Kinabukasan...
6:30 AM
Maagang nagising si Liam, naisipan nyang ipagluto ng agahan sila Aiyana kaya siya ay nagmamadaling bumaba papuntang kusina upang ipaghanda ng almusal ang kanyang nobya at pamilya nito..
Ilang minuto ang lumipas...
"Bakit parang ang bango naman nun? May nagluluto na ba? Gising na ba si mama at lola?" sambit ni Aiyana habang pababa ng hagdan nila papuntang kusina
Nagulat siya dahil hindi ang mama nya o ang Lola nya ang nagluluto ng agahan kung di si --
"Morning My Princess, breakfast is ready!" sambit ni Liam habang nilalapag ang fried rice, nagluto rin sya ng hotdogs and eggs for breakfast
"Bakit ikaw nagluto? Bisita ka rito dapat ako na ang nag-asikaso nyan eh?" say ni Aiyana kay Liam
"Sus! Para ito lang, okay lang sa akin ang ipagluto ko ang pamilya ng aking Prinsesa!" sabay kindat ni Liam kay Aiyana, napangiti naman si Aiyana sa gesture ni Liam
Ilang minuto pa ay bumaba na si Lea at lumabas na si Lola Alicia sa kanyang kwarto..
"Good morning anak at --" nagulat si Lea dahil nakita nyang may handa ng breakfast at nakita nya ring naka-apron si Liam
"Liam iho? Ikaw naghanda nito?" tanong ni Lea kay Liam
"Yes po tita! Pasasalamat ko na rin at pinatuloy nyo po ako dito, salamat tita!" sambit ni Liam kay Lea
Umupo na silang apat sa hapag at nagdasal muna bago nag-umpisang kumain...
Habang nakain ng agahan..
"Aba apo! marunong ka rin palang magluto, talagang bubusugin mo talaga si Yana kapag kayo ay kinasal na ano?" birong sabi ni Lola Alicia, muntik ng masamid si Aiyana buti nalang naabutan agad sya ng tubig ni Liam
"Lola po talaga! Matagal tagal pa po yun, bago palang po kami ng apo nyo po kaya marami rami pa po ang pagdadaan ko po bago kami mag-settle down!" paliwanag ni Liam sa Lola ni Aiyana habang nakain
"Si Lola, sari sari na sinasabi! Sa ubod ng kuripot nyang si Liam, ewan ko lang, dyan dyan nga lang po kami nagdedate eh!" say naman ni Aiyana, natawa na lang si Lola Alicia
"Edi parang lolo Julio mo pala yang si Liam, ganyan na ganyan ako sa lolo mo nung kami ay kabataan, ubod ng kuripot rin ng lolo mong iyon, lumalabas lang kami para kumain sa turo-turo o kaya napunta kami sa libreng sayawan sa plaza, ganyan kapayak at simple ang buhay noon, di kailangan ng magarang lugar para kayo ay maging masaya, sa isang burol lang o sa tabing dagat basta kasama mo sya, masaya ka na.." inalala ni Lola Alicia ang kanyang kabataan kasama ang kanyang asawa na si Julio na ngayon ay payapa na sa kabilang buhay
"Ganyan rin kami ng daddy mo anak, simple lang ang buhay namin nung naging kami ni Anton, palagi rin nya akong tinatakas ng walang paalam sa mga magulang ko noon, sa isang malawak na lugar nya rin ako palaging dinadala, may dala rin syang basket palagi na puno ng pagkain para hindi raw kami magutom kahit maghapon kami doon, minsan nga pinagbawalan kami magkita ng daddy mo ng Lola Anastasya at ng lolo Leo mo noon, sobrang higpit nila noon sa amin, naiintindihan ko naman yun, mas bata pa kasi ako sayo nung naging kami ng daddy mo, pero alam mo anak, hindi sumuko ang daddy mo, gumawa sya ng paraan para magkita muli kami kahit na alam nyang magagalit ang mga magulang ko, itinuloy pa rin namin kung anong meron kami hanggang sa dumating