"Hindi kaya siya yung duguang babae isang taon ng nakakalipas?" tanong ng matanda kay Liam
Yaang mga salitang yan ang bumagabag sa isipan ni Liam hanggang sa --
"Apo, mabuti pa ay kumain ka muna at tanghalian na naman, saluhan mo na ako rito!" pagyaya ng matanda kay Liam
"Salamat po Lo, kayo lang po ba ang nandito?" sambit ni Liam habang sabay silang nananghalian ni Lolo Generoso sa isang simpleng kubo na parang maituturing mo na rin tahanan
"Oo apo, sinakripisyo ko ang kayamanan namin para makapag-aral sa ibang bansa ang mga anak ko" kwento ng matanda
"Kasama na po don si Lolo Leonardo?" tanong ni Liam
"Oo apo, kasama don si Leonardo sa ibang bansa kasama ang kanilang ina ang iyong lola Rosa.." si Lolo Generoso habang sila ay nakain ng pananghalian
"Bakit di po kayo sumama doon kasama nila?" tanong ni Liam
"Hindi maaari iho, tsaka sapat lang ang natitirang salapi para sila na lang mag-iina ang makipagsapalaran sa ibang bansa, nagpapadala naman sila ng liham sa akin, palagay ko ay magaganda na rin ang kanilang mga trabaho doon!" pag-ala ala ni Lolo Generoso sa kanyang asawa at mga anak
"Kaya po naisipan nyong manirahan na lang po sa simpleng kubong ito.." sambit ni Liam
"Alam mo apo, mabuti pa at tapusin mo ng kumain ng makapagpahinga ka.." sambit ni Lolo Generoso
"Ngunit Lo, kailangan ko pong malaman kung nasaan naroon si Aiyana!" si Liam na gustong gusto ng makita si Aiyana
"Aiyana? Siya ba yung babaeng tinutukoy mo na iyong mapapangasawa? Tama ba apo?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam
"Opo Lo, siya po si Aiyana Flores, isang matapang at matalinong babae po siya, madali siyang mapikon at magalit lalo na sa akin" biglang tumulo na lang ang luha ni Liam habang sinasambit ang mga katangian ni Aiyana sa kanyang ninuno
"Bakit ka naman naluluha apo? Sa palagay ko labis na mahalaga sa iyo ang babaeng ito kaya ikaw ay nagkakaganyan, tama ako hindi ba?" si Lolo Generoso habang pinagmamasdan ang kanyang apo na nakakaramdam ng pangungulila sa babaeng kanyang pinakamamahal
"Alam nyo po kasi lo, sobra po ang pagiging suwail kong anak sa magulang ko, ni hindi po ako nasunod sa mga utos nila lagi akong napapabarkada sa maling mga kaibigan, may talino naman pong taglay ang apo nyo lo kaso nga lang tamad mag-aral, pero simula nung dumating si Aiyana sa buhay ko, parang nag-iba ang lahat, napahanga ako sa dedikasyon nyang mag-aral at pagiging mabuting anak sa kanyang ina" kwento ni Liam sa kanyang lolo Generoso na matyagang nakikinig sa kwento ni Liam na kung paano sila nag umpisa ni Aiyana
"Inaamin ko po na ako ang unang nahulog ang loob sa kanya pero nung una di nya gusto ang mga ginagawa kong pagpapakita ng motibo sa kanya na siya ay gusto ko na, naiirita siya sa tuwing sinasabayan ko syang umuwi sa kanila" natatawa na lang si Liam sa kwento nya
"Umabot pa nga po na halos magpakamatay na po ako para pumayag lang siya na ligawan ko, nakakatawa nga po yung reaksyon nyang iyon na putlang putla at taranta dahil tatalon na ako sa isang gusali sa eskwelahan namin nung kami ay kolehiyo, pareho kami nag-aaral ng nars noon, naging maganda naman po ang pakana ko pong iyon at pumayag na siya ay aking ligawan--" napatigil si Liam ng magsalita si Lolo Generoso
"Iba talaga ang nagagawa kapag ikaw umiibig na apo, lahat gagawin para sa kanya na kahit ikapahamak mo pa!" ngiting sabi ni Lolo Generoso sa apo
"Tama po kayo lo, iba nga po talaga nagagawa kapag ika'y tinamaan na ng pag-ibig, pero isa rin po sa pinakamasayang alaala ko sa kanya ay yung sinagot niya ako pagkatapos ng aming pagtatapos sa kolehiyo, isang magandang alaala po iyon lolo na sa wakas kami na ng aking prinsesa, lumipas ang pitong taon, naging matatag kami sa lahat ng pagsubok na dumaan hanggang sa eto na nga, niyaya ko na siyang magpakasal, masaya nyang tinanggap iyon at naging masaya kami sa mga oras na iyon hanggang sa dumating ang aksidenteng nagpahiwalay sa aming dalawa!" napalitan ng lungkot sa mukha ang namutawi kay Liam at hinawakan sya sa lingkod ni Lolo Generoso upang hindi gaano malungkot
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...