"Hindi kaya'y naibigan siya ng mga hindi natin kauri? May mga lumalaganap pa naman na mga istorya sa kabilang nayon"
Ha? Hakdog. Ano daw? Hindi kauri? Afam ba ibig sabihin nun?
"Sapantaha ko'y isa siyang kawangis ng isang kapitapitagang binibini, ngunit bakit sa dinarami-rami ay sa kanya ito nangyari? Ikinahahabag ko." Tinig ng isang babae.
Malamang, nauguusap 'tong mga to. Mangiyak-ngiyak pa nga ang tono ng isa. Baka nakapagworkshop lang.
Teka lang, May radio ba sa bahay? Hindi ako na inform. May bago bang drama-rama sa hapon?
Pramis, wala akong nainitindihan.
At bakit ganito magsalita ang mga 'to? Buwan ng Wika ba? Kelan ba nga ulit yun?
Hala, bopols. Kelan nga? Kaka-kdrama mo yan.
"Nasa normal naman ang paggalaw ng kanyang mga balintataw wika ng manggagamot. Siya raw ay masayang naglalakbay sa kung saan man siya inaagos ng kanyang butihing panaginip"
Balintataw? Ano 'yon? Makakain ba 'yon? Gulay ba 'yon?
Nakakabopols naman 'to.
(Balintataw -"pupil (eyes)")
Dumilat na ako, parang sapat na 'din naman kasi ang tulog ko. Nakakapanibago... ako? Nagkaroon nang sapat na tulog? Wala naman yatang sapat sa buhay ko? Gusto mo isa-isahin ko? Sige, magumpisa tayo sa sweldo. Charawt. Istap the car na.
*dilat... pikit
Ehh?
*dilat..pikit
Sandali, hindi ko naman kuwarto 'to. May butas bubong namin eh, libre ilaw, libre ligo din pagumuulan. Eh nakakisame 'to, mukhang magara, vintage style pa.
Weeh?
Pero ang totoo, nasan ako? Nalasing ba ako?
"Gising na siya!" Sigaw ng isang babae na nakapatadyong at kimona. Ganda ng fashion ni ate, tinalo 'yung jacket ko sa baywang ah.
Nagulat ako dahil yumakap ito nang mahigpit, dali-dali namang nagsidatingan ang mga taong hindi ko kilala tapos same costume sila lahat.
Bakit kaya parang mahangin nitong suot ko?
Hala! Bakit ganito ang suot ko? Naka traje de mestiza 'din? Ba't ang haba nitong palda ko? Long gown ba 'to?
Costume party? Vintage theme?
"Binibining Maria! Mabuti at gising ka na. Pinag-alala mo kaming lahat". Sabay singhot-singhot at haplos sa ulo ko.
Amoy luya si ate, meron na bang ginger scented perfume?
Ehhh?
"Binibining Maria? Is the who?" kunot-noong tanong ko.
Scripted pala 'tong costume party. Ano lines ko? Hindi man lang ako binigyan ng script.
Nanlaki bigla ang mabibilog niyang mga mata. Nagumpisa namang magkumpulan ang mga tao palibot sa malambot kong kama.
Kelan pa naging malambot 'to? 'Di ko afford and Mendawi Foam. Minimum lang sahod ko may inflation pa.
"For the who ang mga ferson?" Kunot noong tanong ko. Pero, parang pinagkakaisahan nila ako dahil nagtitinginan lang ang mga ito na para bang napakahirap ng tanong ko.
"Ang ayoko lang naman ma feel out of place." Dugtong ko.
"Ano hu, binibini?" Tanong ng isang babaeng may abanikong malapad.

BINABASA MO ANG
Touch Me Not!
Ficción históricaOriginally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021 ... Written by: PlumaniKesha Story and Illustration by: Mijji .... Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...