3 weeks had passed, okay ka naman sa bago mong school. Naging close ka na rin sa mga friends ni Hee, especially Jay. You've been hanging out a lot lately pero walang nakakaalam sa friends niyo. It's not a date, Parang friendly gala lang ganon.Nakaupo ako ngayon sa sofa nanonood ng tv since sabado and walang school. And as Jay's message busy siya ngayong weekend kaya di kami makakagala kasi may out of town sila ng parents niya. Sila Sunoo naman nagrereview kasi malapit na exam nila.
Si hee naman tinetext ko pero hindi ako nirereplayan, naboboring na ako kaya nanood nalang ako ng tv nang may kumatok sa pinto. I paused the movie and head towards the door, I opened it and saw Heeseung.
"Oh! Tinetext kita di ka sumasagot" Nakasimangot kong sabi. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Nagdadrive kasi ako" Hee said habang naglalakad papunta sa sofa. Sinara ko na ang pinto at pumunta sa kusina para bigyan siya ng pagkain.
"May gusto ka ba?" Tanong ko, narinig kong may sinabi siya pero di ko naintindihan dahil malakas masyado ang volume ng movie dahil pinlay niya bigla. "Ha?! Ano yun?!" Sigaw ko.
"Wala, Halika na dito!" Kinuhanan ko nalang siya ng juice at naupo nako sa tabi niya.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok sa pinapanood ko.
"Samahan moko" I looked at him raising my brows.
"Ayoko nga!" I said teasing him, pikon kasi to si Hee e.
"Sige na, please??" He said looking back at me and pouting his mouth. I couldn't help but to laugh.
"Hindi bagay sayo magpacute" Tumayo ako at pumasok muna sa kwarto para magbihis dahil nakapangbahay lang ako at hindi ko rin alam saan ba pupunta to at ako pa ang sinasama.
Nagsuot lang ako ng sweatpants at hoodie para comfy. Paglabas ko nanonood parin si Hee nung pinapanood ko. Akala mo talaga siya interesado siya, nakakunot pa noo.
"Where are you going ba? Ba't need mo pa ako isama?" Tanong ko habang nagsusuot ng sapatos.
"E gusto kita kasama. Why? Do you have some other plans?"
"Wala naman, Saan ba tayo pupunta?"
"Groceries, wala nakong foods e" Groceries? Ano siya bata para need pa ng kasama?
Inaya ko na siya at pumunta lang kami sa malapit na supermarket dito sa area ko. I don't even know bakit ako pa sinama niya e malayo layo bahay niya sa apartment ko.
Nang makarating na kami I took a cart with me pero inagaw naman yun ni Hee at siya na ang nagtulak. Napasimangot tuloy ako, gustong gusto ko pa naman nagtutulak ng push cart.
"Pick whatever you like, I'll pay for it" He said as he was looking at some breads. Wow galante, I did what he said. Pero yung mga needs ko lang naman sa bahay like condiments and ingredients for cooking.
Ang dami rin niyang pinamili, super random. Hindi ko nga alam kung kakailanganin niya ba yung iba o nagiging takaw mata lang siya. We stopped at the sweet section.
"You want chocolates?" He asked and of course I nod. Duh! Everyone loves chocolates. He picked different kinds of chocolates, may toblerone, cadbury, kitkat, twix and many more.
"Papatayin mo ba ako?" Tanong ko sa kanya looking at all the chocolates he bought.
"Why? Then stocked it" Magrereklamo pa ba ako? Libre na nga lang e.