Chapter 41

3 2 0
                                    

"Aliya.."

Unti-unting minulat ni Aliya ang kanyang mga mata...

"Aliya?" sambit muli ni Liam

"Liam?" mahinang sambit ni Aliya

"Wag ka ng masyadong magsalita pa baka mapano ka pa, dadalhin kita kay lolo Generoso para magamot yan!" kahit na hinang hina na rin si Liam pinilit nyang buhatin si Aliya upang madala sa kanyang lolo Generoso para magamot

Patuloy pa rin nakikipagbuno si Patricio kay Mateo..

"Liam!! Hayop ka!! Saan mo dadalhin ang asawa ko!?" sigaw ni Mateo ngunit di siya pinansin ni Liam habang buhat buhat ang nanghihinang si Aliya

"Iligtas mo na Liam si Aliya!! Ako na bahala rito!! Pangako ibabalik ko ang singsing ni Aliya kapag nakuha ko na ito sa senyor!!!" sambit ni Patricio at walang kaabog abog ay nailabas ni Liam si Aliya sa mansyon ng di na namamalayan ng mga tauhan sa mansyon

Nanghihina na rin si Liam, ngunit kailangan nyang mailayo si Aliya sa mansyon hangga't maaari..

Samantala...

Bumaba ng bayan si Lolo Generoso para magbaka sakali na mailigtas niya si Liam at Aliya, habang papasok na siya sa bayan ay may nakita siyang sugatan lalaki  buhat buhat ang isang duguan babae..

"Sandali? Apo? Ikaw ba yan?" unti unting lumalapit si Lolo Generoso sa dalawa

"Lo? Kayo po ba yan?" mahinang sambit ni Liam ng maaninag nya si Lolo Generoso

"Ikaw nga apo! Anong nangyari sayo? Si Aliya anong nangyari sa kanya!?" sambit ng matanda ng makitang duguan si Aliya

"Kailangan na po natin siya magamot lo, saka ko na po sa inyo ikukwento ang lahat.." sagot ni Liam at agad na inalalayan ng matanda si Liam palabas ng bayan

Sa Bahay ng mga Abelino...

*Pack*

"Walang hiya ka!!! Dahil sayo nakatakas si Liam dala dala si Aliya!!" galit na galit si Mateo habang nilalatigo si Patricio

Tadtad ng latigo ang buong katawan ni Patricio at labis na itong nanghihina..

Bago ang lahat...

Nakikipagbuno pa rin si Patricio kay Mateo hanggang sa makuha nya ang singsing sa bulsa ni Mateo, itinulak nya si Mateo at tumakba ng mabilis para tumakas..

Agad siyang nagtago sa kanyang silid at nagmadaling kumuha ng papel at may isinulat siya rito, matapos nyang sulatin ang isang liham sa maliit na papel ay agad nyang ibinalot ang singsing sa liham na ito at itinali sa kanyang alagang ibon at may ibinulong siya rito, saktong nakapasok na si Mateo sa loob ng silid ni Patricio ng maipalipad niya ang alaga nito dala dala ang isang mensahe kalakip ang isang bagay na makapag-uugnay kay Liam at Aliya..

"Hayop kang indio ka!!! Nasaan ang singsing!!?" hinawakan sa leeg ni Mateo si Patricio at inihagis lapag, saktong dumating ang mga tauhan ni Mateo

"Itali yan!!" utos ni Mateo at agad itinali ng mga tauhan nito si Patricio

Kasalukuyang pangyayari...

*Pack*

Muling nilatigo ni Mateo si Patricio...

"Magsalita ka!!? Nasaan ang singsing!!?" sigaw ni Mateo kay Patricio

"Kahit na ilang ulit mo pa akong latiguhin, wala kang mahahanap na singsing sa akin!!" matigas na sambit ni Patricio

"Arggggghhhhh" muling nilatigo ni Mateo si Patricio

"Walanghiya ka!! Mas pinili mong pumanig sa Liam na iyon kaysa sa akin na senyor mo sa loob ng ilang taon!! Wala kang utang na loob!!" patuloy ang paglalatigo ni Mateo kay Patricio, hinang hina na si Patricio dala ng dami ng latigo na natatamo ng kanyang katawan

Patuloy ang paglalatigo hanggang sa...

