CHAPTER TWO

1.8K 39 2
                                    

PAYTON was seriously driving his car patungo sa bahay ng kanyang kaibigang si Calixto sa Batangas. Nandoon na ang iba nilang kaibigan at siya nalang ang kulang. Kaarawan ngayon ni Calixto at kailangan nandoon silang lahat.

Ang pagmamay-aring helikopter sana ang kanyang sasakyan patungong Batangas kaso may sakit ang kanyang piloto kaya wala siyang choice kundi mag sariling maneho sa kanyang sasakyan. He knows how to flew his helikopter pero wala siya sa mood ngayon na paliparan ito.

“Fvck!”

Gulat na napamura si Payton ng may biglaang tumawid. Mabuti nalang at naapakan ka-agad niya ang break.

“Bwesit! “ Hinihingal niyang hinampas ang manibela dahil sa kaba. Muntik na niya itong masagasaan. Galit siyang lumabas ng sasakyan at hinanap ang kaninang tumawid.

“Hey! ” Tawag niya sa babaeng nakatalikod habang patuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.

Nagngitngit ang ngipin ni Payton sa galit.
“Can you stop! “ Inis niyang singhal pero hindi man lang ito nakinig. Maski lingunin siya ay hindi nito ginawa.

Tiim ang kanyang labi at malalaki kanyang hakbang na sinundan ito.

“I told you to St—fuck? ” nahinto si Payton sa pagsasalita at 'di makapaniwalang napamura ng makilala ang babae.

Umawang ang kanyang bibig sa gulat. Ngunit mabilis siyang nakabawi kaya tinikom niya ang kanyang labi at kumunot ang noo.

What is she doing here?

“What the hell happened to you? ” Payton confusedly ask at pinasadahan ng tingin ang babae. Basang-basa ito at may bitbit na malaking bag. Hindi naman umulan pero para itong basang sisiw.

Walang emosyon siya nitong nilingon.

“Anong ginagawa mo dito? “ Malamig nitong tanong sa kanya.

Nanibago si Payton dahil sa pinapakitang attitude ng babae. Hindi naman ito ganito no'ng huli niya itong makita. The last time they’ve met, she’s so hyper. Bakit ngayon, parang sobrang tamlay nito at walang emosyon ang mukha? Is there something wrong happened to her?

“Seriously? Nakuha mo pa talaga akong tanungin niyan? Look at yourself. Mukha kang basang sisiw. “ sumamá ang timpla ng mukha nito dahil sa kanyang sinabi. He’s just telling the truth.

“Ikaw kaya tapunan ko ng tubig hindi ka ba mababasa? ” pabalang nitong sagot.

“Ano ba kase ang nangyari sayo? “ tanong niya.

“Wala kang paki-alam! kung tutuusin, kasalanan mo lahat ng ito! ” Paninisi nito na ikinalaglag ng kanyang panga.

What the fvck? Bakit naging kasalanan niya? Bakit siya pa ngayon ang nasisi?

“What did I do to you? As far as I remember wala akong kasalanan sayo.” sabi niya at inalala pa ang huli nilang ingkwentro kung may nagawa ba siyang kasalanan dito ngunit wala naman siyang maisip na dahilan para sisihin siya nito. Maliban sa hindi niya pagbili sa inaalok nitong lubricant.

“Ha! Kung bumili ka sana ng paninda kong lubricant edi may kita sana ako at nakabayad ako ng upa at hindi napalayas.” Galit nitong singhal.

Oh? So that’s it? Napalayas pala ito.

“Well, it’s not my fault kung hindi ako interisado sa paninda mo. “ balik niyang sagot.

Bakit nga ba siya nakikipag-sagutan dito? Fvck nasayang lang ang oras niya dahil sa babaeng ito.

MARRIED TO MR. DAWSON [Completed/Under Editing ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon