"Hi love, how are you? Miss na kita sobra" I said habang hinihimas ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Inayos ko ang kumot niya at pinalitan siya ng hospital gown."Oh, Don't you have work iha?" I heard his dad said nang makita ako sa loob. It was currenlty 5 am in the morning.
"Meron po tito, dumaan lang po ako para icheck si Jay" I said putting the foods I bought para sa mga magbabantay sa kanya. To be honest wala pa akong tulog, I haven't been sleeping that well these past few days.
2 months na kasi but still hindi parin siya gumigising, sabi ng doctor normal naman lahat, ang paggising niya nalang ang hinihintay. Gumaling na rin ang mga pasa niya, naglighten na ang mga sugat niya.
"My son is very lucky to have you" He said smiling at me "We are lucky to have you in our family" His dad added, Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumulo nanaman ang aking mga luha. Nilapitan ako ng daddy niya at niyakap ako while patting my back.
Pare pareho kaming nahihirapan ngayon sa sitwasyon ni Jay but we all need to be strong para sa kanya. I need to be strong.
Nagpaalam nako sa daddy niya and I gave Jay a soft kiss on his cheeks. May pasok pako ng 6:30 am kaya need ko nang umalis. Natambakan nako ng mga gawain dahil sa mga absences ko.
Lagi pa akong napapagalitan ng boss namin dahil sa mga kapalpakan ko, Wala nako lagi sa sarili ko dahil ang iniisip ko lang si Jay, kaya puro ako palpak sa work.
"I told you I needed this papers today!!" He said yelling at me, I was just looking down bearing all the hurtful words he've been throwing.
"I'm sorry po, I'll do it again nalang po"
"Again?! Do you know how important these papers are?! Para to sa deal natin sa mayamang chinese but now we will lose it dahil sa kapalpakan mo!!!" He said frustrated. Tinatanggap ko nalang lahat tutal kasalanan ko naman.
"I promise sir, I'll finish it today" He just sighed and handed me the failed papers.
"Hindi ka uuwi hangga't hindi mo naipepresent sakin yan ngayon nang maayos! Now get out!" Agad kong kinuha ang mga papeles at dumiretso na sa office ko. I started doing the presentation pero wala talagang pumapasok sa utak ko.
Sinasabunutan ko na ang sarili ko kakaisip pero wala talagang mapiga.
"Fuck this life!" I said and threw the ballpen.
"Huy g*go!" I heard someone said ng muntik nang matamaan nung ballpen. Tiningnan ko kung sino yung pumasok and it was Hee.
"Oh, ba't ka nandito?" Pati tuloy siya napagbubuntungan ko ng init ng ulo. Stress na stress na talaga ako.
"Ba't galit? Inaano kita?" He said and sat on the sofa, may hawak siyang plastic at pagkaupo niya isa isa niyang nilabas ang laman.
"Sorry, stress lang. Wala kasing laman utak ko ngayon e need ko na ipasa to" I said and walked towards him. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mga pagkain na nilabas niya.
Dito rin kasi nagwowork si Hee pero sa ibang management siya at mas mataas position niya sakin.
"Napagalitan ka nanaman ng boss mo noh? Don't worry, I'll help you, you're losing weight oh. Kumakain ka ba? And look at those eye bags" He said habang tinuturo ang mga mata ko. Pansin ko rin na pumayat ako, wala na rin kasi akong time kumain.
Pagkagaling ko kasing work pupunta ako diretso sa hospital, dun nako nagpapalipas ng buong gabi and then uuwi ako hindi naman din ako makakatulog, Wala rin akong gana kumain. After that bago ako pumasok sa work dadaan ulit ako sa hospital para dalawin si Jay. That was my everyday routine, I think 4-5 times a week lang ako kumakain. Minsan sandwich or burger lang ang kinakain ko.
"Wag mo naman sana pabayaan sarili mo, Jay won't like it" He said opening the rice bowl. Inabot niya sakin to at nilagyan na rin niya ng ulam. "Eat then after I'll help you" He said, wala naman nakong choice dahil hindi rin naman papayag si hee kung hindi ko kakainin to.
"I'm done, busog nako" I said placing the bowl on the table. Konti lang ang bawas nito since wala naman akong gana kumain pinilit ko lang dahil ayoko nang masermonan din ni Hee.
Nakita kong umiling nalang si Heeseung and siya na ang umubos ng pagkain ko habang ako nagiisip parin.
"Huy andito ka lang pala, hanap ka ni madam" I looked at Won na nakasilip sa door. We all work on the same company pero si hee at won magkasama sa iisang management at ako naman sa iba. "Hi y/n!" He said greeting me.
"Sorry, promise babalik ako agad after pag wala akong gagawin" Hee said, niligpit na niya ang pinagkainan namin and tinapon sa basurahan.
"Okay lang, kaya ko na to" I said and umalis na rin sila dahil mukhang nagmamadali si won. Matagal lang akong nakatitig sa laptop ko nagiisip parin ng ilalagay ko dito.
It's already 8pm and kakatapos ko lang sa papers, naiprint ko na rin so ipepresent ko nalang kay boss. 5pm ang out ko, so 3 hrs na akong OT. Ako pa naman ang duty kay Jay ngayon pero I called Niki naman at sabi ko sa kanya kung pwede siya muna magbantay hanggang makaalis ako dito. Buti nalang walang klase si niki, Dance instructor kasi siya sa isang dance workshop.
"Did not pass my expectation pero okay na to" He said that made ne feel relieved. Makakaalis na rin. "I know your situation right now but please kung hindi mo na kaya ipagsabay sabay just hand me your resignation letter. Don't push yourself too much, maiintindihan ko" Tumango nalang ako, ayoko ring mawala ang trabaho ko. Pano nalang ang mga pinagiipunan namin ni Jay.
Marami pa kaming plano and alam ko magagalit siya sakin kapag nalaman niyang nagresign ako for him.
Nang pinayagan nako umuwi nagmadali agad ako papuntang hospital, As usual dun ang diretso ko.
"Sorry sa abala, Medyo nalate lang talaga ako" Sambit ko kay niki. Siya nalang ang kasama ni Jay dahil umuwi na siguro ang parents niya. May business trip pa sila bukas sa pagkakaalam ko, kaya buong week ako muna ang magbabantay.
"Okay lang y/n ano ka ba, kapag may kailangan ka sabihan mo lang kami. Gusto mo ba samahan na kita dito?" Tanong niya pero umiling ako.
"Hindi na, okay nako. Thank you niki, ingat ka pauwi" I said before he left. I looked at Jay, Inayos ko lang ang higa niya and kumot niya. Pinunasan ko na rin siya at binihisan ulit.
"Gising ka na love please, i miss you so much. Nahihirapan na ako, I really need you" I said and felt my tears building up kaya tumingala ako para pigilan ang pagtulo. "Tsk, iiyak ka nanaman" bulong ko sa sarili ko.
Pumunta muna ako sa may sofa at pinatong sa center table ang laptop ko, may need pakong tapusin na project ng team ko. I was too busy doing my thing nang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
This was actually the first time these days na nakatulog ako ng kusa. I must be so tired na ang katawan ko na ang nag give up.