"Ramdam kong isang latigo ko lang sa iyo ay tiyak na tuluyan ka ng mamaalam aa mundong to, huling tanong Patricio? Nasaan ang singsing!?" seryosong tanong ni Mateo kay Patricio

Hinang hinang tumingala si Patricio kay Mateo at binigyan ito ng matalim na tingin..

"Kahit na ako ay lagutan ng hininga ngayon araw na ito, hindi ko pinagsisisihan ang pumanig sa tunay na may malasakit at may pagmamahal sa tulad namin, kaya magsasabi ko sayo Senyor Mateo Abelino y Barameda, nasaan ang singsing? Ang singsing na iyon ay kailanman ay di mo na mapapasakamay dahil ang bagay na iyon muling babalik sa tunay na nagmamay-ari at yun ang magiging tulay sa kung sino talaga ang tunay na nagmamay-ari ng kanyang pag-ibig!!!" tila isang sampal kay Mateo ang mga pangungusap na sinambit ni Patricio

"Hindi yan maaari!!!" buong lakas na hinampas ni Mateo ang latigo kay Patricio hanggang sa ito ay bumagsak sa sahig

"Alam kong kayo ang para sa isa't isa, Liam at Aliya! Paka-ingatan nyo ang isa't isa, Paalam mga tunay kong kaibigan sa panahong ito! Elena, hintayin mo ako sa paraiso!" huling sambit ni Patricio sa kanyang isipan at tuluyan na itong nalagutan ng hininga

"Ibaon sa libingan ng mga yumao ang lalaking yan!!" utos ni Mateo sa kanyang mga tauhan

"Senyor papaano kung may maka--" bago pa makapagsalita ang isang tauhan

"Hindi ba kayo marunong umintindi!!! Ang sabi ko!!! Ibaon nyo na sa libingan ng mga yumao ang lalaking yan!!! Naintindihan jyo ba ako!!? O sadyang mga tonto kayo!!? Hah!!?" sigaw ni Mateo sa kanyang mga tauhan

"Masusunod senyor!!" sabi ng isang tauhan at agad na ibinalot ang walang buhay na katawan ni Patricio at binitbit na ng mga tauhan sa labas para dalhin sa libingan ng mga yumao

"Hindi pa ito ang huling pagtutuos natin Liam!! Sisiguruhin kong mababawi ko sayo si Aliya at sisiguraduhin kong di ka na kailanman makakabalik sa kasalukuyan dahil dito magtatapos ang istorya mo!!" sambit ni Mateo sa kanyang isipan

Samantala...

Sa isang bahay malayo sa dating tahanan ni Lolo Generoso..

Dahan dahan tinulungan makapasok ni Lolo Generoso si Liam buhat buhat si Aliya na wala  paring malay..

"Lo nasaan po tayo, hindi ito ang bahay na ating tinutuluyan, sino ang may-ari nito at bakit ho tayo narito?" sambit ni Liam

"Apo, mabuti pa ihiga mo na si Aliya sa kama iyan" itinuro ni Lolo Generoso ang isang maliit na kama na nasa isang silid

Agad naman inihiga ni Liam si Aliya sa kama at inayos ang higa nito, nagdurugo pa rin ang napuruhan nyang ulo dala ng pagkakatulak sa kanya ni Mateo..

Biglang may nagsalita sa likuran ni Liam..

"Ako na ang maggagamot sa kanyang sugat apo!" nagulat si Liam sa boses na kanyang narinig

Lumingon si Liam para makita kung sino ang nagsalita, laking gulat nya si --

"Lola Alicia?"

===================================

Next: Chapter 42


 

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now