Chapter 31

6 1 0
                                    

Matapos magligpit at mag-ayos ay naghanda na sila Liam at Aliya para samahan si Lolo Generoso sa kanyang pupuntahan

Bago umalis...

"Lo, ano po bang gagawin natin sa Ilog?" tanong ni Liam sa matanda

"Abay, manghuhuli ng isda apo.." simpleng sagot ng matanda

"Di po ba pwedeng bumili na lang tayo sa bayan?" suggest ni Liam

"Hindi maaari apo, baka may makakita sa inyo lalo na kay Aliya na sigurado akong pinaghahanap na sya ngayon!" sambit ni lolo Generoso

"Oo nga naman Liam, mahirap na!" sabat ni Aliya sa usapan

"Oo na, sige na!" suko si Liam sa kanyang lolo Generoso at kay Aliya

"Bueno, halina at medyo mahaba pa ang lakaran, Aliya apo, handa na ba ang ating pananghalian kung sakali?" tanong ng matanda kay Aliya

"Handa na po!" masayang sambit ni Aliya sa matanda

"Aba marunong ka pala magluto?" tanong ni Liam kay Aliya

"Oo naman! Ano sa tingin mo sa akin walang alam?" pinandilatan ni Aliya si Liam

"Oy tama na iyan at halika na maglakad!" sambit ni Lolo Generoso sa dalawa

Nag-umpisa ng maglakad sila Aliya, Liam at Lolo Generoso, nauuna ang matanda, nasunod naman ang dalawa...

"Gusto mo bang tulungan na kita dyan sa buhat mo?" offer ni Liam kay Aliya

"Hindi na, kaya ko na to" simpleng sagot ni Aliya

"Baka kasi di okay yang paa mo sa pagkakatapilok mo kahapon eh?" sambit ni Liam kay Aliya

"Okay na ako Liam, wag ka ng paranoid dyan!" sagot ni Aliya

"Aba! Marunong ka na sa paranoid ngayon ah!" tukso ni Liam kay Aliya, tinignan ng masama ni Aliya si Liam

"Eto naman di mabiro, kung tumitig parang ilang segundo ay kakainin na ako ng buhay!" nagpatuloy sa panunukso si Liam kay Aliya

Tumigil si Aliya sa paglalakad at napahinto rin si Liam...

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Liam kay Aliya

Nakayuko lang si Aliya...

"Huy! Aliya?" sinisilip ni Liam si Aliya ng biglang--

*Toink*

"Aray!!!" uminda na naman si Liam dahil nadali ng ulo ni Aliya ang mukha nya

"Anong nangyayari dyan?" sambit ni Lolo Generoso dahil medyo nauuna na ito

"Wala po lo, nadali lang po si Liam ng matigas na bagay!" sambit ni Aliya

"Bilisan nyo na dyan at malapit na tayo sa ilog!" sambit ng matanda

"Nariyan na po!" hinila na ni Aliya si Liam na hawak hawak pa rin mukha nyang nadali ni Aliya

"Nakakarami ka na ah!" reklamo ni Liam habang hila hila siya ni Aliya

"Kung magbibiro kasi wag na yun di ako handa! Kaya ayan ang napapala" sagot ni Aliya kay Liam

"Bago tayo makarating sa ilog ay puro pasa na ako sa mukha, sa braso! Hay!! Kalbaryo!!" patuloy pa rin nagrereklamo si Liam

Nagpatuloy sa paglalakbay sila Aliya, Liam at Lolo Generoso..

Ilang minuto pa ang lumipas..

"Narito na tayo!" sambit ni Lolo Generoso

Napatulala ang dalawa sa ganda at linis ng ilog..

"Ang ganda!!!" manghang mangha si Aliya sa ganda ng ilog at sa linis nito

"Ang ganda ng katabi ko!" narinig ni Aliya ang sinabi ni Liam at agad itong lumingon kay Liam

"Anong sabi mo?" sambit ni Aliya

"Wala!" pagdedeny ni Liam sabay tingin sa kabilang dako

Di kumbinsido si Aliya sa sagot ni Liam kaya --

*pak*

Hinampas na naman ni Aliya si Liam...

"Sabi na nga ba? Madadali na naman ako ng isa pa!" sabay himas ni Liam ng balikat nya

"Kung nagsasabi ka lang naman ng totoo ay di ka madadali ng hampas!" sambit ni Aliya sabay lapad ng basket ng pagkain sa gilid ng ilog

"Gusto mo talaga malaman ang sinabi ko?" sambit ni Liam kay Aliya

"Oo!" sambit ni Aliya

"Ang sabi ko ang ganda ng katabi ko! Masaya ka na?" sagot ni Liam at natahimik bigla si Aliya sa sinabi na yun ni Liam sa kanya

"Ano natahimik ka?" si Liam naman ngayon

Di makatingin ng deretso si Aliya kay Liam dahil namumula na ang pisngi nito..

"Liam, mabuti ay tulungan mo akong manghuli ng isda rito apo?" tawag ni Lolo Generoso kay Liam

"Sige po lo, papunta na po dyan!" sambit ni Liam

"Pumunta ka na don!" pagtaboy ni Aliya kay Liam

"Oo na!!" sagot ni Liam at pumunta siya sa lolo nya para tulungan itong manghuli ng isda

Habang abala sa panghuhuli sila Liam at Lolo Generoso, inihanda na ni Aliya ang kanilang pananghalian, naglatag ng tela si Aliya at doon inilapag ang mga pagkain..

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarami rin ng huli ang mag-lolo..

"Nakarami na tayo lo!" say ni Liam habang bitbit ang lagayan ng mga nahuling isda

"Hindi ko akalain na marunong ka palang manghuli ng isda apo?" sambit ni Lolo Generoso kay Liam

"Baka nga po yun ang minana ko sa inyo lo!" masayang sambit ni Liam

"Handa na po ang pananghalian!" lumapit sa kanila si Aliya

"Bueno! Tara na ng makakain na ng pananghalian, tila dinapuan ako ng matinding gutom sa pangingisda natin!" nauna na si Lolo Generoso sa lugar kung saan nakahain ang pananghalian, naiwan muli si Liam at Aliya

Naging tahimik muli ang paligid..

"Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ko sayo?" tanong bigla ni Liam kay Aliya

"Ang totoo nyan unang beses kasi akong nakarinig mula sa isang lalaki na nagagandahan sya sa akin itsura" nahihiyang sabi ni Aliya kay Liam, napangiti lang si Liam

"Di ka ba sinasabihan ng Mateo yun na ika'y maganda?" tanong ni Liam kay Aliya

"Kailanman di ko narinig sa kanya iyon, tangin ang mga katagang aking asawa, mahal kong asawa, ngunit kailanman walang lumabas sa kaniyang bibig na ako'y maganda sa kanyang paningin!" kwento ni Aliya

"Malas lang nya, dahil kung alam nya lang na bibihira ang mga mestiza katulad mo sa mundong ito, kung alam nya lang!" ngising sabi ni Liam

"Salamat Liam!" sambit ni Aliya kay Liam

"Para saan?" tumingin si Liam kay Aliya

"Basta! Halina kumain baka naiinip na si Lolo Generoso sa atin!" sabay hila ni Aliya kay Liam papunta kah Lolo Generoso

Masayang kumain ng pananghalian ang tatlo at matapos non ay nagpasya na silang bumalik sa bahay ng matanda..

====================================

Next: Chapter 32

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now