Chapter 47

7 2 0
                                    

"Prinsesa ko?"

Hindi mawala sa isipan ni Aliya ang mga katagang sinambit na iyon ni Liam..

"Bakit ganon? Bakit parang ako yung tinutukoy nya? Ako ba talaga yung tinutukoy nya?" maraming tanong sa isipan ni Aliya ng bigla na lang itong sumakit

"Aray!" inda ni Aliya, nagising bigla si Liam sa inda ng sakit ni Aliya

"Aliya? Anong nangyayari?" pag-aalalang tanong ni Liam

"Sumakit bigla ang ulo ko!" hawak hawak ni Aliya kanyang ulo

"Anong gagawin ko di pa naman uso dito ang mga gamot gamot sa panahon to?" nag-aalala na si Liam kay Aliya

"Bigla na lang sumakit ang ulo ko ng marinig ko sayo yung salitang 'Prinsesa Ko'?" sambit ni Aliya kay Liam

"Ibig bang sabihin may naalala ka na?" tanong bigla ni Liam kay Aliya

"Di ko alam.." nasakit pa rin ang ulo ni Aliya

Ilang minuto na lumilipas di pa rin natigil ang sakit ng ulo ni Aliya..

"Gusto mo ba tawagin ko na sila Lolo?" tanong ni Liam kay Aliya

"Huwag na, masama sa mga matatanda tulad nila ang mapuyat, kakayanin ko to!" sambit ni Aliya, hawak hawak pa rin nya ang ulo nya

"Sigurado ka?" tanong ni Liam kay Aliya

"Oo, kaya ko naman, medy nawawala na ang sakit pero may kirot pa rin!" paliwanag ni Aliya

Nag-iisip si Liam ng paraan para kahit papaano ay maibsan ang sakit ng ulo ni Aliya..

"Alam ko na para mawala ang sakit ng ulo mo!" kindat ni Liam kay Aliya

"Ano naman yang naii--" hindi na pinatapos ni Liam si Aliya dahil hinila na ni Liam si Aliya sa kanyang bisig at niyakap ng mahigpit

"Huwag ka nang mag-abalang magreklamo pa dahil wala na akong ibang maisip para maibsan ang sakit ng ulo mo kung di ito lamang!" paliwanag ni Liam habang yakap yakap si Aliya

"May magagawa pa ba ako, parang kadenang nakapulupot na ang mga kamay mo sa akin!" sambit ni Aliya sabay tingin kay Liam na ang lapad ng ngiti

"Anong pakiramdam?" tanong ni Liam kay Aliya

"Bumubuti na.." simpleng sagot ni Aliya

"Salamat naman! Sabi ko na ba eh yakap ko lang ang katapat nyan sakit mo eh!" sambit ni Liam kay Aliya

"Oo na lang Liam, tulog na!" sambit ni Aliya kay Liam

"Eto na po matutulog na po!" pumikit na si Liam

Tinitigan ni Aliya si Liam habang nakayakap pa rin ito sa kanya..

"Pangalawang beses mo na akong niyayakap ng ganto, gaya ng una kong naramdaman, parang antagal na kita nakakasama, siguro nga may mga bagay at pangyayari akong di ko maalala pero pakiramdam kong malapit ko ng maalala yun, at pakiramdam ko ay isa ka don, salamat Liam!" sambit ni Aliya at tuluyan na siyang nakatulog at yumakap na rin kay Liam

Kinabukasan...

Maagang nagising si Lolo Generoso at Lola Amelia, naghahanda na ng agahan ang mga kasamahan ni Lola Amelia..

"Generoso, tila yata ay tinanghali ng gising ang iyong apo?" tanong ni Amelia kay Generoso

"Mukha nga, labis na nag-aalala si Liam kay Aliya kaya binantayan nya ito ng buong magdamag!" sambit ni Generoso

"Maupo ka na dyan at ako na ang tatawag sa iyong apo sa kwarto ni Aliya.." sambit ni Amelia at pinuntahan niya ang silid ni Aliya, sumunod rin si Generoso kay Amelia

Pagkabukas ni Lola Amelia ng kwarto, tumambad sa kaniya ang tila bay parang mag-asawang posisyon ni Liam at Aliya yakap yakap ang isa't isa..

"Susmariyosep! Totoo ba itong nakikita ko?" tanong ni Generoso kay Amelia

"Mukhang nagkamalay na ang aking apo kagabi.." tanging sambit ni Amelia kay Generoso

"Ganito rin ang posisyon nila nung unang tumuloy si Aliya sa amin, tila ba sila parang mag-asawa na sa posisyon nilang yan kahit ang totoo nyan ay hindi pa.." kwento ni Generoso kay Amelia

"Nararamdaman kong malapit ng maging maliwanag ang lahat kay Aliya, malapit na.." sambit ni Amelia kay Generoso

Naunang nagising si Liam at nakita niya agad ang dalawang matanda..

"Magandang umaga mo Lolo Generoso at Lola Amelia!" pagbati ni Liam, tumingin siya sa kanyang katabi, himbing na himbing ang tulog ni Aliya na nakayakap sa kanya

"Kumusta si Aliya apo?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam

"Nagkamalay na po siya Lo at medyo sumakit lang po ang ulo kagabi kay minabuti ko pong yakapin muna para makatulog kagabi.." paliwanag ni Liam

"Hayaan muna namin kayo, mabuti pa ay gisingin mo na si Aliya ng makapag-agahan tayo apo.." sambit naman ni Lola Amelia kay Liam at lumabas na ito kasama si Lolo Generoso sa silid ni Aliya

Tinignan ni Liam si Aliya at inayos ang buhok nitong natatakpan ang magandang mukha ni..

"Sabi ko na nga ba ay yayakap ka rin eh!" sambit ni Liam habang hinahawakan ang buhok ni Aliya

Ilan minuto rin lumipas at nagising na rin si Aliya at tumingin kay Liam..

"Magandang umaga Liam.." bati ni Aliya

"Ang sarap palang matulog.." sambit ni Liam

"Natural kailangan kong magbawi ng lakas.." sagot ni Aliya

"Okay, gising na rin naman, pwede na tayong bumangon?" tanong ni Liam kay Aliya

"Bakit di ka pa naunang bumangon?" sagot pabalik ni Aliya kay Liam

"Papaano naman ako babangon eh ikaw naman itong parang kadenang nakapulupot sa akin!" ngising sabi ni Liam at napansin agad ito ni Aliya at bigla na lang itong kumalas sa yakap at tila ba ay nahiya pa kay Liam

"Pasensya na!" nahihiyang sambit ni Aliya

"Wala naman problema don eh, nakatulog rin ako ng matiwasay sa yakap mo eh!" sabay kindat ni Liam kay Aliya, namula tuloy bigla ang mukha ni Aliya

"Tumigil ka nga mabuti pa mauna ka nang lumabas susunod na ako!" turo ni Aliya sa pintuan

"Opo eto na po lalabas na, takot ko lang sa talas ng mga tingin mo!" sabay labas ni Liam

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na rin si Aliya sa kwarto at di nya alam ay nag-aantay si Liam sa kanya sa may pinto

"Bakit hinintay mo pa ako?" takang tanong ni Aliya ng bumungad sa kanya si Liam na naghihintay sa may pinto ng kanyang silid

"Sabay na tayo pumunta sa komedor.." sambit ni Liam

"Bahala ka nga.." sagot ni Aliya at sabay na silang nagtungo sa hapag

====================================

Next: Chapter 48

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now