CHAPTER NINETEEN

1.3K 22 0
                                    

SA DUMAANG mga araw at Linggo. Isa lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Ang pag hahanda sa gaganaping kasal nila ni Payton. Gaganapin ito mismo sa kanyang kaarawan. Sa buwan ng Hunyo dise-nuwebe. Ang araw at buwan kung kailan siya ipinanganak.

Mas maganda daw kaseng mismo sa kanyang kaarawan gaganapin ang kasal para maging mas memorable.

"What do you think babe? Maganda ba?" Napukaw ang kanyang atensyon sa tanong ni Payton. Kasalukuyan silang pumipili ng design sa susuotin niyang gown.

Maigi niyang siniyasat ang napili nito at masasabi niyang maganda ang pagkakatahi at pagkakadesinyo. Off shoulder ito kaya kitang-kita ang kanyang balikat at medyo hapit din kaya kung ito ang kanyang susuotin ay makikita ang kurba ng kanyang katawan at ang maliit na umbok sa kanyang tiyan.

Tiningnan niya ang presyo. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang presyo. $1 million dollar ang halaga nito.

"What can you say? " Naghihintay sagot nito.

Nakangiwing lumingon siya dito.

"Maganda siya pero masyadong mahal, isang beses ko lang namang masusuot yan e. "

Nakangiwi niyang sagot. Mahina itong napatawa. "Don't worry about the price babe, it's all in me right? " nakanguso siyang tumango.

Wala na siyang nagawa dahil iyun na ang napili ni Payton na susuotin niyang wedding gown.

"Saan mo gustong kumain? Do you have something in your mind to eat? Any cravings? " sunod-sunod nitong tanong habang inakay siya papasok ng sasakyan.

"Kahit saan nalang, at sa tanong mo kung may gusto ba akong kainin, as of now wala naman.

"Alright. Sa bahay nalang tayo kakain, ipagluluto nalang kita." Saad nito bago binuhay ang makina at nagmaneho paalis.

"Ayos naba ang lahat? Wala kabang gustong ipadagdag o ipaiba sa venue ng kasal? " tanong nito sa gitna ng katahimikan. Nakasiklop ang kanilang mga palad habang nakapatong sa kanyang hita.

Napaisip siya kung may gusto ba siyang babaguhin o ipadagdag. "hmm, Wala na. Ayos na yun, hindi na man kailangan na bongga. Masyadong gastos lang kung may ipapabago at ipadagdag pa ako. " sagot niya.

Hindi naman siya nag hahangad ng engrandeng kasal. Ayos na sa kanya ang simple as long as maikasal silang dalawa.

At siyaka wala narin naman siyang gustong ipabago at ipadagdag. Maganda naman ang pagkakaplano.
"Babe, if it's about money. I have plenty of that. I want to give you a memorable wedding, you deserve that okay? Money is not a problem. I can buy anything you want, whatever you desire." he said, glancing briefly in her direction before focusing on the road. She smiled and shook her head.

"Wala na talaga, ayos na yun lahat. " paninigurado niya.

Malalim itong bumuntong hininga at tumango.

Naging tahimik na ang kanilang biyahe pauwi. Hindi naman awkward sadyang wala lang talaga silang maisip na pag-uusapan.

Nang makarating sa bahay ay dumeretso na siya patungong kuwarto upang mag bihis saglit habang dumeretso naman ito patungong kusina dahil magluluto daw ito ng kanilang pananghalian. Naligo lang siya saglit bago nagbihis ng pambahay at bumaba.

Nasa bukana palang siya ng kusina ay naamoy niya na ang bango ng niluto nitong adobo.Nakangiti siyang pumasok sa kusina at umupo sa high stool chair.
Nang mapansin siya nito ay agad niya akong nginitian ng matamis.

"Malapit na 'to just wait for awhile babe."

"Take your time. " nakangiti niyang sagot habang pinapanood itong hinahalukay ang nilutong adobo.

MARRIED TO MR. DAWSON [Completed/Under Editing ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon