important and he doesn't even know her. He should not worry about that girl.
🍵
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MR. DAWSON [Completed/Under Editing ] ✓
RomancePayton Rylee Dawson and Serenity Hayes love story