ang araw na humupa na rin ang galit ng lolo at lola mo sa daddy mo, nagtapos kami ng pag-aaral noon at ilan taon lang ang lumipas ay pumunta na sila daddy mo kasama syempre sila lola Alicia mo at lolo Julio mo sa bahay namin at namanhikan para kami ay bigyan basbas na makasal na, so ayun, ang pagmamahalan ng dalawang tao ay talagang nasusubok sa iba't ibang aspeto, nasusubukan ng panahon, oras at ng mga nakapaligid sa inyo, pero kung talagang kayo talaga ang para sa isa't isa, ano mang panahon, oras o kahit sinong tao pa ang dumating o dumaan sa buhay nyo, kung kayo talaga, kayo talaga hanggang huli!" isang mahabang kwento ng buhay pag-ibig ang inilahad ni Lea kila Aiyana at Liam, sersyoso namang nakikinig ang dalawa kay Lea
"Mama naman eh! Nakakaiyak naman yan pinagdaanan nyo ni daddy, ang dami ring drama sa buhay!" sabay punas ng luha si Aiyana
"Kaya pasensya na kayo sa akin kagabi kung nasermonan ko kayo lalo ka na Liam iho, naiintindihan mo na ngayon kung bakit minsan sobrang higpit ko kay Aiyana at sa iyo, pasensya na talaga iho hah, minsan lang naman akong ganoon, minsan naman maluwag rin!" paliwanag ni Lea kay Liam
"Naiintindihan ko yun tita, pasensya na rin po ulit kagabi, ngayon naiintindihan ko na po, wag po kayong mag-alala, gaya po ni tito Anton, mamahalin ko po ang anak nyo na gaya ng pagmamahal na ibinigay sa inyo ni tito Anton nung sya ay nabubuhay pa, paglayuin o kontrahin man ng oras at panahon o maging ng mga taong darating sa buhay namin, alam ko po sa sarili ko na iisa lang po ang tinatangi ko!" pangako ni Liam sa harap ni Lea at Lola Alicia sabay sulyap kay Aiyana na binigyan sya ng isang ngiti
"Hay naku! Tama na ngang drama at tapusin na natin kumain ng makauwi ka na!" change topic ni Aiyana at nagsikain na ulit sila ng agahan
After Breakfast...
Inihatid na ni Aiyana si Liam sa may gate kung saan nakaparada ang sasakyan nito..
"So, paano? sunduin kita mamaya, night duty pa tayo!" say ni Liam kay Aiyana
"Oo na po! Umuwi ka na ng makapagpahinga ka ng may energy ka mamaya sa night shift natin baka mapasabak ka ulit sa OR eh!" payo ni Aiyana kay Liam
"Sus! Yakang yaka yan no!" pagmamalaki ni Liam sabay flex ng kanyang braso, tinawaan lang sya ni Aiyana
"Ang yabang! Tsaka nasaan ang muscles dyan? Eh puro taba ang nakikita ko eh di biceps?" nagawa pang biruin ni Aiyana ang boyfriend nya
"Eto naman walang pakisama, walang support ganun?" naglungkutan na naman si Liam
"Joke lang, di ka naman mabiro! Umuwi ka nga!" sabay tulak ni Aiyana kay Liam palabas ng gate
"Wala bang goodbye kiss man lang dyan mula sa Prinsesa ko?" say ni Liam sabay nguso sa harap ni Aiyana
"Saka na yang ilusyon mo Liam Oliver, matatagal tagal pa yan, pangalawang beses na nga naudlot so it means di pa talaga time for that kaya maghintay ng right at moment ah, yung walang istorbo ganun!" tinaas lang ng kilay ni Aiyana si Liam
"Tsk! Sa susunod itatapon ko sa loob ng trunk ng sasakyan ko yang phone mo para walang istorbo!" say ni Liam kay Aiyana
"Bahala ka, babye na!" nakipagbeso na lang si Aiyana at Liam sa isa't isa at tuluyan ng umuwi si Liam sa kanila
===================================
Next: Chapter 11
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...