CHAPTER THIRTEEN

1.4K 35 0
                                    

"Mukha kang ulol kakangiti diyan! "
Lukot mukhang saad ni Aiden sa kaibigang si Payton na parang timang kaka-ngiti.

Imbes na magalit ang binata ay mas lalo pang lumawak ang ngiti nito at parang baliw na hinampas ang balikat ni Calixto na siyang katabi. Napadaing ang kaibigan dahil sa bigat ng kamay nito.

"Ano bang nangyari sayo? Nakahithit kaba ng katol? " kunot noong tanong ni Jacob.

Namumulang ngumuso si Payton na ikinasinghap ng kanyang mga kaibigan.

Na engkanto ba ito? Parehong tanong nila sa kanilang isipan.

"She loves me. " kinikilig na saad nito at humalakhak. "Damn bro! Serenity fucking loves me. " dagdag pa nito habang namumula parin ang pisnge. Kinikilig nitong tinakpan ang mukha at mahinang humagikhik.

Parehong napangiwi at nanindig ang balahibo ng tatlo dahil sa inasta ng kaibigan nilang si Payton.

"Yun lang? Tapos nagkakaganyan kana? Mukha kang baliw uy. " lukot mukhang saad ni Aiden.

"Tskk! Palibhasa iniwan ka ng babaeng mahal mo. " asar ni Payton na Ikinaasim ng mukha ni Aiden.

Galit siyang binato ni Aidan ng tissue.

"Tangina mo, namemersonal kana. " lukot mukhang asik ni Aiden. Natatawang napailing iling si Payton.

Akmang sasagot pa sana siya ng bigla siyang sumubsob sa lamesa ng may malakas na bumatok sa kanya.

"What the fuck—BABE? "

"Oh ako nga! Bakit hindi mo ako ginising ha? Iniwan mo lang talaga ako doon? Pagkatapos kitang alagaan kagabi dahil nahimatay ka. Iiwan mo lang ako ngayon. " galit na singhal ni Serenity. Napapikit ng mariin si Payton ng maalala ang nangyari kagabi. Nahimatay siya dahil sa sobrang gulat. Nawala tuloy ang cool niya sa katawan.

Parehong tumaas ang kilay ng tatlo ngunit hindi niya ito pinansin at tumingin lang kay Serenity.

Parang batang napakamot ng batok si Payton bago marahang hinapit ang bewang ni Serenity.

"Sorry na kung hindi kita ginising, maganda kase ang tulog mo. "
Hinging paumanhin ng binata sa dalaga.

Maarteng napatakip bibig ang tatlo dahil sa ginawang paghingi ng tawad ng kaibigang si Payton.

Dali-daling tumayo si Calixto at sininat ang noo ni Payton kung may lagnat ba ito.

"What the fuck are you doing? " Galit na tanong ng binata.

"Bro is that you? " Naniniguradong tanong ni Calixto.

"Of course, Sino ba ako sa tingin mo? " galit niyang singhal.

"Hay, pag-ibig nga naman. " naiiling na saad ni Jacob.

"Babe, are you hungry? " Mahinahong tanong ni Payton kay Serenity at pinaghila ito ng upuan sa kanyang tabi.
"Kanina pa! " Mataray nitong sagot.

Kamot batok na napailing si Payton bago nilagyan ng pagkain ang pinggan ni Serenity.

Mabilis lang silang natapos. Pagkatapos nilang maligo ay napagpasyahan nilang puntahan ang kanilang sadya dito sa probinsya ng Ormoc.

Ang Ormoc ay isang maliit na probinsya na sakop sa Leyte. Kahit maliit lang ang probinsyang ito ay mayroon namang mall gaya ng—SM, ROBINSONS, GAISANO at iba pang mall. wala nga lang taxi dahil probinsya nga ito.











___________
[A/N: sorry for being intruder. This POV is for Aiden and i use first POV in his POV. 'Yon lang, Chao! ]


                 AIDEN POV

MARRIED TO MR. DAWSON [Completed/Under Editing ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon