Chapter 54

7 2 0
                                    

Takang taka si Liam kung bakit alam ni Lola Amelia ang tungkol sa kwintas..

"Papaano nyo po nalaman lola na si Lola Alicia ang nagbigay sa akin ng kwintas na ito?" takang tanong ni Liam kay Lola Amelia

"May kwento rin ang kwintas na orasan na yan apo, gaya ng singsing, salin lahi na rin ang kwintas na orasan na yan, masa nauna yan sa singsing, kung iyong bibilangin nasa ika-anim na henerasyon na yang kwintas na orasan na yan, yan kwintas na yan espesyal at kakaiba gawa nagagawa nyang magbukas ng lagusan ng oras at panahon na nais ng taong may hawak nito, isa rin yan sa kaingat-ingatang gamit ng pamilya namin.." kwento ni Lola Amelia kay Liam at Aiyana

"Ang dami naman pong espesyal na gamit ang pamilya natin lola? Ngunit bakit puro kay Liam napunta lahat ng ito?" takang tanong ni Aiyana sa kanyang lola Amelia

"Di ba ang singsing ay nasa iyo na apo?" sambit ni Lola Amelia kay Aiyana

"Opo.." sagot ni Aiyana

"Bilang kayo ang kasalukuyang henerasyon, marapat na pareho kayong may natanggap na mahalagang bagay na nagmula sa pamilya, sayo Aiyana ang singsing at kay Liam ang kwintas, di nyo ba napansin na may koneksyon pareho ang kwintas na yan at ang singsing, dahil ang kwintas ng oras at panahon ang nagturo kay Liam kung nasaan ka dahil suot suot mo ang singsing na iyan at dahil sa inalis sayo ang singsing na iyan ng kumuha sayo, kaya di mo magawang maalala ang pagkatao mo, nung muling naisuot sayo ang singsing na iyan naging maliwanag na sa iyo ang lahat, pareho silang espesyal kaya pagkaingatan nyo pareho at kung sakali mang bumuo na kayo ng sarili nyong pamilya sa kasalukuyang panahon ay pwede nyo rin sa kanilang ipamana iyan mga iyan!" sambit ni Lola Amelia sa dalawa

"Ibig po bang sabihin di lang po kami ang nakarating sa panahong ito?" tanong ni Aiyana

"Hindi apo, madami na rin ang nakarating dito bago kayo!" si Lolo Generoso naman ang nagsalita

"Ngunit kaya lang naman napapadpad ang makabagong tao sa panahong ito dahil may kailangan sila o kaya may hinahanap silang mahalaga, di rin naman maaaring pabalik balik ang makabagong tao sa panahon ito dahil baka mabago nila ang takbo ng panahon, gaya ng nangyari sayo Aiyana, dinala ka rito ni Mateo ng di mo ginusto at pinakilala kang asawa nya sa ibang katauhan, maaaring makaapekto yun sa takbo ng panahon namin kung di ka nakita at nakilala agad ni Liam ng siyang napadpad dito sa panahong ito, mabuti na lang at bumalik na rin ang alaala mo, kaya di na nya magagawang baguhin pa ang takbo ng panahong ito!" saad ni Lola Amelia

"Di ba po lola kung ano na yung takbo ng kwento at panahon, yun na yun na po ang takbo non?" si Liam naman ang nagtanong

"Siyang tunay apo, kaya ibinigay sa iyo ni Alicia ang orasang kwintas na iyan dahil alam at nararamdaman nyang wala si Aiyana sa mundo nyo kaya nagpasya siyang ibigay yan sa iyo para maging gabay mo sa paglalakbay sa panahon kung saan mo natagpuan ngayon si Aiyana, mapalad kayo mga apo.." si Lola Amelia

"Tunay na pagmamahal ang isa pa sa naging susi kaya madali mo siyang nahanap Liam apo!" sambit ni Lolo Generoso

Tinignan pareho ni Liam at Aiyana ang kwintas at ang singsing sabay tingin sa isa't isa

"Hadlangan man ng oras at panahon, tayo pa rin sa huli!" sabay na sinambit ni Liam at Aiyana ang mga katagang iyon sabay ngiti sa isa't isa

"Kailan ang araw ng inyong pag-uwi?" tanong ni Lolo Generoso

"Mamayang hapon po lo, bago lumubog ang araw" sambit ni Liam

"Bueno, wala na kaming magagawa dyan dahil inyong kapasyahan na iyan at kailangan nyo na talaga bumalik sa panahon nyo!" sagot ni Lolo Generoso

"Mabuti pa ay mag-ayos na kayo ng gamit na inyong dadalhin sa pagbabalik nyo sa inyong panahon!" sambit ni Lola Amelia

Inumpisahan na nila Liam at Aiyana ang pag-aayos ng kanilang mga gamit..

Samantala...

Patuloy sa paghahanap ang mga guwardiya sibil kasama si Mateo kay Aliya at Liam..

"Wag kayong titigil sa paghahanap!" sambit ni Mateo

"Masusunod po!" sagot naman ng isang guwardiya sibil

"Tignan natin Liam kung hanggang saan ang tapang mo!" sambit ni Mateo sa kanyang sarili

Sa Bahay ni Lola Amelia

Habang abala sa pag-aayos ng gamit si Aiyana at Liam..

"Handa ka na ba talaga mamaya?" tanong ni Liam kay Aiyana habang abala ito sa pag-aayos ng gamit nya

"Hindi na ako makapghintay na bumalik, namimiss ko na sila Mama at Lola Alicia, alam kong ikaw ang sinisisi ni Mama sa pagkawala ko, sorry ah!" simpleng sambit ni Aiyana kay Liam

"Okay lang yun, tsaka alam naman ni Lola Alicia na hindi ko ginusto ang nangyari sayo eh, alam kong once na makabalik tayo don, sana mapatawad na ako ng mama mo!" sambit ni Liam kay Aiyana

"You never gave up kay mama talaga no? Talagang sinuong mo ang oras at panahon para hanapin ako!" ngiting sambit ni Aiyana matapos nyang ayusin ang gamit nya, nasa isang bagpack na gawa sa abaka

"Talagang hindi no! Nakakatakot kayang magalit at kamuhian ka ng nanay ng fiance mo no!" sagot ni Liam

"Paano naman sila Tita Lanie? Alam ba nila ang tungkol dito?" biglang tanong ni Aiyana kay Liam, napatigil si Liam

"Alam nilang umalis ako para hanapin ka, pero di nila alam na oras at panahon ang nilakbay ko makita ka lang, palagay ko naman di naman ganong katagal akong nawala I mean tayo sa mundo natin di ba?" say ni Liam at nagpatuloy na mag-ayos ng gamit

"Ikaw, eh ako palagay ko isang buwan rin akong nawala sa mundo natin tapos isang taon ang katumbas dito sa panahong ito.." si Aiyana

"Ako na bahala magpaliwanag kila mama pagbalik natin don, sigurado naman akong maiintindihan nila ang ginawa ko!" sambit ni Liam

"Tayo pareho ang kailangan magpaliwanag! I don't take as a no Liam! Tayo magpapaliwanag pareho on both parties, sa parents mo at sa mama ko period!" buwelta ni Aiyana

"Fine! Takot ko lang sa talas ng tingin mo sa akin!" nginisian na lang ni Liam si Aiyana

Patuloy na nag-aayos si Liam ng kanyang gamit para sa kanilang pagbabalik sa kasalukuyan nilang panahon..

====================================

Next: Chapter 55

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now