CHAPTER ELEVEN

1.4K 30 0
                                    

"Wahh! talaga? Pupunta tayo ng Leyte?!" excited niyang tanong. Awang ang bibig at nanlaki ang mata.

Mahinang natawa si Payton at dahan-dahang tumango.


"Yes, that's why, you need to pack your things now. Huwag mong dalhin lahat ng gamit mo dahil babalik pa naman tayo. " Sagot nito na ikinanguso niya. Alam niya naman 'yon.


"Go, pack your things. " utos nito at bahagya pa siyang tinulak-tulak.  dali-dali siyang tumakbo patungo sa kanyang silid at nag impake ng dadalhin niyang gamit.


Naligo muna siya saglit bago bumaba. Nakasuot siya ng white shirt at jeans na pinaresan niya ng puting sapatos, nakalugay ang kanyang mahaba buhok na medyo kulot sa dulo. Sa kanyang pagbaba ay naabutan niya si Payton na nakaupo sa pang-isahang sofa. Tumayo rin naman ito ng makita siyang pababa na. Authomatico nitong pinulupot ang braso sa kanyang bewang.

"You ready? " tanong nito na ikinatango niya.

"Oo, kaya tara na. " magiliw niyang sabi at nagpati-unang naglakad.


Natawang napailing si Payton sa kanya at sumunod dala ang kanyang gamit at gamit nito.


"Salamat."  Pasasalamat niya ng siya'y pagbuksan nito ng pinto ng sasakyan.


"Your seatbelt. " Paalala nito na agad niya namang sinunod. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at minaneho paalis.


"Nasaan na daw sila? " Tukoy niya sa mga kaibigan ni Payton na si Calix at Jacob. Sasama rin raw kasi ang mga ito. Ang totoo niyan hindi sila pupunta ng probinsya para mag bakasyon, pupunta sila ng Leyte upang samahan at supportahan si Aiden na puntahan ang babaeng matagal na nitong hinahanap.


Hindi niya alam kung ano ang nangyari at tumagal pa talaga ng tatlong taon ang paghahanap nito sa dating kasintahan. Pero isa lang ang alam niya. Mahal na mahal ni Aiden ang kung sino mang babaeng iyon. Naalala niyang humagolgol ng iyak si Aiden noong malaman nito kung nasaan ang babaeng hinahanap ng mahigit tatlong taon.


"They're in the airport now. Tayo na lang raw ang hinihintay. " Sagot nito habang nakatutok ang paningin sa daan.


"Edi bilisan mo para mabilis na tayong makarating doon, nakakahiya naman sa mga kaibigan mo pinaghintay pa talaga natin sila. " Nakokonsensya niyang saad. Ang tagal kase nitong magsabi. Mas inuna pa kasi nito ang panlalandi sa kaniya. Sus kinilig ka naman. Sabad ng utak niya.


"Don't be shy. Their faces are also thick." komento nito na ikinatawa niya.


Gago talaga.

Nang makarating sila sa airport ay agad na sila bumaba ng sasakyan. Sinalubong sila ng tatlo habang lukot ang mukha. Lalong-lalo na si Aidan na mukhang naiinip na talaga.


"Gago! ang tagal ninyong dumating. Nagbahay-bahayan pa siguro kayong dalawa." Naiinip na saad ni Calixto.


Uminit ang kanyang pisngi sa kahihiyan. Hindi naman totoo ang sinabi nito pero nahihiya parin siya.


“Asshole! ” singhal ni Payton.

"Let's go guys. Malapit ng lumipad ang eroplano. " saad ng kinakabahang si Aidan.

Umiling ang magkaibigan sa inakto ni Aidan. Sobrang excited naman yata.
Agad na silang sumunod at sumakay sa eroplanong sasakyan patungo sa probinsya ng Ormoc.

Silang dalawa ni Payton ang magkatabi dahil ayaw nito na sa ibang upuan siya maupo. 6½ hours ang naging biyahe nila patungong Ormoc bago lumapag ang eroplano.

MARRIED TO MR. DAWSON [Completed/Under Editing ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon