Matapos ang 30 minutong biyahe, nakarating na rin sila Liam at Aiyana sa luhar kung saan tahimik...
Bumaba na sila sa sasakyan...
"Ano naman ang gagawin natin dito sa dis oras ng gabi?" takang tanong ni Aiyana, dahil dinala siya ni Liam sa isang lugar kung saan kita ang city lights at ang buwan kasama ang mga bituwin kumikinang sa dilim
"Tara, upo ka muna dito oh!" yaya ni Liam kay Aiyana na umupo sa ibabaw ng trunk ng sasakyan nya
"Anong trip mo?" binirahan na naman ni Aiyana ng katarayan si Liam
"Wag ng maarte Yana, umupo ka na dito bilis!" at hinila na ni Liam si Aiyana para umupo sa ibabaw ng trunk ng sasakyan nya sa tabi niya
Umayos na ng upo si Aiyana...
"Bakit mo ba ako dinala dito, kita mong papatulog na ako di ba?" say ni Aiyana
"Aiyana, mag-iisang taon na tayo, alam kong may iniisip ka kaya, di tayo aalis dito hanggang di mo sa akin kinukwento kung bakit ka nagkakaganyan? Tell me.." kahit alam na ni Liam ang buong istorya gusto nya manggaling mismo kay Aiyana ang lahat
"Liam naman, sabi ng wala nga di ba? Pinag-usapan na natin to kanina di ba?" walang sa mood na sinabi ni Aiyana
"Aiyana, is this about Dr. Mateo Avellino?" deretsahan tanong ni Liam, napatingin si Aiyana sa kanya
"Papaano mo--" di na pinatuloy ni Liam ang sasabihin ni Aiyana
"I asked Colleen about that, alam kong di mo agad sasabihin sa akin kung anong problema, kaya tinanong ko ang kasamahan mo on why you are acting weird earlier after lunch, so what's the matter?" sambit ni Liam kay Aiyana, makikita sa mga mata ni Aiyana na nagpipigil siya ng luha
"Ganito kasi yun.." sabay punas ng luhang tumulo si Aiyana, she can't help it, hindi nya kayang maglihim kay Liam
"Kanina kasi tapos na akong chartingan ang isang chart ng patient sa station at papunta na sana ako ng Cafeteria dahil nauna na sila Colleen at Nadine, sabi kong tatapusin ko lang yung Notes sa chart, palabas na sana ako ng biglang dumating nga yung Dr. Mateo Avellino, nagulat syempre ako dahil first time kong nakita yung doktor na yun, neurologist daw sya at may nirefer sa kanyang patient, so dahil bilang galang rin, sinamahan ko sya sa patient na yun, after that, I felt like he has a weird aura kaya medyo ilang ako sa kanya habang nagsusulat sya ng orders sa chart ng pasyente, after that nagpaalam na sya and he gave a weird look--" kwento ni Aiyana, naalarma bigla si Liam
"Paanong weird na look?" seryosong tanong ni Liam
"Yung parang may malisya ganun, ang creepy talaga, ayaw ko maalala, mababaliw lang ako kakaisip nung itsura ng tingin ng doktor na yun.." Aiyana shakes her head
"I think natipuhan ka ng doktor na yun.." simpleng sagot ni Liam sa nobya, tumingin muli si Aiyana sa kanyang nobyo habang nakatitig ito sa kawalan
"Naalala mo yung kwento sa inyo ni Colleen about sa nawawalang nurse a year ago, at malakas ang hinala talaga na may kinalaman ang doktor Avellino sa nangyaring iyo and I think he is finding another victim.." kwento ni Liam, nakikitaan na ulit ng takot si Aiyana
"Hindi maaari, wag mong sabihin na--" pinutol muli ni Liam ang sasabihin ni Aiyana
"Aiyana, sa tingin mo ba hahayaan kong ikaw ang isa pang mabiktima ng weirdong doktor na yun, subukan nya lang, magkakaalam kami!" matapang na sagot ni Liam sabay hawak sa kamay ng nobya
"Liam, natatakot pa rin ako, kahit first time ko lang nakita yang doktor na yun, iba talaga eh, nakakatakot pa rin, kinikilabutan nga ako kapag naririnig ko yung pangalan non eh!" pahayag ni Aiyana ng pag-aalala at takot
"Aiyana, don't worry okay? Nandito ako, lagi mong tatandaan hindi kita pababayaan okay? At hindi ko rin hahayaan na lumapit sayo yung doktor na yun" pag-assured ni Liam kay Aiyana
"Paano mo naman gagawin yun eh nasa OR Department ka, nasa Ward Department naman ako?" tanong ni Aiyana
"Sus! kaya ko yan, ako pa! promise ko yun sayo, I won't let that doctor lay a hand on my princess!" taas kilay na sabi Liam na ikinangiti ni Aiyana
"Ayan!! Ngumiti ka rin sa wakas!! Kanina kasi para kang sinabugan ng bomba sa lungkot at pag-aalala , ayan mas lalong lumilitaw ang kagandahan ng girlfriend ko kapag sya ay nakangiti!!" pambobola ni Liam habang nilalaro ang chin ni Aiyana
"Tumigil ka na nga!" sabay hawi ni Aiyana sa kamay ni Liam
"Ano okay ka na?" tanong ni Liam
"Medyo.." tipid na sabi ni Aiyana
"Wag ng mag-isip prinsesa ko, nakakapangit!!" sabay akbay kay Aiyana
"Ewan ko sayo!!" sabay patong ni Aiyana ng ulo nya sa balikat ni Liam habang pinagmamasdan ang napakagandang paligid
Nanatili silang dalawa sa ganung posisyon ng ilang minuto...
"Ano? Tara na? 10:30 na ng gabi baka makahalata na naman si tita eh?" yaya ni Liam kay Aiyana, pababa na sana si Liam para start ang sasakyan ng pigilan sya ni Aiyana
"Bakit?" tanong ni Liam sa dalaga
Hinawakan ni Aiyana ang parehong pisngi ni Liam habang nakatitig sa kanyang mga mata...
"Thank you for being my protector and armor in times na malungkot ako, di ka nag-give up na suyuin ako, I truly appreciate lahat ng efforts mo to make me feel better, thank you and I love you.." seryosong sabi ni Aiyana, hinawakan naman ni Liam ang right cheek ni Aiyana
"We've been together for almost a year na, alam kong mataray ka but still I can handle that attitude of yours kahit na tumanda pa tayo pareho, di ako mapapagod na suyuin ka to make you feel better, I will always be by your side kung need mong umiyak, umiyak ka lang sa harap ko, I will not hesitate to hug you to ease your pain, I will do anything for you, Mahal na mahal kita Aiyana, I will always do!" sambit ni Liam, unti unting lumalapit ang kanilang mga labi at konti na lang at ---
*Text message*
Napatingin sila pareho sa phone ni Aiyana..
"Konti na lang oh!" dismayado na naman si Liam sa naudlot na namang first kiss nila ni Aiyana, tinawanan lang sya ni Aiyana at tinignan ang inbox ng phone nya
Text Message : "Aiyana, nasaan ka na naman bata ka? 10:30 na ng gabi at nakuha mo na naman makipagdate sa jowa mo ng dis oras ng gabi, alam kong nasa edad ka na, pero alalahanin mo di pa kayo kasal, umuwi na aber at baka mahuli pa kayo ng pulis sa daan!" - Mama
Text Back: "Opo ma, pauwi na po nagpaka-emo muna saglit, pauwi na rin po kami ni Liam" - Aiyana
"Mukhang alam na ni Mama, ihanda mo na ang nobela mong palusot sa kanya, tara na!" kamot ng ulo si Liam at sumakay na si Aiyana sa passenger sit at si Liam sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan at bumiyahe na sila pabalik sa bahay nila Aiyana
====================================
Next: Chapter 9
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...